Special Chapter

101 4 0
                                    

Phillip's pov

5 years passed

Ang bilis ng panahon limang taon na naman ang lumipas mula ng mangyari ang trahedyang yon. Pero naging ok na rin naman na ngayon dahil sa ngayon ay masasaya na kaming lahat, maliban kay Christian. Alam nyo kung bakit? Tinaguan na naman sya ni Clark na di ko malaman ang dahilan. Pero naiwan si Calix kay Christian, hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ni Christian si Clark di na nga yan masyado nakakapag pahinga eh. Pero alamin nyo nalang sa storiya nilang dalawa ang nangyari hahaha

"Phillip, hijo tapos ka na ba?" Tanong ni dada sa akin, ang dada

"Nako hijo tama na muna yan, puntahan mo nalang ang mag ama mo don" pugilist nito sa akin kaya nabitawan ko ang ginagawa ko ngayon. Nag hahanda kasi kami para sa mamaya dahil nga sa pasko na ngayon

Wala na akong nagawa ng pinag tutulak na ako ni dada. Natawa nalang ako dahil don, sa limang taon namin ng ikinasal kami ni Kristan ay naging maayos naman ang naging relasyon namin

"Dada" salubong ng bunsong anak namin na si Patricia HAHAHA oo babae rin ang naging anak namin pero may isa pa naman na darating sa buhay namin. Yes!! Mag kakaanak na naman kami sa pangatlong anak at alam nyo ang nakakagulat? Twins po ang anak namin muli at 7 months na rin ang tyan ko kaya medyo nahihirapan na rin ako

"Pabuhat" natawa naman ako sa sinabi ni Patricia

"Baby Patricia baka mapitpit po ang kapatid natin" paalala ni Trixie sa kanya kaya napasimangot naman ito

"Awss our princess pouted. Ate Trixie's right baby Patricia baka maipit ang twins siblings nyo. Gusto mo ba maipit sila baby?" Malambing na tanong ni Kristan sa kanya

"Ayaw po" sagot naman ni Patricia kaya hinalikan sa may pisngi ni Kristan si Patricia na ikinahagikhik naman ng bata

"That's my girl" nakangiting saad ni Kristan sa bunso nya

Bumaba si Patricia sa pag kakabuhat sa kanya kaya tumakbo ang dalawang bata papunta sa tito Tyron nila na nakikipag laro din kay Michelle ang anak nila Kristine at Mike

Naramdaman ko naman na may yumakap sa may likod ko kaya di na ako nag abalang lumingon kung sino ang taong yon

"Dapat di ka muna lumabas" malambing na sambit nito kaya napangiti naman ako dahil don

"Gusto kong tumulong eh, at isa pa alam mo naman na medyo nahihirapan na si dada eh" sagot ko naman sa kanya. Naramdaman ko naman na hinahalik-halikan nya ang leeg ko kaya siniko ko ito

"Hoy baka makita ka ng mga bata" sita ko dito narinig ko naman ang pag mura nya kaya napairap nalang ako

"At isa pa amoy pawis at amoy usok din ako" dagdag ko pa

"Who's care tss" nagulat nalang ako ng bigla nya nalang akong binuhat kaya medyo napatili ako

"Hoy Kristan ano ba yang ginagawa mo? Baka mahulog si Phillip dahil sa pag bubuhat mo sa kanya, nako yayariin talaga kita kapag may nangyari sa apo ko" narinig ko naman ang pag mamaktol nya kaya natawa naman ako

"Maliligo lang po sya at isa pa mag papahinga muna po sya bago sumapit ang alas dose" sagot naman nito kay dada

"Siguraduhin mo lang na mag papahinga ah" kahulugan na sabat ni dad sa kanya kaya namula naman ako don bago siniksik ang ulo sa may dibdib ni Kristan

"Aba baka gusto mong ihulog kita dyan sa pool" babalang sita ni dada kay dad ang daddy ni Kristan

"Hahahahah joke lang naman eh" rinig kong saad ni dad. Talagang takot sya kay dada ah hahahaha

"Baka pati ikaw maging ganyan ah" rinig kong sabi ni Kristan sa akin

"Gusto mo ngayon na?" Panunungit ko sa kanya

"Babe naman" natawa nalang ako dahil para syang batang inagawan ng candy

"Oh sya pumasok na kayo sa kwarto nyo baka mas lalo pa mahamugan dito si Phillip. Mamaya nalang ulit kayo lumabas" tumango nalang si Kristan bago ako inakyat sa taas

Nang makarating ay inilapag muna nya ako sa kama para ayusin ang paliguan ko. Maya-maya ay lumabas na rin sya na may ngiti sa labi

"Maligo ka na para makapag pahinga ka na" tumango naman ako sa sinabi nya

Pumasok na ako sa cr para maligo. Di rin ako pwede mag tagal dahil bawal sa akin ang sobrang lamig na tupig kahit na maligamgam lang ito

Nang makalabas na ako sa cr ay na kita ko si Kristan na  nakahiga habang nakapikit. Lumapit naman ako sa kanya bago gumapang papaakyat sa may head board

"Hmm ang bango naman ng asawa ko" malambing na sabi nito bago ako niyakap

"I love you babe" bulong nito sa akin kaya napangiti naman ako

"I love you too Kristan" sagot ko at sumiksik sa may dibdib nya

Continue

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Where stories live. Discover now