Chapter 68

68 2 0
                                    

Phillip's pov

Napatingin lang kami kay Clark. Nakayuko ito pero nakikita namin syang umiiyak dahil sa mga luhang pumapatak sa kanya, masakit din sa kanya ang nangyari sa anak nila dahil pati ito dinamay din nila Veronica

"G-gusto ko rin sagipit a-ang a-anak natin. Gusto ko rin na makitang ok lang sya na walang galos sa muhka nya at sa iba't ibang parte ng katawan nya" mag susumaong pahiwatig ni Christian. Nakita ko ang pag kuyom ng kamay ni Carl nang akmang mag sasalita ito ng bigla nalang nag salita si Clark

"Sa tingin mo ba gusto rin nang makita ang ama nya na ganyan ang kalagayan? Sa tingin mo ba matutuwa rin yon sayo na makita ka nyang sugatan?" Singhal ni Clark. Natahimik nalang ang kabilang linya kaya pati kami ay natahimik din

"K-kung gusto mong makita at makilala ka nya ayusin mo muna ang buhay mo" dagdag pa ni Clark bago punasan ang luha nya sa mata. Nang akmang mag sasalita ako nang bigla nalang may sumigaw sa pangalan ko

"Phillip na kita na namin kung saan dinala ang mga bata. Magkakasama silang lahat sa iisang kwarto, parating na rin ang tatay nila Kristan" nag katinginan naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Joar. Sya ang nandito ngayon para sabihin ang balitang yon sa amin

"Phillip..." Tawag sa akin ni Christian

"Christian, plss lang ipagamot mo na yan. Hwag mo nang ipagpilitan pa ang sarili mo na sumama pa sa akin. Kami na ang bahala sa kanila, mag pahinga ka nalang" pakikiusap ko sa kanya

"Wala na akong magagawa kung yan ang gusto nyong mangyari. Basta mag iingat nalang kayo pati sila dad. At ikaw rin Clark... Mag iingat ka rin. Bye na guys" sya na ang nag baba ng phone

"Halina na kayo. Nauna na si Mike sa atin kaylangan na nating dalian" tumalima naman silang lahat kaya agad na kaming tumakbo habang sinusundan si Joar

Marami pa ring mga bantay sa buong paligid kaya nahihirapan din kami. Mafia si tita Clarisa habang si Jhon ay isang gangster. Mapaghangad silang dalawa, ayaw nalang may tumatapak sa kanila o nauunahan. Ganon sila ka ganib sa kapangyarihan handang pumatay kung yan ang kinakaylangan

Pero boba nga lang kasi di nya aakalain na ako rin mismo ang kakalaban sa kanya

"Phillip paano nalang kung bilugin nya ang ulo mo na naman? Ano nang gagawin mo?" Tanong sa akin ni Carl

"Edi makikipag laro" sagot ko sa kanya na ikinakunot naman ng noo nya

"Ano? Sira ka ba? Sasakyan mo ang mga sinasabi nila?" Di makapaniwalang tanong nya sa akin

"Clark dala mo ba ang recording pen?" Tanong ko sa kanya

"This is the goodtiming. Syempre naman, ako pa. Here" ibinato sa akin ang isang ballpen

Isa itong recording pen na pwede mong magamit kapag may gusto ka ng I record. Di nila mahahalata na isa itong recording pen

"Pero syempre hinanda ko pa rin ito kung sakaling malaman nila na isang recording pen yan" dagdag nya pa. I pinakita nya sa akin ang nasa pollo shirt na suot nya

"Yan ang kakambal ko madiskarte" Puri ni Carl sa kanya

"Oo naman. Ikaw rin naman eh ang kaso nga lang mabagal ka kaya ka naunahan" makahulugan na sabi ni Clark na ikinasimangot naman ng isa. Natawa nalang ako dahil sa inasal nya

"Mabuti nandito na kayo" salubong sa amin ng tatay ni Kristan

"Ano na pong lagay sa loob?" Tanong ko sa kanya. Pero ng akmang ito ay mag sasalita nang may sumigaw sa loob ng abandonadang kwarto

"HWAG PAKAWALAN MO SI DADA!!! HWAG MONG GAWIN SA KANYA YAN!!!! NAPAKAHAY*P MO TALAGA JOHN!!!" Galit na sigaw ni Tyron sa loob

"Pakawalan mo sya, hwag mong ibuntong sa dada ko ang nangyari sa inyo ni Dad. Hwag mo syang idamay sa kabaliwan mo" sabat din ni Ken

"Hahahaha papakawalan? Sya? Hahahaha gusto kong ipakita sa magaling mong ama na di lang sya ang magaling sa kama. Kaya ko rin paligayahin ang dada nyo, kung gusto nyo pa panoorin nyo pa ang gagawin ko sa kanya hahahaha" rinig namin mula sa kanya

"Ahhh h*yop ka talaga Mark!!! Baliw ka na talaga!!! Ahhh pakawalan mo ako g*go ka!!!" Walang page dadalawang isip na sinipa ni mr. Tristan ang pintuan kaya na sira ito

"Ohh nandito na pala ang super hero husband mo. Kasama nya rin pala ang anak-anakan ko" sinamaan ko ito ng masamang tingin

"Opss bawal kang lumapit baka sumabog ang bungo nito kapag lumapit ka" nanggagalaiti ako dahil sa galit sa ginawa nya sa dada ni Kristan

"Ang pamilyang pumatay sa mga magulang mo ay kasama mo na rin pala. Dapat kinasusuklaman mo sila at pinapatay katulad ng pag patay nila sa magulang mo. Phillip anak dapat di mo sila pinag kakatiawalaan" ang galing nya talagang gumawa ng kwento

Tignan nalang natin kung makakatakas pa kayo lalo na't may pulis na nag aabang sa inyo mula sa labas.

Continue

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Where stories live. Discover now