Chapter 34

92 2 0
                                    

Phillip's pov

Nandito na kami sa resort, kakauwi lang namin ngayon. Nag pahinga lang kami saglit at pag katapos ay nag handa na rin kami ng dinner namin

"Guys barbique tayo, gusto nyo?" tanong ni Kristine

"GO!!" sigaw nila

Inilabas nila Oniel ang ihawan, ang iba naman ay nilabas ang mahabang lamesa at upuan

Pumasok ako sa may kusina para tignan ang mga babae, mga babae kasi ang mag luluto ngayong dinner

"Sino mag iisaw mamaya?" tanong ni Jane

"Ewan, baka si kuya Kristan" sagot ni Kristine

"Oh ikaw pala Phillip" napatingin sila sa akin ng tumanaw ako sa may pinto ng kusina

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kyline

"Wala lang, gusto ko sanang tumulong nakakaboring na sa labas eh" sagot ko

"Sige" sabay na sagot nila kaya napangiti naman ako

Nag luto na nga kami sila Kyline, Kristine ang nag linis ng isda, pusit, baboy at manok. Sila Janella at Janelle naman ay nag hiwa na ng mga gulay at ang iba pang pangluto

Kasama kong mag luluto ay si Rome dahil nakisama na rin sya sa amin

Fast forward

Ng matapos na naming lutuin lahat ay nilabas na namin sa may labas dahil alam kong gutom na rin ang iba sa may labas

Ang niluto pala namin ay Minudo, kaldereta, sinigang na baboy at ang adobong pusit.

"Guys kainan na!!" tawag ni ate Rose sa kanila

Naupo na kami sa kanya-kanyang upuan, nag dasal muna kami bago kami kumain

Puro tawanan at kasiyahan lang ang nangyari sa hapag kainan at ngayon ay nag kayayaan ang mga lalaki na uminom

Ako naman di na sumali pa na makipag inuman dahil di naman ako masyadong umiinom at dahil wala rin akong ganang uminom ngayon

Nandito kami sa may swimming pool puro babae ang kasama ko ngayon -__-

"Ikaw lang lalaki dito Phillip ah" natatawang sabi ni Mica

"Manahimik ka nga" nakasimangot na saway ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako

"Sarap mo talagang mag luto Phillip, the best ang mga luto nyo" sabat naman ni Alisha

"Oo nga eh, di ko alam na magaling ka palang mag luto Phillip" sigunda naman ni Kristine

"Mag isa lang kasi ako sa partment ko kaya kaylangan ko ring matutong mag luto" sagot ko sa kanila

"Sabihin mo nga sa amin Phillip" napatingin ako sa dalawang kaibigan ko napakaseryoso ang mga muhka nila kaya nag tataka ko nalan silang tinignan

"Bakit?" tanong ko sa knila

"Kaano-ano mo ba talaga si Kristan? Palagi ka naming napapansin na mag kasama kayo nitong mga nakaraang buwan na rin" tanong ni Alisha, napalunok naman ako dahil don. Napatingin ako kila Jane

"Sabihin mo na kaya" bulong sa akin ni Kyline napahinga nalang ako ng hangin bago sinagot ang tanong nila

"Ang totoo......Asawa ko na si Kristan" pag aamin ko sa kanila na nakayuko dahil ayaw kong makita ang magiging reaction nila

"ANO!!!" sabay na sabi nila kaya napapikit ako ng mariin

"K-kaylan pa?" tanong ni Alisha

"4 months na rin simula nong ikinasal ako sa kanya" sagot ko sa kanya

"Sa apat na buwan? Di mo sinabi sa amin na kasal ka na sa kanya" di pa rin makapaniwalang tanong ni Mica

"D-dahil kapag sinabi ko sa inyo b-baka pandirihan nyo ako dahil nag pakasal ako sa lalaki rin" sagot ko sa kanila

"Aray!!" napahawak ako sa may uluhan ko ng batukan ako ni Mica

"G*ga ka talaga, kami? Pandidirihan ka? Hoy lokaret ka imposibleng pandirihan ka namin noh. At isa pa kaibigan ka namin Phillip kaya kahit na anong sabihin mong pandidirihan ka namin di yon mangyayari" sermon nya sa akin

"Sorry" paghihingi ko ng paumanhin

"Pero paano kapag nalaman ito nila Oniel?" nag aalalang tanong ni Alisha

"Yon nga ang problema eh" sagot ko naman

"Bakit nyo naman na sabing yon ang problema?" tanong ni ate Rose

"Mas malala pa ang mga lalaki lalo na si Carl, may gusto rin kasi si Carl kay Phillip eh" sagot ni Mica

"Wee? HAHAHAHA yari nga talaga" natatawang sabi naman ni Kyline

"Anong gagawin natin nyan?" nag aalalang tanong ni Alisha

"Hwag nyo munang sasabihin sa kanila, dapat kayo muna ang makaalam tungkol sa kasal namin ni Kristan" pag saad ko sa kanila

"Paano ba kayo kinasal ni Kristan?" tanong nya

"Hmm mahabang kwento hahaha basta hwag nyo muna sasabihin sa kanila" sagot ko nalang sa kanya

Tumango nalang sila sa akin kaya nakahinga na rin ako ng maluwag

"Phillip!!" tawag sa akin ni Daniel

"Bakit?" tanong ko sa kanya

"Dalhin mo na si Kristan sa kwarto nya HAHAHA tumba na agad eh" natatawang sagot nya

"HAHAHAHA" tawa ng mga babae

"Oh sya dalhin mo na ang magaling mong asawa sa kwarto nya pfft" napatango nalang ako bago tumayo sa kinauupuan ko at pumasok sa loob

Nakita ko naman ang ibang mga lalaki na nag iinom pa, ang iba tumba na at ang iba naman sige tagay lang.Napailing nalang ako dahil don

Continue

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Where stories live. Discover now