Chapter 31

98 2 0
                                    

Phillip's pov

Bumalik na kami sa resort lahat dahil mag gagabi na rin. Pag pasok ko ay napakunot ang noo ko ng may narinig kaming nag tatawanan galing sa may living room kaya pinuntahan namin yon at nakita kong may kasama pala sila

"Nandito na pala kayo, Phillip" agaw ng atention ni Ken na ikinatango ko

"So, sya yan kuya?" tanong ng babaeng maikli ang buhok na may ngiti sa labi habang turo ako

"Phillip, punta lang kami sa kwarto ah" paalam ng mga kaibigan ko tinanguan ko nalang sila

"Yeah he is" sagot ni Kristan

Nagulat nalang ako ng tumili ang mga babae at sabay na tumakbo sa gawi ko kasabay ng pag damba ng yakap sa akin

"Yes!! We finally meet you Phillip" sabay na sabi nila

Napatingin ako sa mga kasama namin, nakita siguro nila ang pag tataka sa mukha ko kaya sinagot ni Kristine yon

"We cousins and friends" sagot nya

"Shshshsh, btw i'm Janelle Monteverde Jane for short and this is my twin sister Jannella Monteverde Nella for short" pakilala ng babaeng nag salita kanina

"Pinsan mo pala sila Kristine?" tanong ko sa kanilang dalawa, tumango sila

"Kuya namin si kuya Daniel" sagot ni Nella

"Pag pasensyahan mo na yang kambal kong kapatid, sadyang makulit lang ang mga yan" hinging paumanhin ni Daniel

"Ok lang, mababait namn sila eh" nakangiting saad ko

"Yieee hehehe" hagikhik nilang dalawa na ikinatawa ko

"Ito naman sila Sammy Nica Monteverde at  Jack Leo Monteverde pinsan din namin silang dalawa. Eto naman sila Kyline Zein Monteverde at Jasmine Ash Monteverde whahaha minsan din namin" napanganga nalang ako dahil sa gulat at di makapaniwala

Ang dami pala nilang pinsan pero sa tingin ko mababait namn silang lahat at mabilis lang pakisamahan

"Guys luto na raw yong dinner natin" agaw ng atention ni Kyle

"Paepal" bulong ni Kyline na narinig naming lahat

"Hoy sumbong kita ah" inis na sabi naman ni Kyle

"Masyado ka nalang pikon kuya" pang aasar ng kapatid

"Hep!!! Tama na yan, kumain na tayong lahat" awat ni ate Rose

"Nga pala inaasar namin sila tita Zhea ate hahaha" natatawang kwento ni Jane

"Bakit naman?" tanong ni ate Rose

"Sundan na daw nila si Kiel tutal laking damulag na eh" natawa kaming lahat sa sinabi ni Leo

"Upakan kaya kita dyan" pikon na sabi ni Kiel

Nakilala na rin pala nila Oniel sila Janella mabilis lang din sila nag kasundo

"Guys bukas swimming tayo dyan sa pool area" aya ni Kyline

"GAME!!" sabay na sagot naming lahat at nag katawanan pa

Pag katapos naming kumain ay umakyat na rin kami para mag pahinga lalo na sila Jane malayo pa ang naging byahe nila

Kasama ko nga pala sa iisang kwarto sila Oniel, Clark, Carl at si Mike lima kasi ang kama dito sa kwarto ng resort nila Kristan

Gusto nga sana ni Kristan na sa iisang kwarto lang kaming dalawa kaso di pa alam ng mga kaibigan ko na asawa ko sya dahil natatakot akong malaman nila ang totoo

Dahil sa di ako makatulog ay lumabas ako ng kwarto namin mga bandang 12 am na rin ng madaling araw at lahat sila ay tulog na

Lumabas ako ng resort para mag pahangin. Sobrang lamig pero masarap ang ihip ng hangin, tumingala ako sa langit para pag masdan ang mga kumikinang na bituwin na nang niningning sa langin

Napangiti nalang ako dahil sa ganda ng madilim na kalangitan at ang nga kumukinang na bituwin

"Maganda diba?" napaigtad ako sa gulat ng may nag salita sa likod ko

Pag lingon ko ay si Kristan pala ang taong nag salita

"Teka? Di ka pa natutulog? 12 am na ah?" tanong ko sa kanya

"I can sleep" sagot nya na ngayon ay nakatingin na sa akin

Nailang ako kaya napaiwas nalang ako ng tingin at tumingin nalang muli sa kalangitan

Nagulat ako ng may yumakap sa akin mula sa likuran at ang pag siksik ng muhka nya sa may leeg ko

Bigla nalang akong kinilabutan sa ginawa nya pero kapag kayakap ko sya at nakakasama parang napaka safe ko, parang ligtas ako sa mga kamay nya. Ang init ng mga yakap nya na nag bibigay sa akin ng kaginhawaan

Para rin akong malayo sa panganib na meron sa buhay ko, yong dating galit ko ay unting-unting nawawala sa di ko malamang dahilan

Kapag lumalapit sya sa akin, dampi lang ng kamay at yakap nya ay bumibilis agad ang tibok ng puso ko

Iniisip ko nga parang may sakit ako sa puso eh pero kapag tumatagal don ko lang na narerealize na baka may gusto na ako sa kanya o di kaya........ Nahuhulog na ang loob ko sa kanya

Continue

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Where stories live. Discover now