Chapter 52

72 2 0
                                    

Phillip's pov

Lumabas agad ako sa meeting room para kasing di ako makahinga ng maayos dahil sa nakita ko kanina

'Nakita ko na ulit sya, si Kristan'

Napabuga nalang ako ng hangin at nag lakad papunta sa office ko

"Sir may gusto mong mag partnership sa inyo" napatingin ako sa secretary ko si Bright

"Sino naman iyon?" tanong ko sa kanya ng makaupo na ako

"Si mr. Kristan po ang isa sa mga nag shares sa company natin" nagulat ako sa sinagot sa akin

"Sabi ko nga po sa kanya nong inaya nya kaming makipag shares sa kanya dahil yong mga oras po non. Yon na rin ang simula nang mawala ang malaking halagang pera natin" dagdag pa nito

Kung ganon isa sya sa mga tumulong sa amin? Sa mga empleyado ko?

"Mag kano ba ang nawalang pera?" tanong ko sa kanya

"1,500 billion po sir" sagot nya

Sobrang laki rin pala ang nawala sa aming pera, pero paano nangyari na mawalan kami ng ganong halagang pera? Ang alam ko may CCTV potage kami?

"Hindi nyo ba chinecheck ang CCTV natin?" tanong ko sa kanya. Nakita ko naman sya na napaisip bago sumagot sa akin

"May bantay po ang CCTV room natin, kaya imposibleng may mag nakaw po ng ganong kalaki" sagot nya

"Pero nawala pa rin kung nababantayan. Pakitawag lahat ng mga nag babantay sa CCTV camera natin" utos ko sa kanya na sinunod naman nya

Maya-maya ay pumasok lahat ang mga taong nag babantay sa CCTV room

"Good afternoon po sir" bati sa akin ng isang babae

"Kayo ba ang nag babantay ng CCTV?" tanong ko sa kanila, tumango naman silang lahat

"Kung ganon, dapat alam nyo kung sino ang taong nag nanakaw ng pera natin. Malaki-laki na ang nawala sa atin, paano kayo masuswelduhan nyan kung wala na ang perang iniipon natin sa loob ng limang taon" sermon ko sa kanila na mas lalong ikinayuko nilang lahat

Pero nagulat ako ng may isang lalaking nag salita kaya sa kanya ko nabaling ang tingin ko

"May nakita po ako nong gabing iyon dahil ako po ang nag presentang mag bantay sa CCTV camera natin sir. Lahat po kasi ng mga kasama namin pagod at puyat non" sambit nya

"Sino ang may gawa?" tanong ko sa kanya

Napatingin sya sa katabi nya na ngayon ay todo yuko naman. Nangunot ang noo ko dahil sa presenta nya

Kaya pala kakaiba ang pakiramdam ko kanina, may hindi mangyayari ngayong araw

"Sya po!!! Si Ace sya ang nag nanakaw ng pera nyo" turo nya sa lalaking katabi nya

"A-ano!! H-hindi ako" tanggi nya

"Imposibleng hindi ikaw kung ikaw ang nasa CCTV na yon" saad ko

"Kunin nyo ang huling potage kung saan tayo nanakawan kagabi" utos ko sa secretary ko

Sa kanya ko lang itinuon ang paningin ko dahil sya lang din naman itong kakaiba kung kumilos

"Eto" ibinigay sa akin ni Bright ang copy ng cctv

Isinalpak ko ang cd bago ko inayos at hinanap kung anong oras nangyari iyon. Nakita ko ang isang taong papalinga-ilnga kaya mas isinoom ko lalo

Wala syang takip sa muhka kaya nakita ko ang buong muhka nya at tama nga si Ace ito

Napatingin ako sa kanya, blangko at walang emosyon ang makikita

"Ipaliwanag mo, bakit mo yon nagawa" malamig na tanong ko sa kanya

"SABIHIN MO BAKIT NAGAWA MO YON!!!" galit na sigaw ko sa kanya

"P-patawad sir di ko naman po talaga s-sinasadya iyon dahil inuutusan po ako" sagot nito sa akin

"Sino? Sino ang nag uutos sayo?" tanong ko sa kanya

"I-isang lalaki po. Kasamahan ko rin po sya pero di sa pag babantay sa CCTV room" sagot nito

Nakarinig kami nang kaluskos kaya sinenyasan ko si Bright na tignan iyon. Dahan-dahan syang lumapit sa pinto at binuksan ng bahagya iyon

"Matagal ka na dito?" tanong ko sa kanya

"4 years na rin po sya nandito, sir" sabi ng isang babae sa akin

"Matagal ka na pala dito, pero ginawa mo ang isang bagay ba pwede mong ikapahamak" napapailing kong saad sa kanya

"Sorry sir!! Nagawa ko po yon dahil kaylangan ko ng pera para sa----" di nya na natapos ang sinasabi nya ng may tumatawag

Nakita kong namutla sya kaya sinenyasan ko ulit si Bright na kunin ang phone nya at sya ang sumagot

(WALANG HIYA KA!!! BINIBIGYAN KITA NG PERA PERO DI MO GINAGAWA ANG TRABAHO MO!!!) ang boses na yon

'Veronica'

(ANG T*NGA MO ALAM MO BA YON HA!! Alam mo na ang kapalit ng pagkakamali mo) sabi nito bago pinatay ang tawag

"H-hindi!!! HINDI PWEDE!!" napatingin ako sa kanya na umiiyak na

"A-ang kapatid ko!! Sya nalang ang meron ako!!! Ayaw kong mawala ang bunsong kapatid ko" umiiyak na sabi nito

"Ilang taon na ba ang kapatid mo?" tanong ko sa kanya

"A-anim na taong gulang po" hikbing sagot nito napakuyom ako lalo ng kamay dahil sa sinabi nya

"Tawagan mo sila Oniel at sabihin mong pumunta sa.... Teka anong pangalan mo, yong buo at saan ka nakatira?" tanong ko sa kanya

"Ace Higaldo po ang pangalan ko, parang awa nyo na tulungan nyo po kapatid ko" nag mamakaawang sabi nito

"Saang lugar kayo?" tanong ko ulit

"Sa isang sirang kalye may makikita kayong sirang bahay doon, don po kami nakatira" sagot nito

Mahirap lang pala sila, hindi katulad ng iba na may kaya

"Anong pangalan ng kapatid mo?" tanong ko muli

"Jace Derick Higaldo po" sagot nya ulit

"Tawagan mo sila Oniel at puntahan kamo nila si Jace Derick Higaldo kaylangan ng bata na mailikas para di sya mapahamak" utos ko sa kanya na agad nya rin sinunod

'Ikaw pala may kasalanan kung bakit bumababa na ang shares sa company ko, Veronica. Humanda ka sa akin b*tch!!'

Continue

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Onde histórias criam vida. Descubra agora