Chapter 57

76 3 0
                                    

Chapter 57

Phillip's pov

Nagulat nalang ako nang bigla nya akong halikan, namiss ko ang labi nya, ang mga halik nya sa akin. Pero di ito ang panahon para lang maging marufok Phillip!!! Sinaktan ka na nya hindi ba kaya tama na!!!

Nagulanta nalang ako nang kagatin nya ang lower lips ko kaya napa nganga ako ng kaunti na ngayon ay malaya nang naipasok ni Kristan ang dila nya sa loob ng bibig ko

"Hmmmpp!!! Hmmpppp!!!!" pag pupumiglas ko habang hinahampas ko ang likod nya

"F*ck!! Don't move Phillip!!!" inis na saway nito sa akin

"Bitiwan mo ako!!!" galit na sabi ko sa kanya

"What if i said no? Wala kang magagawa. For almost 5 years na umalis ka sa bansang ito, sa tingin mo hahayaan nalang kita na wala ka sa tabi ko? F*ck!!! I'm waiting you for almost 5 years!!! Tapos papakawalan kita? No way!!! Magalit ka man lalo sa akin hinding-hindi na ako papayag na mawala ka ulit sa tabi ko" mahabang lintanya nya

"Malaki na ang naging kasalanan nyo Kristan!!! Pati ang nag iisang lolo nila Clark pinatay nyo!!" galit na sabi ko sa kanya na ngayon ay nakakunot ang noo nya

"Hindi kami ang may gawa non, kahit si Christian. Nakita nalang namin na wala nang buhay ang lolo nila" depensa nya

"Nandon ka pala? Edi sana inimbistigahan nyo!!!" inis na sabi ko muli sa kanya

"Yon na nga ang ginagawa namin!! Pero bago namin malaman ang totoong pumatay kay Don Carlo!! Dahil kahit nandon kami wala rin kaming alam!! Sinabi lang sa akin ni Christian na utos ni dad na protektahan ang matanda kaso huli na kami non!!" mahaba muling lintanya nito sa akin

"May kaylangan muna kaming malaman, akong malaman kung bakit namatay ang magulang mo. Oo si dada ang pumatay sa kanila pero di pa namin alam kung sino ang kasama ng mga magulang mo nong mga panahon na iyon. Kung sino ang gustong pumatay kay dada!!! At kung bakit gusto nila na mawala sa landas si dada!!" dagdag pa nito

Halata sa muhka nya ang sakit, lungkot, pag aalala at pangungulila na di ko malaman kung ano bang ibig sabihin non

"Nang dahil don nagalit ako sa magulang ko, nagalit ako kila dad dahil sa nalaman ko mula sayo. Nagalit ako sa kanila dahil wala na sa tabi ko ang taong pinakamamahal ko, kinamuhian ko sila lalo na si dada" nagulat nalang ako nang may pumatak na luha sa may pisngi ko

Umiiyak sya? Pero bakit sya umiiyak? Ano naman nakakaiyak?

"Na sana di ko na ginawa. Na sya ring palang dahilan kung bakit na truma si dada, na ngayon di na nakakapag salita at nakakakilos nang maayos" nanglaki ang mga mata ko sa narinig ko mula sa kanya

"Pinag sisisihan pa rin nya ang nangyari sa magulang mo at sayo. Nangulila ka sa magulang mo at maaga ka rin nilang iniwan noon. Galit sila dad sa magulang mo na di ko alam kung bakit galit sila dad at ang magulang mo sa isa't isa. Pero di ka pinabayaan nila dad, hinanap ka nila. Hinanap nila ang nag iisang anak nang nag iisang kaaway nila dad. Ex ni dad ang mom mo yon ang nalaman ko mula kay tita Zhea" hindi ko na alam ang gagawin, ang daming gumugulo sa isip ko, sa sobrang dami non di ko na alam kung anong uunahin

Ang dad ni Kristan at si mom ay may dating relasyon? Agrrr i can not!!!

"Magalit ka man sa akin ayos lang, pero hwag na sana kila dad. Sabay nating hanapin ang katotohanan. Plss babe" paos na may hikbi sa sinabi nya

Nagulat na naman ako nang maramdaman ko ang kamay nya na nasa pisngi ko. Hindi ko na pala namalayan na umiiyak na naman pala ako

Sa pagiging tulala ay di ko na rin namalayan ang kanyang labi, sa may labi ko

Kahit ngayon lang. Kahit ngayon ko lang muli maramdaman ang mga halik, haplos nya at ang pag iisa muli namin

Continue

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Where stories live. Discover now