Chapter 65

75 3 0
                                    


Kristen's pov

Naalimpungatan ako ng may nang buhos sa akin ng tubig sa muhka, rinig ko ang iyak at sigawan. Di ko alam kung nasaan kami ngayon, basta may pumukpok nalang sa ulo ko kanina

Pero teka? Nasaan sila Kristine at si Dada? F*ck!! Ang mga bata!!

"Hoy dumilat ka na!!" Sigaw nito sa akin kaya napadilat na ako ng mga mata

"Nasaan kami?" Malamig na tanong ko sa lalaking na sa harapan ko ngayon

"Nasa isang abandonadang lugar. Bakit ka ba nag tatanong sa akin?" Inis na tanong nito sa akin

"Daddy" rinig kong sigaw ng isang bata babe. Si Trixie!!

"NASAAN SILA!! SAAN NYO DINALA ANG MGA KASAMA KO!!" sigaw ko na tanong ko sa kanila habang nag pupimiglas sa pag kakatali sa akin

"Ohh hijo gising ka na pala" napatingin ako sa isang babae na may idad na

"Tita Clarissa" mahinang sambit ko sa pangalan nya pero nginisihan nya lang ako

"Saan nyo dinala sila Dada?" Mahinahon na tanong ko sa kanya

"Ahh ang Dada mo ba? Ilabas nyo sigaw Kurt!!" Utos nito sa mga tauhan nya. May inilabas silang isang lalaki na walang malay

Nanglaki na lang ang mga mata ko ng makita ang kinakaladkad nilang lalaki ngayon. Si Dada!!

"Anong ginawa nyo sa kanya" nanggagalaiting tanong ko sa kanya pero tumawa lang sya ng malakas na animo'y nang-aasar

"Akala ko ba? Malalakas kayo? Anong nangyari sa mga kalaban nila Alvin?" Nakangising tanong nito sa akin

"Ikaw rin ang may kasalanan kung bakit namatay ang pamilya nya. Ikaw din ang gumamit sa kanila para lang pabagsakin si tita Zhea!! Wala kang puso!!" Galit na sumbat ko sa kanya

"Uto-uto kasi sila HAHAHAHA di nya kasi napansin na ginagamit ko sila" mas lalong nag init ang ulo ko dahil sa sinabi nya

Wala syang karapatan na bastusin ang magulang ni Phillip. Sila ang may kasalanan kung bakit namatay ang magulang ni Phillip

"Nasaan na ba si Veronica? Wala pa sya? Ang batang iyon oh papatayin lang si Phillip ang tagal-tagal pa" nag eko sa tenga ko ang sinabi nya

Si Phillip? Papatayin nila? P*tang *nang yan!!!

"MGA HAYOP KAYO PAKAWALAN NYO ANG ANAK KO!!" Nang gagalaiting sigaw ni Dada na ngayon ay gising na

"Long time no see Kurt. Matagal-tagal na rin pala nong di tayo nag kita simula nong pinatay mo si Lorien" saad nitong sabi kay Dada

"D*monyo ka talaga Clarissa ikaw ang dahilan kung bakit napatay ko sila Lorien" mahinahon pero may galit sa tono ng pananalita ni Dada

"Di ka pa nag pasalamat sa akin. Nang dahil sa akin kaya wala ka nang kahati sa asawa mo" mayabang na sabi nya kay Dada

"G*go ka ba? O sadyang t*nga ka lang talaga Clarissa? May naiwan na anak sila Alvin at Lorien pero anong ginawa mo pinahamak mo pa sila" inis na sagot nito

"Alam mo ba na pinag lalaruan lang din naman ni Lorien si Alvin?" Nagulat kami sa sinabi nito

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Dada sa kanya

"Lorien like a b*tich!! Lahat ng lalaki ay inaagaw o nila*ndi nya kasama na don si Jhon. My husband" sagot nito sa kanya at may lumabas na isang lalaki

"Heyy Kurt long time no see huh" nakangising sabi nito

"John" napansin ko parang nanginginig si Dada ng makita ang John na yon

"What's up my little kitty" sambit pa nito

"Bakit parang natatakot ka Kurt?" Natatawang tanong nito kay Dada

Ano ba ang nangyayari? At bakit parang takot si Dada sa lalaking iyon?

"Di ka ba masaya na makita ang lalaking katabi ko? Ang lalaking kinamunuhian mo? At ang lalaking muntik Nang g*mahasa sayo noong na sa middle high school ka pa?" Dugtong nya pa. Nagulat ako sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin? Si Dada g*nahasa?

"Kung di lang Sana dumating ang imp*ktong kapatid mo at si Tristan malamang nagawa ko na ang nais kong gawin sayo noon" inis na sabi nito

Napakuyom ako ng kamao dahil sa mga naririnig ko mula sa kanila

"Mga h*yop kayo hwag na hwag nyong gagalawin si Dada" inis na sigaw ko habang nag pupumiglas sa pag kakatali

"Matapang ang anak ni Tristan. Di ko aakalain na ang isang baklang katulad mo ay mag kakaanak katulad ni Kristan" sabi pa nito

"Nasaan na ba ang anak mo? Kanina pa wala yon" tanong na may halong inis sa tono ng pananalita nito

"Boss masamang balita" napatingin silang dalawa sa lalaking humahangos ngayon

"Bakit?" Tanong nya

"Si lady Veronica naisahan ni Phillip ngayon bihag na rin po nya katulad Nang ginawa natin sa kanila" sagot nito sa kanya

"Mautak din si Phillip. Ibang klase muhkang may namana pa rin sya sa mga magulang nya na isip palpak tss" sabi nito

P*ta kung makakawala lang ako dito kanina ko pa sila binugbog agrrr

Continue

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Where stories live. Discover now