Chapter 24

91 1 0
                                    

Kristan's pov

Pag alis ko sa kwarto ni Phillip ay dumeretso na ako sa labas ng mansion, sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito papuntang bar

*Bar Night*

7 nag bubukas ang bar na ito at mag sasara mga 6 kaya 7 to 6 lang ang opening nito

Pag mamay-ari ni Christian ang twin brother ko, pag pasok ko ay mga sigarilyo, alak, at may nakikita rin akong nag hahalikan. Dito pa talaga gagawa ng milagro tss

Pag punta ko sa counter ay may lumapit na agad sa akin na isa sa nag reresorve ng alak dito

"Ganon pa rin" sagot ko agad

Maya-maya ay niresorve na agad sa akin kaya mabilis ko itong tinungga. Saktong nakita ko ang kambal ko at ang mga kaibigan namin

"Bakit nandito ka?" tanong ni kuya Christian

"Gusto ko lang mag palamig ng ulo" sagot ko

"Bakit nag away na naman ba kayo ni Phillip? Bakit di mo agad sinabi sa akin na nasa puder mo na pala si Phillip?" tanong nya habang iniinom din ang alak na hawak nya

"Para saan pa? Baka pigilan nyo ako" sagot ko at muling ng order

"Kristan hwag ka naman masyadong mahigpit kay Phillip, paano ka nya mamahalin kung ganyan ang pinapakita mong ugali sa kanya" pangalaran nya sa akin. Natawa naman ako sa sinabi nya

"He told me na di sya bakla katulad ng iba" sabi ko

"Yeah, right. Sa mga kilos nya palang lalaki talaga pero minsan napapag kamalan syang babae dahil din sa kilos at hubog ng katawan. Miski muhka parang babaeng-babae rin" pag sang-ayon nya

Di nag sasalita ang tatlo, umiinom lang sila habang nakikinig sa akin

"Mahirap ba akong mahalin?" natanong ko sa kanya. Napatingin naman sya sa akin at umiling bago ngumiti

"Bro, hindi ka mahirap mahalin. Ikaw lang mismo ang nag papahirap na mahalin ka ng taong mahal mo, sa mga kilos at trato mo sa kanya. Bro di tayo pinalaki nila Dada at Dad para lang maging barumbado, para kang pycho sa ginawa mo eh. Parang isang baliw na di mo malaman ang dahilan" natatawang paliwanag nya sa akin

"Kung ako sayo Kristan, iiwasan ko nang saktan pa si Phillip. Iiwasan ko nang palaging galawin ang taong ayaw galawin ang sarili nya sa taong pilit naman syang pinipilit" seryosong dagdag nya. Nabatukan ko nalang ito dahil alam kong, ako ang pinaparinggan nya. Tumawa nalang silang apat bago umiling

"At nga pala kung ayaw mong mawala sayo ang taong mahal mo. Hwag mong aabusuhin ang tao" pangaralan ni Dexter sa akin

"Thanks dre" nakangiting pasasalamat ko

Buong gabi lang kaming nag iinom, kwentuhan, tawanan at asaran hanggang sa mag 12 am na ng gabi

Umuwi na ako kahit na medyo nahihilo ako, kaya ko pa naman eh kahit pinipilit nila ako na hwag na mag drive

Phillip's pov

Hindi ako makatulog, 12 am na ng gabi pero di pa rin ako maka tulog

Bumaba nalang ako para uminom ng tubig, tulog na ang mga maid, miski si manang tulog na rin.

Babalik na sana ako sa kwarto ko ay may bumusina sa labas kaya napakunot ang noo ko bago ko tinignan

Nakita ko ang sasakyan ni Kristan muhkang may pinuntahan sya

Pag bukas ng pinto ay muntik na syang matumba at ngayon ko lang naamoy ang alak sa hinga ny

"Uyy ano ba Kristan hwag ka naman mag pabigat" inis na singhal ko sa kanya, paano nag papabigat sya tss tss

"Ohh ikaw pala yan babe" nakita ko pa ang napupungay ng mga mata nya

Napa irap nalang ako sa kawalan bago sya dinala sa may kwarto nya at pabagsak na inilapag sa sobrang bigat ng katawan nya

Ng aalis na sana ako ay bigla nya nalang ako hinatak kaya napahiga ako sa may dibdib nya

Namula nalang ang muhka ko dahil don at napalunok. Nag pumiglas pa ako kaso ang higpit ng yakap nya sa akin, sa may bewang ko hayss

"Kristan bitiwan mo nga ako" inis na bulong ko sa kanya

"Hmm" angil nya kaya nag pupumiglas pa rin ako sa kapit nya

"Plss stay" bulong nya sa akin

"Bitiw pupunta na ako sa kwarto ko" inis na sabi ko

"Stay, plss stay Phillip" mahinang bigkas nya at mas lalong humigpit ang yakap nya sa akin

Wala na akong magagawa kahit na labag sa akin ay nag stay nalang ako sa kwarto nya hanggang sa lamunin na ako ng antok

Continue

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Where stories live. Discover now