Chapter 32

95 2 0
                                    

Phillip's pov

Mag iisang oras na kaming nakatayo dito at nakayakap sa akin si Kristan

'Diba nangangawit ito? Kasi ako kanina pa nangangawit?'

"Hoy Kristan kung inaantok ka na pumunta ka na sa kwarto mo" tapik ko sa braso nya kaso mas lalo lang syang sumiksik sa leeg ko

"Isa, kapag di ka pa umalis dyan sisikuhin na kita" banta ko sa kanya

Narinig ko pa ang pag tawa nya ng mahina kaya naramdaman ko lalo ang init ng hininga nya

"One more minutes" sagot nya

"Papasok na ako sa loob ang lamig na kaya" reklamo ko

"Nakayakap na nga ako sayo nilalamig ka pa" hirit nya kaya namula naman ang muhka ko

"Aba!! Bitiwan mo na nga ako, baka mag taka sila Clark na wala ako sa kwarto" inis na sabi ko sa kanya

"So What?" walang pakeng sabi nya

"Ayaw mo yata ako patulugin eh" nakataas na kilay na sambit ko

"Gusto mong di makatulog?" nakakalokong ngiting tanong nya

Sa mga ngiti nya palang muhkang may binabalak na ito kaya hinampas ko agad ang braso nya na ikinatawa naman nya

"Imp*kta ka talaga Kristan puro kahalayan ang naiisip mo" inis na singhal ko sa kanya

"Oh atlis sa huli makakatulog ka na ng mahimbing nyan" natatawang hirit pa nya

Kaya dahil sa inis ko ay siniko ko na agad ang tagiliran nya na ikinadaing nya naman

"Ouch!! Babe naman ang sakit non ah" maktol nya

"Kasalanan mo yan puro kahalayan kasi ang iniisip mo" sagot ko naman sa kanya

"Nag bibiro lang naman eh" nakasimangot na sabi nya

Muhka syang bata pfft

"Hwag kang gumuso dyan muhka kang bibe" pang aasar ko na mas lalo nya pang ikinanguso

"Aba tigil-tigilan mo ako sa kakaganyan mo Kristan Zedrick Monteverde di bagay sayo ang ganyan." sita ko sa kanya

"Bahala ka dyan may multo pa naman dito"  mananakot ko bago tumakbo sa loob ng bahay

"ALEXANDER PHILLIP DE GUZMAN-MONTEVERDE BUMALIK KA DITO!!" sigaw nya sa labas at ako naman ay tatawa-tawang pumunta sa kwarto namin

Mabuti nalang walang nagising sa isa, sa mga kasama namin dito.Nakatulog ako na may ngiti sa labi

Kinabukasan

Masigla akong bumangon sa higaan ko at napansin na wala na ang mga kaibigan ko kaya naligo na ako at inayos ang higaan ko bago bumaba

Nakita ko sila sa may labas ng resort kaya lumabas na rin ako at nilapitan sila

"Good morning guys" bati ko sa kanila

"Good morning din sayo Phillip, ang sigla mo yata ngayon ah" bati sa akin ni ate Rose

"Hehehe di naman po" nakakamot na saad ko

"Nga pala nasaan ang iba?" tanong ko sa kanya

"Nasa likod ng resort , sa may swimming pool area nandoon sila" sagot nya kaya pinuntahan ko sila

"Mabuti naman nandito ka na Phillip" napatingin silang lahat sa akin

"Oum" yan ang tanging sagot ko sa kanya

Narinig ko ang tawanan ng mga babae kaya nag taka ako kung bat sila tumatawa

"Pfft tol anyari sayo? Para kang zombie dyan sa itsura mo?" pigil na tawang tanong ni Joar

"Shut up assh*le" inis na bulyaw ni... Ahh si Kristan

Napatingin ako sa kanya at ganon nalang ang pigil ng tawa ko dahil sa itsura nya

"Oh mabuti't---- Hahaha anyari sayo Kristan para kang nir*pe ng bakla sa itsura mo at para kang zombie dyan?" tanong ni ate Rose pero doon na kaming nag tawanan lahat

"Sinong di ganto ang itsura ko kung may isa dyan na di nag patulog sa akin?" pag paparinig nya at masamang tingin ang pinukol nya sa akin pero ako ito namang si deadma at sumisipol pa

"Muhkang may magandang nangyari kagabi habang tulog kami ah" saad ni Daniel

"Sige puntahan ko lang yong ginagawa mo don ate Rose" paalam ko at pumunta na don

"Phillip hintay!!" sigaw ng mga kaibigan ko

Napapailing nalang ako sa kanilang lahat pero natawa rin kalaunan dahil naalala ko yong itsura nya kanina

Kristan's pov

"HAHAHAHAHAHAHA" hagalpak ng mga abno kong pinsan, kapatid at kaibigan

"Kaya naman pala hahaha" tawa pa rin sila ng tawa

"Tinakot ka ni Phillip kaya ganyan ang kinalabasan ng itsura mo tol" natatawang sambit pa ni Dexter

"Hahaha oo nalang ako" sakristong sabi ko na mas lalo nilang ikinahagalpak ng tawa

"Mag sitigal na nga kayo" inis na singhal ko sa kanila

"Ayy sus manyak ka kasi kaya yan napapala mo" pang aasar ni ate sa akin na ikinairap ko

"Hwag kang umirap para kang bading" pang aasar din ng kapatid ko

"Itapon ko kayo sa swimming pool eh" inis ko pa ring singhal sa kanila

Tinawanan lang nila akong lahat kaya sa inis ko pumasok nalang ako sa loob at umakyat sa taas

'Yari ka tlaga sa akin Phillip, ohh take my punishment my love' *smirk*

Continue

ngayon lang

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Where stories live. Discover now