Phillip's pov
Teka? Nasaan ako? At isa pa itong lugar na ito, bakit ako nandito?
May nakita akong isang babae na pumasok sa loob ng bahay namin kaya sinundan ko ito at pumasok din sa loob
Nakita ko ang batang lalaking nakaupo sa may sofa habang nanonood ng favorite cartoons nya
Teka ako yan ah? Yan yong bata pa ako at isa pa bakit may dugo ang damit nya?
Napalingon ang batang lalaki sa kanya at nag tatakang tumingin sa kanya
"Tita si mommy at daddy po?" tanong ng ko nong maliit palang ako. Nakita ko ito na bigla nalang lumuha hanggang sa mapaluhod ito
"Tita may problema po ba?" tanong muli ng bata sa kanya
"Ang mommy at daddy mo...." panimula nya habang humihikbi
Lumapit pa ako ng bahagya sa kanila para marinig ko lalo ang pinag uusapan nila
"P-patay na" pag papatuloy nya na ikinahinto ko
Oo namatay ang parent ko pero di ko alam kung bakit namatay sila at kung sino ang pumatay sa kanila.
"Huh? Patay na po?" inosenteng tanong ng bata sa kanya at tumango naman ang babae sa kanya
Don ay umiyak na ang batang lalaki dahil sa narinig nya
"S-sino po ang pumatay s-sa kanila?" hikbing tanong ng bata sa kanya
"Isang baliw, baliw na lalaki ang gumawa sa kanila non" sagot nito sa bata
Baliw? Sinong baliw ang sinasabi nya?
"Huhuhuhu mommy!!! Daddy!!!" don ay napaiyak na lalo ang bata
Pero bakit di ko ito maalala? Bakit parang nakalimutan ko ang nakaraan ko?
"Si---"
"Phillip!! Phillip!!" napadilat ako at nakita ko agad ang muhka ni Kristan na nag aalala
"Hayy salamat nagising ka rin" sabi ni Tyron
"Pinag alala mo kami Phillip lalo na si Kristan" dagdag pa nya
"Babe are you ok?" tanong nito sa akin
"O-oo" sagot ko sa kanya
"Muhkang nanaginip ka kanina" saad ni Joar
"Ano bang nangyari bat ka nahimatay?" tanong ni Dexter sa akin
"Hindi ko alam. Basta nahilo lang ako bigla at pag katapos bumagsak nalang ako bigla sa sahig at nawalan ng malay" sagot ko sa kanila, bigla nalang hinipoan ni Kristan ang noo ko
"Wala ka naman sakit" nag tatakang sabi nito
"Siguro pag pahingahin muna natin si Phillip, dahil siguro ito sa nga projects at lectures namin ang dahilan kaya siguro sya nahimatay" sabi ni Ken
"Oo nga, at isa pa baka kulang lang sya sa pahinga" komento ni Tyron
"Sabagay" sabay na sabi nila
Ngumiti nalang ako sa kanila na tanda, na ok lang ako. Pero iniisip ko yong panaginip ko kanina, bakit di ko yon maalala? At sino ba ang babanggitin sana ni tita kanina?
Napakuyom nalang ako ng kamay dahil sa galit, hanggang ngayon wala pa ring clue sila Oniel sa information na pinapagawa ko sa kanila
Paano ko mahahanap ang taong pumatay sa mga magulang ko kung di ko naman nakuha ang information ng taong yon?
Third person's pov
Bigla nalang napaupo ang isang lalaki sa may labag ng makita o matuklasan nya kung sino ang taong nakita nya sa bahay ng anak nya
"H-hindi, hindi maari" mahinang sambit ni Kurt at don ay nag simula nang mag unahan ang mga luha nya
"B-bakit sya? B-bakit ang batang yon pa ang anak nila?" dagdag pa nya
"A-ano nang gagawin ko?" tanong nito sa kanyang sarili at napahagulgol na ng iyak
Hindi nya na alam ang gagawin na ngayon ay alam nya na, na si Alexander Phillip De Guzman at ang batang hinahanap nila ay iisa
Malaki na ngayon ang binatang hinahanap nila at asawa pa ng kanyang anak na si Kristan
Tristan's pov
Nag aalala na ako kay Kurt, nitong nga nakaraang linggo palagi na syang matamlay di ko alam kung bakit nag kakaganon sya. Nandito ako ngayon sa may hideout namin
"Kaylan pa nag simula na naging matamlay si Kurt?" tanong ni Luhan sa akin
"Nitong mga nakaraang linggo lang, mga dalawang linggo na rin nakakalipas simula nong pumunta kami sa bahay ni Kristan" sagot ko sa kanya at nilagok ang hawak kong wine glass
"Nahanap nyo na ba ang bata?" tanong ko sa kanila
"Hindi pa rin Tristan." sagot ni Clarence
"Panigurado binata na rin ang batang yon katulad ng mga anak mong lalaki" saad ni Jade
"Malamang nga" komento ko
"Ikaw ba Luhan? Nahanap mo na ba si Riah?" tanong ni Jade sa kanya
Napayuko naman ito na halatang dismaya pa rin dahil di nya pa nakikita si Riah
"Anim na taon na pero di ko pa rin sya nahahanap" dismayang sagot nya sa amin
"Makikita mo rin sya pare, basta hwag kang susuko" pag a-advance ni Clarence sa kanya na ikinatango naman nya
Wala dito si Samuel, nasa may london pa sila at sa pakalawa pa sila makakabalik dito ni Zhea. At ang alam ko buntis muli si Zhea ngayon sa pangatlong anak nila, sabagay malalaki na rin naman sila Rose Marie at Keil. Kulang nalang mag asawa ang panganay nila
Pero nag aalala talaga ako kay Kurt dahil sa pagiging balisa nya. Ano bang nangyayari sayo Kurt?
Continue
![](https://img.wattpad.com/cover/351326840-288-k167579.jpg)
YOU ARE READING
The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*
FanfictionKRISTIAN ZEDRICK MONTIVERDE MONTIVERDE SERIES#2 Paano kaya kung sa tagal ng panahon ay mag tagpo muli kayong dalawa. Sa tagal ng panahon ay muli na naman kayo magkitang dalawa? Pero di mo alam na ang mga magulang nito ay sya ri'ng dahilan kung bakit...