Chapter 60

76 3 0
                                    

Chapter 60

Third person's pov

Dali-dali nang umalis ng mansion sila Phillip kasama ang kanilang anak na si Trixie. Mabilis na nag maneho si Kristan papunta sa hospital kung saan dinala si Kurt

"Alam na ba ni kuya mo?" tanong nang daddy nila kay Kristine

"E-ewan ko po dad, pero sana dumating si kuya Kristan" mahinang sambit nang anak nyang si Kristine

"D*mn!! Where's Kristan?" inis na bulong ni Christian na ngayon ay nakakuyom na ang mga kamao nya

"K-kuya, si kuya Kristan ba yon? May kasama rin nang b---- SI PHILLIP!!" napatingin sila sa may tinuro ni Ken at ganon nalang ang pag laki nang mga mata nila Kristine, Tyron, Christian, Tristan at nang mga kasama nila pa

Nang makalapit si Kristan ay isang sapak ang natanggap nya mula sa nakakatanda sa kanila na triplets

"G*GO KA!!! NGAYON MAG PAPAKITA KA KUNG KAYLAN NANDITO SI DADA!!! T*NG *NA NAMAN KRISTAN!! ALOMOST 5 YEARS NA DI KA NAG PAKITA SA AMIN!!!" galit na galit, na sumbat ni Christian kay Kristan na ngayon ay nakayuko lang

"Sorry" mahinang sambit nito

"Sorry? Sa tingin mo ba matatanggap namin ang sorry mo kuya? Kuya umalis si dada nang mansion natin para hanapin ka at para humingi nang tawad sayo kung bakit naging dahilan na pag kamatay nang pamilya ni Phillip ang nangyari noon" tugon naman ng kapatid nilang babae na ngayon ay umiiyak na naman

"Galit ka sa amin, alam ko yon anak. Pero sana inisip mo rin ang dada mo, inisip mo rin na masasaktan din sya dahil mismong anak nya parang tinatakwil ang mga magulang nya" mahinahon pero may puno na hinanakit na sabi ni Tristan sa anak nya

"Sorry dad, nilamon ako nang galit ko kaya pati si dada nadamay. Kasalanan ko dad kung bakit di na nakakapag salita nang maayos si dada at kung bakit di na nakakakilos si dada"  lumuluhang sabi ni Kristan. Nakayuko lang sya na para bang nahihiya sya sa sarili nya at nagagalit din sya sa sarili nya dahil alam nyang sya ang may kasalanan kung bakit nagkaganon ang dada nila

"Kuya miss ka na ni dada, gusto ka na nya makita" don ay tuluyan nang napahagulgol nang iyak si Kristan at tuluyan nang bumagsak ang nanginginig nyang mga tuhod

Napaluha na rin nang palihim si Phillip habang tinitignan nya si Kristan na todo hagulgol pa rin

"Ang t*nga ko!! Ang t*nga-t*nga ko!!" galit na sigaw nito sa sarili nya habang pinag hahampas nya ang kanyang dibdib

"Daddy!!" napatingin sila Phillip kay Trixie nang bigla na lamang itong tumakbo papunta kay Kristan

"OMYGOD!!" napatakip nalang nang bibig si Kristine, gulat pa rin ang nakita sa muhka nilang lahat

"Daddy, tama na po *sob tama na po hwag mo *sob hampas dibdib nyo po *sob" tuluyan na nga ring umiyak si Phillip nang pag masdan nila ang kanyang mag ama na ngayon ay mag kayakap na.

Hagulgol pa rin nang hagulgol si Kristan sa balikat nang kanyang anak habang si Trixie ay pinapatahan sya

"P-phillip" mahinang tawag ni Tyron kay Phillip na ngayon ay nakatingin na sa kanya

"A-anak nyo?" utal na tanong ni Ken sa kanya pero si Kristan ang sumagot

"Meet my daughter, Trixie Mea...." bitin ni Kristan dahil di nya alam ang sasabihin

"Trixie Mea De Guzman..... Monteverde" napalingon si Kristan sa kanya dahil di nya inaasahan na isinama nito ang kanyang apilyedo sa pangalan nang kanilang anak

"Oh goshh!! Ikaw ang naging bottom?" gulat na tanong ni Kristine, napaiwas naman nang tingin si Phillip habang namumula ang muhka nya

"WAHHH!! May pamangkit na kami" masayang sabi naman ni Kristine

"Hwag kang tumalon Kristine, buntis ka" inis na saway ni Christian napanguso naman si Kristine

"Daddy?" patanong na tingin ang ibinigay ni Trixie sa kanya

Tumayo na si Kristan nang makarecover na sya at binuhat nya si Trixie

"Meet your tita and you tito's. This is your tito Christian, tito Tyron and tito Ken. And this is your only tita, si tita Kristine our only princess like you" nakangiting pag papakilala ni Kristan sa mga tito at tita nya sa kanyang anak

"And this is your lolo, lolo Tristan" pakilala nya sa daddy nya na nakangiti ngayon sa kanya

"Can i hug my granddaughter?" tanong ni Tristan at alinlangan na tinignan si Kristan dahil alam nyang galit pa rin ito sa kanya

Ibinaba ni Kristan si Trixie at binulungan ito na pumunta sa lolo nya na dali-dali ring sinunod ni Trixie at dinambahan nang yakap si Trixie

Binuhat naman ni Tristan ang apo nya at buong pusong niyakap ito. Ngumiti nang bahagya si Kristan sa nakita nya, lumapit na rin sila Ken kay Tristan habang buhat ang pamangkin nila

"Ok ka na ba?" tanong ni Phillip kay Kristan nang makalapit ito

"Oo" sagot nito at nahagyang ngumiti sa kanya

"Ayos lang yan, magiging ok rin sya" pag aalo ni Phillip sa kanya

"Thankyou babe" pasasalamat ni Kristan na sinagot naman nang tango ni Phillip

"Kristine, dalhin mo muna si Trixie sa room ni dada" habilin ni Kristan sa kanya

"Aye aye captain" salute na sagot nang kapatid kaya natawa ito nang mahagya at napailing na rin ito

"PHILLIP!!" napalingon silang lahat nang may sumigaw sa likod nila

"Clark" bulong sa kawalan ni Christian nang makita si Clark

"Christian" mahina ring bulong ni Clark nang makita si Christian na nakatingin sa kanya

Continue

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt