Chapter 47

72 3 0
                                    

Tristan's pov

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Limang taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon di pa rin nakakapag ayos sila Kristan at Kurt. Ano na ba ang gagawin ko? Para lang makapag ayos na silang dalawa?

"Tristan di pa rin namin mahanap si Phillip" saad ni Jade

"Nagpadala na nga kami ng mga tauhan para lang mahanap sya pero hannggang ngayon ang hirap nyang hanapin" sabi ni Clarence

Napaupo nalang ako at napabuntong hininga, nahihirapan na ako sa sitwasyon namin ngayon. Tapos di pa sinasagot ni Kristan ang tawag ko hayss nakakabaliw naman!!!

"Di pa rin ba makapag salita ang kapatid ko?" tanong ni Samuel sa akin

"Hindi pa rin hanggang ngayon, simula nong nag karoon ng higwaan sa pagitan nila Kristan at Kurt naging ganon na sya" sagot ko sa kanya

"Hanggang ngayon pa rin ba sinisisi pa rin ni Kurt ang sarili nya?" tanong ni Lucas

"Parang ganon na nga" sagot ko muli

"Pero wala namang ginawang masama si Kurt ah, di nya sinasadyang mapatay sila Lorine at Alvin nong mga oras na yon" saad ni Jerome

"Pero naulila si Phillip, nawala ang isang bagay na mahalaga sa kanya" tama si Clarence, nawala ang bagay na dapat ay meron sya ngayon

Di namin sya masisisi kung magalit sya sa amin dahil kami ang may kasalanan na namatay ang magulang nya. Pero may kasalanan rin naman sila Alvin sa amin, gustong patayin nila Lorine sila Kurt ng oras na yon

"Basta hanapin nyo si Phillip, hwag kayong tumigil" tumango sila sa akin bago nag paalam na aalis na sila

Nakakalungkot pero sobra akong naapektuhan sa nangyari kila Kurt at Kristan. Di ko masisisi si Kristan kung bakit nagalit sya sa amin pero alam kong double sakit ang naramdaman ko nong binitiwan nya ang salitang yon na syang ikina upo at hagulgol ni Kurt nong oras na yon

Flashback

"Bakit dada!!! Bakit mo nagawa iyon!!" galit na tanong ni Kristan kay Kurt na ngayon ay umiiyak na

"H-hindi ko sinasadya iyon, anak" hagulgol na sagot ni Kurt

"Da, ng dahil don!! Ng dahil don kaya iniwan na ako ni Phillip!!! Ng dahil sa pag patay nyo sa magulang nya iniwan at kinasuklaman ako ng taong mahal ko!!!" galit na sigaw nito kay Kurt

"Kristan, dada mo pa rin yanvg sinisigawan mo!!" galit na sabi ko rito pero isang malamig lang na tingin ang binigay nya sa akin

"Wala kayong ginawa non? Nandoon kayo dad!!! NANDOON KAYO NONG NANGYARI ANG BAGAY NA YON!!!" galit na sigaw nito sa akin

"Kristan may tama ng baril ang daddy mo nong mga oras na yon, nawalan sya ng malay non" depensa ni Jerome dito pero tumawa lang si Kristan

"Talaga lang ah" sakristong sagot nito

"A-anak p-pakiusap p-pakinggan mo m-muna ako" pag mamakaawa ni Kurt sa kanya pero malamig na tingin lang ang sinagot nito

"Ayaw ko nang makinig sa mga kasinungalingan nyo, dahil kahit kaylan di na ako maniniwala sa inyo!! Itinago nyo sa akin ng mahabang panahon ito da!!! AT SANA DI KO NALANG KAYO NAGING MAGULANG!!! DAHIL MAMATAY TAO KAYO!!!" isang malakas na sampal ang nag pabingi sa paligid namin

Nasampal sya ni Kurt, pero agad din sya nakabawi

"A-anak s-sorry d-di ko sinasadya--- KRISTAN BUMALIK KA DITO!!! PLSS ANAK!!!" sigaw ni Kurt ng tinalikuran sya ni Kristan

"AHHH!!!" sigaw ni Kurt at muling napahagulgol ng iyak ito

Napasalampak nalang sya sa sahig habang tinatakpan nya ang dalawang kamay nya sa muhka nya. Niyakap ko nalang ito at pinatahan pero iyak pa rin sya ng iyak

End of Flashback

Yon din ang araw na di na muling umimik pa si Kurt hanggang sa nag tuloy-tuloy na.

Third person's pov

Kinuha ni Kurt ang isang box kung saan nakalagay ang mga stolen picture nila Kristan noong bata pa lamang ito

Binuksan nya ang box at tinignan nito ag picture na hawak nya. Napangiti nalang sya habang inaalala nya ang nangyari noon

'Patawad anak, ng dahil sa akin kaya ka nasasaktan ngayon. Patawarin mo si dada'

Muli na namang umiyak at napahagulgol ng iyak si Kurt habang hawak ang litrato ni Kristan

"S-sorry a-anak, s-sorry" hagulgol na sambit nito. Hirap man makapag salita ay nagawa nya paring bangitin ang mga katagang yon

Habang sa labas ay nakikinig lamang sila Cristian sa kanya. Di napigilan ni Christian ang di lumuha dahil sa nangyayari sa dada nya

Tahimik lamang itong umiiyak habang pinapakinggan ang hagulgol ni Kurt at pag hihingi ng tawad sa kapatid nyang si Kristan

Continue

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Where stories live. Discover now