Chapter 39

83 3 0
                                    

Phillip's pov

Lumipas ang dalawang linggo ay mas lalong naging sweet si Kristan sa akin pero minsan ang lamig ng pakikitungo nya sa akin, di ko nga alam kung bakit eh

Katulad ngayon, kanina ko pa sya kinakausap pero di nya ako pinapansin. Sige pindot lang sya ng pindot sa may phone nya

"Uyy Kristan pansinin mo naman ako" pangungulit ko sa kanya

Isang linggo nang lumipas nong nag simula akong mangulit sa kanya, hindi ko nga alam kung bakit ko ito ginagawa eh. Basta ang alam ko lang masaya ako kapag kinukilit sya, inaasar o di kaya iniinis. Kapag naman galit sya mabilis rin akong malungkot, at umiyak

Nagiging emotional na ako nitong mga nakaraang araw.

"Kristan ano ba" pangungulit ko sa kanya

"Pwede ba Phillip, tigilan mo nga ako" inis na saway nya sa akin pero di ako tumigil sa pangungulit ko sa kanya

"Sino ba kasi ang ka-text mo?" di ko na napigilan ang inis ko dahil sa ginawa nya

"Tss wala ka na don" masungit na sagot nya

"Oh baka naman kabit mo yan?" galit na tanong ko sa kanya

"Bakit selos ka?" nakangising tanong nya sa akin. Aba!!! Tar*ntado ito ah!!!

"T*ng *na mo!!! Hwag na hwag kang tatabi sa akin mamaya p*ste ka!!! Mag sama kayo ng kabit mo!!" galit na sabi ko sa kanya at padabog na umakyat sa taas

Nag tatanong pa ang g*go kung nag seselos ako? Aba ang galeng talaga eh noh!!! Asawa nya ako diba? AGRRR PAKAKASAKAL AKO NG TAO!!!!

Kristan's pov

Nakita kong umakyat si Phillip sa kwarto namin at pabalang pa sinara ang pinto tss. Natawa na lang ako sa inasta nya at napailing-iling

Sakto naman na bumukas ang pinto at pumasok ang mga ulupong kong kaibigan at mga pinsan

"Oh anyari sayo?" tanong sa akin ni Joar

"Nothing" tipid na sagot ko sa kanya

"Nasaan si Phillip?" tanong ni Ken sa akin

Di ko naman kaylangan mag selos sa kanya at isa pa mas matanda naman si Phillip sa kanya ng limang taon eh

"Nasa kwarto" sagot ko sa kanya

Kumaripas naman ng takbo ang mga loko at kakatok palang sana ng marinig ang boses ni Phillip sa loob

"SUBUKAN NYONG KUMATOK DYAN!!! PAG SISIPAIN KO KAYO PALABAS NG MANSION!!!" galit na sigaw nito sa kanila

Natawa naman sila Joar don dahil sa sigaw ni Phillip

"Anyari kay Phillip? Parang masyado naman yatang mainit ng ulo nya?" tanong ni Tyron nong nakaupo na sila

"Siguro sinigawan mo noh?" nakataas ang kilay na tanong ni Christian sa akin

"Kanina" walang pag dadalawang isip na sagot ko. Nagulat nalang ako ng batukan ako ni Christian kaya sinamaan ko sya ng tingin kaso mas malala nga pala ang isang toh

"Sira ba toktok mo Kristan!!! Di magiging ganon si Phillip kung di mo sinigawan!!" sermon nya sa akin

"Eh kasi naman may katext ako tapos ang kulit nya kay--- ARAY SAKIT NON AH!!" p*takteng yan dalawang batok na ang binigay nya sa akin

"Di mo naman sya kaylangan sigawan ng ganon!!!" inis na sabi nito

"Puntahan mo na sya Kristan. Sige ka baka maagaw sya ni Carl s--- G*GO KA!!" yan napapala nya!! Bwisitin ba ako tss

Ang ginawa ko lang naman ay binato ko yong maliit na kotsilyo sa kanya, at ayon muntik na syang mahagip

"Yan asarin mo pa Joar para mamaya isang malamig na banggay ka na HAHAHAHA" pang aasar ni Dexter sa kanya

"Tss manahimik kang supot ka!!" inis na saway ni Joar sa kanya

"Ayy sus" nakangising pang aasar pa ni Dexter sa kanya

"Gusto mo ng sapak?" inis na tanong nito habang hinahanda ang kamao nya

"Kiss nalang mas sulit pa" mapang asar na sagot ni Dexter

"G*GO!!" sigaw nito sa kanya na ikinatawa namin

*BOGSSS

Napa tayo ako ng wala sa oras ng may narinig akong nabasa na kung ano sa may loob ng kwarto

"Sh*t si Phillip!!! Thunder kunin mo yong susi sa may kitchen bilis" utos ko sa kanya at dali-daling umakyat sa taas

"Phillip!! Babe open this door!!!" katok ko sa pinto nya pero wala naman akong naririnig na kung ano sa loob

"Thunder faster!!! Give me the key!!" sigaw ko sa kanya

Binigay nya sa akin ang susi kaya dali-dali ko itong binuksan at pag bukas ay nagulat nalang ako na nasa may sahig na sya

"PHILLIP!!" sabay natawag namin sa kanya

Continue

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Where stories live. Discover now