LACUNA - II

711 16 0
                                    

Heart's POV
Nahuli ako dito sa classroom at pinapanood yung asawa ko na ayusin yung mga gamit niya. Alam kong nahihirapan na siya kaya lumapit ako sakaniya.

"Let me help you" kinuha ko mula sa desk yung ibang gamit niya at sinundan siya sa office niya. Muntik pa'ko lumagpas kakaisip at kakatitig sakaniya. Haha, I'm too smitten with her.

Binaba ko yung mga gamit niya sa desk at pinagmasdan ang office niya. Ang linis at maaliwalas, halatang ayaw niya sa maduming paligid.

"Thank you" she stated. Tinignan ko ito na may malawak na ngiti sa mga labi ko. "Eiffel" saad ko. Kumunot naman ang noo niya na ikinatawa ko. "Call me Eiffel. Heart is too overrated" I explained at tumango naman siya.

"Thank you, Eiffel" "Your Welcome, Ms. Ortiz" ngumiti naman ito saakin na halos ikina tigil ng puso ko. Maryosep aatakihin yata ako!

"Here just call me whenever you need me. Physically and emotionally. I'll go, baka naabala na kita" inabot ko sakaniya yung papel at hinalikan ito sa labi niya.

Lumakad ako papalabas ng office niya at dun ko lang napagtanto ang aking ginawa.

I kissed her in the lips...

Oh fuck!

Did I just?

Did I really?

Shit!

Napasampal ako saaking noo at mabilis na tumungo sa canteen. Gago ano bang nangyayari saakin! Bakit ko siya hinalikan?! Tanga mo self! Umupo ako sa tabi ni Heather at hinilot ang aking sentido.

Masyado akong smitten sakaniya, na halikan ko tuloy siya! Parang gago naman eh! "Oh anong problema mo? Broken kana agad eh kakameet niyo palang" hindi ko pinansin si Heather at nagmumok nalang sa lamesa.

Ba't ko naman ba kasi ginawa yun? Eh di pa nga kami kasal! Pero ok lang, atleast siya yung first kiss ko. Hehe. Pero huhu! Ba't ko naman nagawa yun?

"Hoy yung crush mo oh!" Agad akong lumingon sa entrance ng canteen at doon ko nakita yung asawa ko kasama ang isang babae tsaka isang mukhang kabayo na body guard. Proffesor din yata yun dito?

"Ate!" Tawag saakin ni Evan. Matamlay akong umupo ng maayos at hinarap yung kaibigan ko. "Oh napano ka? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa"

Malakas itong tumawa at sinapok ko ang ulo nito. "Hey, can we share your table? Wala na kasing bakante" sabi ng isang babae. "Sure ma'am! Hoy ate umusog ka!" Maligalig na sabi ni Evan.

Umupo sa tabi ko yung asawa ko tas yung mga kasama naman niya dun sa tabi nung ulupong kong kapatid. "Ate? She's your sister?" Tanong ng asawa ko. Tinignan naman ako ni Evan tas kay Ms. Ortiz na may malaking ngiti.

"Ah opo! I'm Evander Suarez Santorio. Evan nalang po, ma'am" inirapan ko siya habang shineshake yung kamay nung asawa ko. "That's enough, did you even wash your hand?" Mataray na tanong ko sa kapatid ko.

"Yan nanaman si miss sungit. Yes ate I did, earlier. Nag alcohol na rin ako" inirapan ko lang ito at kinuha yung isang grilled cheese ni Heather. "Hoy!" Aagawin pa sana niya pero matalim ang tingin ko sakaniya.

"I'll buy you donuts later" nagningning ang mga mata niya at tumango. She loves donuts, kaya yun parati ang ginagamit ko pang peace offering simula nung nagkakilala kami.

Masyado kasing matampuhin bebe girl niyo, ayon ako napapagastos sa donut.

"Aren't you gonna eat?" Mahinhin na tanong ko sa asawa ko. Pake niyo ba kung 'asawa ko' tawag ko sakaniya? Eh yun gusto ko eh, humanap rin kayo ng matatawag niyo nun!

"Here, I cooked this earlier for you, love" napatingin ako ng matalim sa kabayong kasama namin. LOVE?! LOVE?! Nag init naman ang ulo ko sa narinig ko at biglang nawala ako sa mood. Tumayo ako ng padabog at kinuha yung bag ko.

WHAT THE HELL?! LOVE?! ARE YOU FUCKING WITH ME?! ASAWA KO YAN! AKIN LANG YAN! ANONG LOVE SINASABI NG KABAYONG YAN?!

AKIN LANG ASAWA KO AT WALA NANG IBA! AURGGHHH NAIINIS AKO SA KABAYONG YAN!

Umupo ako sa ilalim ng puno at kinuha ko yung wallet ko. Andun kasi yung picture nung asawa ko, nagiisa lang yun kaya pinakakaingatan ko yun.

Parang siya lang pag pinakasalan na niya ko. Iingatan ko siya kahit buhay pa ang kapalit.

I can't believe may jowa na siya! The fuck!? Ako lang dapat ang mamahalin at papakasalan niya! Dapat ako lang yung aawayin at kaiinisan niya, kundi.... di ko din alam. Saksakin ko ba?

Tinago ko na yun at sinipa sipa yung mga damo habang kinakain yung grilled cheese ko. Mukha akong bata na nag t-tantrums pero the hell I care! Inaagaw niya asawa ko!

Kinagatan ko ulit yung grilled cheese ko at nakasimangot habang ngumunguya. Fucking hell! Who does he think he is para agawin niya asawa ko? Aurghh!

Makapang agaw kala mo ang gwapo, mukha naman siyang kabayo! Tsk, tusukin ko tagiliran ng lalaking yun eh! Tignan lang natin hanggang saan tapang niya!

"Hoy gaga! Para kang bata diyan, napano ka ba?" Nilingon ko si Heather habang nakasimangot na kinakain yung grilled cheese ko. "May jowa na siya! " nagtantrums nanaman ako habang tumatawa lang siya. Hmp!

"Parang gago ampota, andami daming iba diyan jusko ka! Maghanap nalang tayo ng iba, yung mas deserve ka at mas deserve mo" saad naman nito pero umiling iling ako.

"No! Siya lang ang gusto ko! Siya lang ang may deserve saakin at ako lang ang deserve niya! I don't want any other girls, siya lang ang gusto ko!" Pinagkrus ko ang mga kamay ko at sumimangot sabay irap sa aking kaibigan.

"Eh pano yan may jowa na nga siya?" Tanong nito saakin pero di ko siya pinansin. "Aagawin ko siya malamang! Ano tingin mo sa'kin? Nagpapatalo? Oh please! Sampid lang naman yung kabayong yun!" Mataray na sagot ko sa kaibigan ko.

"Luh sira ulo ka talaga noh? Ewan ko sayo girl" inubos ko na yung grilled cheese ko at kinuha yung bag ko. Hindi ako magpapatalo hangga't hindi siya saakin ikakasal! Let the games begin horsey! Let our games begin!

LACUNA - (Intersex: ProfxStud) Where stories live. Discover now