Chapter 17

107 2 0
                                    

Phillip's pov

Isang linggo rin ako di nakapasok ng school kaya marami na ako paniguradong missing class haysst

Di na nga pala muli nag pakita si Kristan simula nong nangyari yon. Mabuti na rin dahil galit ako sa kanya lalo na yong nangyari sa aming dalawa na pang gagahasa nya

Yong singsing na binigay nya sa akin non ay di ko sya sinusuot. Kapag nakikita ko yon parang nakikita ko rin sya dahil nga asawa ko 'kuno' sya

Bakit ba ginagawa akong bakla ng lalaking yon? Sarap nyang sapakin at tadyakan sa sobrang inis at galit ko sa kanya

Nandito nga pala ako sa room kasama itong mga kaibigan ko

"Phillip bakit ngayon ka lang pala pumasok?" tanong ni Mica

"Alam mo bang nag alala na naman kami sayo dahil sa wala kang paramdam?" singit ni Alisha

"Pasensya na guys nilagnat kasi ako kaya di nakapasok" sagot ko sa kanila

"Dapat tinawagan mo kami para naman mabantayan ka namin" sabat ni Mike pero umiling at ngumiti nalang ako sa kanya

"Nahh ayaw ko kayo istorbohin kaya di ko na kayo inabala pa" nakangiting sagot ko sa kanya

"Hayy nako sa susunod mag paalam ka muna sa amin o di kaya itext mo kami para di kami mag alala sayo" bilin ni Clark sa akin tumango nalang ako

Pag labas namin ay sumalubong agad sa amin si Thunder na seryoso lang ang muhka kaya napakunot naman ang noo ko

"Bakit?" seryosong tanong ko sa kanya

"Gusto ka nyang makita" sagot nya sa akin

Para naman akong nanginig sa takot at kaba ng sabihin nya yon sa akin

"A-ano na naman bang kaylangan nya sa akin?" tanong ko sa kanya

"Sya mismong mag sasabi sayo nyan, kaya sumama ka na sa amin Phillip ayaw namin gumawa ng dahas para lang sumama ka sa amin" sagot ni Dexter sa akin

"Phillip" kalabit ni Mica sa akin, napabuntong hininga nalang ako

"Mauna na kayo sa Cafeteria susunod nalang ako" utos ko sa kanila

"Pero--- Sige na guys sumunod na kayo sa akin" putol ko sa sasabihin ni Mike

Napabuntong hininga nalang sila bago nag lakad papalayo sa amin

Sumunod naman ako kila Thunder, pinag gigitnaan ako nila Joar at Dexter habang nasa harapan naman namin si Thunder

Maraming nag tataka at nag bubulungan kung bat ako pinag gigitnaan nilang tatlo pero di na namin yon pinansin

Ng makarating ay kumatok muna si Thunder bago pumasok, nakita ko doon ang mga pinsan ni Kristan na abala sa kanilang mga ginagawa kasama ang dalawang kapatid nya

"Dito tayo sa office nya" giniya nila ako sa isang pintuan kung saan ang office ng SSG President para syang company na may sariling opisina

Kumatok muna ulit si Thunder pero bago ako pumasok may kumalabit sa akin at pag tingin ko ay si Kristine lang pala

"Sabihin mo sa amin kapag may ginawang kalokohan ang kakambal namin sayo" bulong nya sa akin tumango nalang ako bago pumasok sa loob

Nakita ko si Kristan na abala sa mga papers na naka tambak sa may lamesa nya

"Bro nandito na si Phillip" biglang saad ni Joar kaya napaangat naman ito ng tingin at tumingin sa gawi ko kaya nag tama ang mga mata naming dalawa

Ako nalang ang nag iwas ng tingin dahil ayaw kong makita ang mata nya na parang minamagnet ako dahil sa tingin nya

"All of you get out" utos ni Kristan gamit ang malamig na boses

Lumabas na sila Dexter kaya kaming dalawa nalang ang natira dito

Nakatingin pa rin sya sa akin na parang sinusuri ako o binabasa kung anong tumatakbo sa isip ko

"A-ano bang kaylangan mo at pinatawag mo pa ako?" tanong ko sa kanya na di nakatingin sa kanya

"How your feel?" tanong nya sa akin

"Ok lang" sagot ko sa kanya gamit ang seryosong boses

"Sorry sa g---- Sa tingin mo mapapatawad kita sa ginawa mo sa akin Kristan? Pasensya na pero di ako ganong tao na mabilis mag patawad agad" putol ko sa kanyang sasabihin, nakita kong humugod ito ng malalim na hininga bago sumandal sa upuan nya

"Paano kayo nag kakilala ni Theo?" tanong nya gamit ang seryosong boses

"Bakit ko naman sasagutin yan? Para saan naman para sabihin ko kung paano ko sya nakilala?" sakristong sagot ko sa kany

Nakita ko naman na nag iba ang aura nya kaya napa atras ako

"Hwag mo akong pilosopohin Phillip dahil maliit lang ang pasensya ko" malamig na sabi nito sa akin

"Bakit? Anong gagawin mo? Sasaktan mo na naman ba ako?" sakristo ko muling sagot sa kanya

"DON'T TRY ME PHILLIP DAHIL KANINA PA AKO NAG TITIMPI!!" sigaw nito sa akin kaya napaatras ako ng mahagya dahil sa takot

'He look's like a devil!!!"

Continue

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Where stories live. Discover now