Chapter 37

87 2 0
                                    

Phillip's pov

Back to school na naman po kami ngayon!!! Hayy nakakapagod na mag aral pero wala eh, kaylangan mag tapos ng pag aaral

4 days simula nong may nangyari muli sa amin ni Kristan mabuti kamo di nag tanong ang mga kaibigan at pinsan nya sa akin non kung bakit di ako sa kwarto nila Mike natulog

Naging tahimik na rin si Carl o mas sabihin nating mas lalong naging tahimik. Minsan nga napapansin ko tumitingin sya sa gawi ko at ganon din sila Mike pero umiiwas lang sila ng tingin sa akin kapag nahuhuli ko silang nakatingin sa akin

Si Kristan? Ayon!!! Sinaniban yata ng ispirito ang mokong dahil napapansin ko na palagi na syang sweet, malambing sa akin minsan nga sya na rin nag luluto ng agahan ko eh

Pero dahil dakilang baliw ang ungas minsan nagiging masungit sya sa akin. Di ko nga alam kung bakit ganon sya eh, di maintindihan psst

Nandito nga pala kami sa mall kasama sila mga kaibigan ko di na sumama sila Tyron, Keil at si Ken minsan sumasama sa amin sila Jane, Nelle, Leo, Rome at si Kyline

Habang nag gagala kami sa mall ay may bigla nalang tumawag sa pangalan ko na ikinairita ko naman

'Tss si Venessa'

"PHILLIP!!" umalingawngaw ang sigaw nya sa pangalan ko na ikinatingin naman ng mga tao pero parang wala syang pake don

'Matagal nang walang pake itong babaeng toh'

"Tss nandito na yong kinakainisan ko" bulong ni Mica sa tabi ko

Pag lapit nya ay parang linta kung makakapit sa akin itong babaeng ito

"Why you not sundo-sundo 4 days ago?" tanong nya sa akin na may himig na pag tatampo

Tignan mo yan!! Sinong di maiinis kung pati pananalita at boses nya parang ewan tss

"I'm busy that time" bored na sagot ko

"And you not answer my call" maktol nya pa, napairap nalang ng palihim dahil sa kaartehan nya

"What are you doing here, ang alam ko nasa london ka ah?" tanong ko sa kanya

"Yeah, but i'm so bored in london so i'm dicided to came back our country" sagot nya sa akin

Sino ang di maboboring don kung puro, mall, gala, bar, lalaki ang kasama ng babaeng ito

Ang alam ko may naging ex boyfriend sya pero dahil sa napakadakilang playgirl si Venessa ayon nakipag break

Kung alam nyo lang hindi na berhin ang babaeng ito matagal na po syang bininyagan. Bininyagan ng mga lalaki nya tss

Nakakairita talaga sya parehas sila ng nanay nya masyadong makati!!!

"Btw mom's call me, pinapauwi ka dahil umuwi na raw si dad" biglang salita nya kasi kanina ang tahimik eh

"Bakit daw?" tanong ko sa kanya

"You know, daddy's missed you" sagot nito

Napahinto ako ng wala sa oras and same to my friends and Venessa. Nag taka sila kung bakit ako napahinto pero umiling lang ako at pilit na ngumiti

Ang daddy ni Venessa ayaw ko syang makita nanginginig lang ako dahil sa mga ala-alang naalala ko noong bata pa ako

Ayaw ko nang mangyari pa iyon ulit sa akin!!!

"Di mo pa ba nakikita ang pumatay kila tita Lorien?" tanong nito sa akin

Isa pa ito!!! Isa pa sa isipan ko ang hustisyang gusto kong makuha

"Wala pa at pwede pa Venessa tumigil ka na kakatanong!!" inis na saway ko sa kanya na ikinanguso nya

Napa 'tss' nalang ako at nauna nang mag lakad sa kanila baka di ko lang mapigilan ang inis ko at baka masaktan ko lang din sya kapag di pa sya tumigil kakatanong

Fast forward

Pag uwi ko sa bahay ay napakunot ang noo ko ng mapansin ko ang sasakyan ni Kristan

'Nandito na sya? Akala ko ba pupunta sya sa daddy nya dahil pinatawag sya nito?'

Pumasok na ako sa may gate at pumasok na rin ako sa may loob at napansin ko rin pala kanina na may isa pang kotse o dalawang kotse

Pag pasok ko sa loob narinig ko ang tawanan nila sa may sala kaya nag taka ako. Napansin ko na may dalawang lalaki rin na nakaupo sa may dalawang single na sofa

"Phillip!!" napatingin sila bigla sa gawi ko pero ang pinag taka ko ay yong nakita kong mananalaki ng mata ng isang lalaki

"Kakauwi mo lang?" tanong ni Ken, tumango naman ako

"Mag pahinga ka na muna sa taas ipapadala ko nalang ang meryenda mo don sa mga maid" tumango ako sa sinabi ni Kristan bago dumeretso sa may kwarto namin

Yes!! KWARTO po namin, ang h*yop na lalaking yon ilipat ba naman yong mga gamit ko sa kwarto nya!!

So wala na akong magagawa eh sa nandito na mga gamit ko eh

Di na ako lumabas ng kwarto, di ko rin kasi kayang mag tagal don ewan ko ba bigla nalang nanikip ang dibdib ko nong nakita ko ang isang lalaking nakatingin sa akin kanina

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako

Continue

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Where stories live. Discover now