Chapter 38

116 3 0
                                    

Kurt's pov

Kanina pa ako tulala at walang imik nong nakita ko ang batang lalaki kanina. May kamuhka sya pero di ko sigurado kung sino ang kamuhka nya

Maamo ang muhka nong batang yon at may pagkainosente rin kung titignan. Nong nakita ko sya kanina parang may namuong konsensya sa puso ko, di ko maintindihan kung bakit ko naradaman yon

"Baby" nong nasa bahay ako ng anak ko at nong nangyari yong pag kikita naming dalawa don na ako nawalan ng imik

"Hey baby talk to me" naguguluhan ako, di ko alam kung anong nangyayari sa akin

"KURT!!" nabalik lang ako sa relidad ko ng may sumigaw at nakita ko si Tristan na nakatingin sa akin. Seryoso na may hinig na pag aalala sa muhka nya

"Di ako sanay na tahimik ka. Kahit sa bahay ng anak natin ganyan ka rin, di ka umiimik" seryosong sabi nito, napayuko nalang ako dahil don

"Do you have a problem?" tanong nito sa akin, umiling lang ako sa kanya

"O baka naman nakokonsensya ka pa rin kila Lorine at Alvin?" don na napataas ang ulo ko ng banggitin nya ang dalawang taong napatay ko

"I-i don't know" mahinang sagot ko, pero di ko rin namalayan na may luhang pumatak na sa mga bata ko

Naramdaman ko nalang na huminto ang sasakyan namin pero wala pa ring tigil ang pag luha ko na sinabayan na rin ng hikbi

"Shhh don't cry" pag papatahan nya sa akin

"H-hindi ko intentsyon n-na patayin sila. G-gusto ko lang naman na m-makulong sila p-para pag bayaran a-ang mga kasalanan n-nila" sagot ko at napahagulgol nalang ng iyak. Niyakap ako ni Tristan kaya sa mga bisig nya na ako lalong umiyak

"I know baby, hindi mo yon ginusto. Kahit kami di rin namin ginustong mamatay sila ng ganon-ganon nalang" sabi nito habang hinihimas nya ang likod ko

"Gusto kong bumawi, gusto kong bumawi man lang kahit sa anak nila pero wala pa rin akong balita sa bata" sambit kong sabi

Humiwalay sya sa yakap namin at tinignan ako sa mga mata ko bago hinalikan ang noo ko

"But before that, let's go home. Hinihintay na tayo ng mga bata and you need to rest para makabawi ka ng lakas" tumango ako sa kanya kaya pinaandar nya na ang sasakyan namin

Phillip's pov

Kanina ko pa pansin si Kristan na di umiimik. Tulala rin itong lalaking toh kaya nilapitan ko sya at kinalabit na ikinalingon nya

"Kanina pa kita nakikitang ganyan. May problema ba?" takang tanong ko sa kanya, umiling lang sya at nag pilit ng ngiti bago tumingin muli sa kalangitan

"Wala lang ito" sagot nya sa akin

"Nong umalis ang parent mo ganyan na ang nangyari sayo, tell me ano bang nangyari sa pinag usapan nyo?" tanong ko muli sa kanya. Narinig ko ang pag buntong hininga nya bago tumingin sa akin

"Si dada, hindi na nag salita kanina. Di ko alam kung bakit di na sya nakapag salita kanina" sagot nito sa akin

"Baka may iniisip lang sya kaya di na sya nakapag salita kanina" sabi ko sa kanya

"Hmm maybe" pag sang ayon nya

"Let's sleep, i'm tired" aya nya sa akin muhka ngang inaantok na kaya nahiga na kami sa kama

Nakayakap sya sa bewang ko habang ako nakatalikod sa kanya, nakasiksik rin ang ulo nya sa may leeg ko at ramdam ko na rin ang mabigat na hininga nya

'Ano kayang nangyari sa dada ni Kristan?'

Continue

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Where stories live. Discover now