Chapter 26

94 2 0
                                    

Tyron's pov

Kanina pang umaga itong si kuya nakangiti, lahat kami nag tataka kung bakit ang saya-saya nya ngayon

'Patawag na kaya ako ng ambulance para mapadala sya sa mental hospital?'

Gusto kong matawa kung anong magiging reaction ni kuya kapag nasa loob na sya ng mental hospital HAHAHA

Pero nong nag lunch kaming lahat at pag pasok nya ay tumayo kami para lumipat ng upuan

Pag upo namin ay parang ang saya-saya pa rin nya kumakanta-kanta pa na parang tipang

"Kuya nyo namental na" bulong ni Dexter sa akin, natawa nalang kami

Nakita kong sinenyasan nya si Thunder at umalis ito kaya lumingon ako kung saan sya pupunta at nakita ko nalang na tinawag nya pala si Phillip

"Kuya para ka kamong timang kanina ka pa nakangiti at kumakanta dyan" saad ni ate Kristine sa kanya

Umirap lang at umismid si kuya na ikinatawa rin naming lahat

Pag lapit nila Phillip ay pinaupo sya ni kuya sa tabi nya kaya umupo lang ito. Pansin ko rin na may binulong si Phillip na sinasagot naman ni kuya

"Eat" utos ni kuya sa kanya

"Eat or else....--- Oo na kakain na" putol ni Phillip na ikinatawa ni kuya

Ganon nalang ang pag laglag panga namin at pati mga studyante ay napatingin sa kanya

"D-did you see that?" tanong ni Kyle sa akin

"H-his laughing now" di makapaniwalang usal ni Daniel

"Wow tumawa ang president oh" pang aasar ni Joar sa kanya

Tumigil sa kakatawa si kuya at tumikhim din bago mag simulang kumain

"Phillip" tawag ko sa kanya

"Anong sabi ng mga kaibigan natin nong umalis ka don?" tanong ko sa kanya

"Tinignan lang nila ako na parang nag tatanong, si Carl naman ayon nag seryoso yong muhka kanina parang di mapinta ang itsura nya" sagot nya, natawa ako ng mahina sa sinabi nya

Kumain lang kami ng kumain habang nag kwekwentuhan din at nag tatawanan

Phillip's pov

Pag katapos ng buong klase namin ay pagod akong napa dukmo sa mesa ang daming projects,
assasment, at iba pa

Bigla kong napatingala ang muhka ko ng kalabitin ako ng kung sino at pag angat ko ng muhka sila Mike lang pala

"Phillip, sabihin mo nga sa amin ang totoo" seryosong panimula ni Oniel. Napalunok ako dahil sa kaba

"A-ano namang sasabihin ko?" kinahabahan na tanong ko

"Anong meron sa inyo ni President Kristan? Palagi ko kasi kayo napapansin nitong mga nakaraang linggo na mag kasama?" tanong ni Alisha

'Yari na, anong gagawin ko ngayon?' tanong ko sa sarili ko

"Ano bang sinasabi nyo?" natatawang tanong ko pero seryoso pa rin ang muhka nilang lahat kaya napayuko nalang ako

"Alam naman namin na maraming nagkakagusto sayo lalo na ang mga lalaki" nalangiwing asik ni Mica

"Paanong di maiinlove ang mga lalaki sa kanya, look at him. He look like a girl" sabat naman ni Clark na ikinairap ko

"Di ko naman ginusto noh" depensa ko

"Kaya ba nong nasa mall tayo? Sinundo ka nya?" napatingin kami kay Carl na naka sandal sa may table nya

Seryoso ito o parang walang emosyon ang muhka at ang lamig ng tinig nya nakakakilabot

"Sinundo ka nya?" sabay na tanong nila

"O-oo" sagot ko

"Anong nangyayari dito?" napatingin naman kami sa bagong dating sila Ken at Tyron kasama si Keil

"Sana all sinundo ng president" pariringgan ni Clark, sinamaan ko sya ng tingin pero tumawa lang ang bakla tss

"Ano bang nangyayari dito? Bakit napakaseryoso nyo?" tanong ni Ken na nakakunot ang noo

"May di kasi sinasabi ang isang toh" sumbong ni Mica na nakaturo sa akin

Tinignan naman ako nila Tyron na nag tataka at nakasalubong pa talaga ang mga kilay ah

"Katulad ng?" tanong ni Keil

"Tinatanong kasi nila Oniel si Phillip kung anong meron o pagitan sila ni mr. Kristan na SSG President ng campus" sagot ni Carl

Nakita kong nabulunan si Keil sa iniinom nya at si Ken naman ay gulat pati rin si Tyron pero di nila pinahalata yon

'Ang gagaleng talaga'

"Baka mag kaibigan lang" basag ng katahimikan ni Keil

"Guys si President nandito" napatingin kami sa may pinto at ganon nalang ang pag katayo ko ng makita nga si Kristan don

Nakasalubong ang mga kilay nya at ang sama ng tingin sa gawi namin, nakita ko ang bahagyang pag lunok ng tatlo na halatang takot o kinakabahan

Walang pag dadalawang isip na pumasok ng room  si Kristan at hinila nalang ako papaalis don

"T-teka" awat ko sa kanya

Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na salubong na rin ang mga kilay

"Kayo nang bahala sa bag nya Tyron" bilin nya sa kapatid nya bago ako hinatak paalis

Continue

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Where stories live. Discover now