Phillip's pov
Pag katapos ng movie marathon namin ay nag situlog na rin kami. Mga 1 am na rin kasi ng gabi at mabuti't walang pasok bukas dahil sabado naman
Pumunta na ako sa kwarto ko para mag pahinga pero nagulat ako na nandon din si Kristan sa loob
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya
"Ayaw kong matulog don sa kwarto ko" nakangusong sagot nya, natawa naman ako ng mahina sa inasal nya
Pero nagulat ako ng hinila nya ako at sabay kaming bumagsak sa kama. Naka hawak sya sa may bewang ko habang ang muhka nya ay nasa may leeg ko
"Pagod ka ba?" tanong ko sa kanya
Di ko alam pero parang gumaan ang pakiramdam ko ngayon sa kanya. Parang walang pag kamuhi akong nararamdaman ngayon
"Oum pagod ako ngayon pero parang nawala rin pagod ko kasi nandyan gamot ko" sagot nya
"Huh? Gamot?" takang tanong ko
"Oo" sagot nya
"May sakit ka ba?" tanong ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako kaya tinaasan ko sya ng kilay
"Hahaha sorry, hmm wala ah. Di naman ibig sabihin na may gamot ako eh may sakit agad. Di ba pwedeng ikaw ang sinasabi kong gamot" nagulat ako sa sinabi nya
Ako? Ako mismo ang gamot nya? Ehh?
"Bat ako?" tanong ko sa kanya
"Kasi ikaw lang ang lakas at kahinaan ko" sagot nya
Pero halata sa mga salitang binibitawan nya ay seryosong-seryoso. Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya
Mas lalo nyang hinigpitan ang kapit sa bewang ko at mas lalo nyang siniksik ang muhka nya sa leeg ko kaya ramdam ko na ang hininga nya sa may leeg ko
"Sleep well" yon nalang ang nasabi ko bago tuluyang nakatulog
Kinabukasan
Maaga akong nagising at napansin ko na rin na wala na rin akong katabi. Tumayo na ako at pumunta ng banyo para makaligo na
Pag katapos kong maligo ay bumaba na ako at nakita ko sila sa baba na nag kwekwentuhan
"Gising ka na pala" napatingin sila sa akin
"Hmm yeah" simpleng sagot ko
"Kumain ka na. Nag handa na si kuya ng makakain" tumango nalang ako sa sinabi ni Keil
Pag katapos kong kumain ay pumunta ako sa living room kung nasaan silang lahat
"Phillip, malapit na yong summer vication. Anong gagawin mo?" tanong Kristine sa akin
"Ewan, wala pa akong naisip na plano para don" sagot ko sa kanya
"Bakit kayo? Meron na ba?" tanong ko sa kanila
"Nag iisip palang kami kung saan hehehe" sagot nya
"Ahhh" sagot ko nalang
"Ikaw ba? Anong gagawin mo sa bakasyon?" tanong nya sa akin
"Uuwi nalang siguro sa amin o di kaya kila Oniel muna ako kasama sila Mike" sagot ko
"Sasama ka nalang sa amin" napatingin kami kay Kristan na bigla nalang nag salita
'Pati ba naman bakasyon ko papakaylaman nya pa?'
Muhkang ayaw talaga nya ako pakawalan dahil sa inaasta nya ngayon
"Bigyan mo naman ng laya si Phillip, Kristan" asik ni ate Rose
"Ate ok lang po" sagot ko nalang sa kanya at ngumiti
"Sigurado ka ba dyan?" nag aalalang tanong nya, tumango naman ako sa kanya
"Sige punta muna ako sa taas" paalam ko sa kanila
Continue
CZYTASZ
The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*
FanfictionKRISTIAN ZEDRICK MONTIVERDE MONTIVERDE SERIES#2 Paano kaya kung sa tagal ng panahon ay mag tagpo muli kayong dalawa. Sa tagal ng panahon ay muli na naman kayo magkitang dalawa? Pero di mo alam na ang mga magulang nito ay sya ri'ng dahilan kung bakit...