LACUNA - XX

460 10 0
                                    

Ilixie's POV
It's saturday once again, and like every saturday, Eiffel and I can sleep longer. We had a rough and busy week, ngayon ko nalamang ulit nakasama si Eiffel dahil parehas kaming maraming ginagawa.

Though kahit ganon ay hindi pa rin ako kinalimutan ng asawa ko. I'll be honest, I am the luckiest person to have a wife like Eiffel.

To me she's the greenest flag that ever existed! Ever since we got married, actually even when we aren't married yet she's been the best. And I am more than thankful that God gave such person to me.

It's like, she is the best thing that's ever been mine.

Here we are in our shared bed, I'm admiring her relax face while she sleep. She's so beautiful. She's not only the best but she's also the prettiest person that I have ever met.

Yakap yakap ko siya habang nasa gitna namin yung Toothless na plushie na binigay niya saakin nun. Simula nung nalaman niya na favorite ko si Toothless ay binigyan niya ako ng plushie.

"Good morning, darling" bati niya habang naka pikit pa ito. May third eye yata 'tong babaeng 'to. "I know you're awake, Hera. So good morning, darling" niyakap niya ako ng mas mahigpit at hinalikan ako nito.

Normal na ito saamin pero hindi ko maisip na hindi nawawala ang lakas ng kabog ng puso ko, at tila ba'y para akong natutunaw sa mga ginagawa niya.

"Good morning, Eiffie" bati ko pabalik. "I thought it's 'baby'?" Nakasimangot na tanong niya. Tumawa ako ng mahina sa kaniyang inakto at hinalikan ang mga labi niya.

Ang dating nakasimangot na Eiffel ay nakangiti na ngayon. "Good morning, baby" bati ko muli. "I love you" matamis na sambit niya. Para bang nagkaroon ng fireworks saaking systema at parang gusto kong sumabog sa kilig?

Hindi ko pa sinasabi pabalik ang tatlong salitang iyun dahil hindi pa ako nakakasigurado. Gusto ko sigurado na ako bago ko sambitin iyun sakanya.

Ayokong saktan si Eiffel. Masyado siyang naging mapagmahal at maalaga kaya hindi ko kaya iyung bayaran sa paraang masaktan ko siya.

Alam kong mahal ako ni Eiffel kahit hindi niya iyun sabihin, ang ayoko lang talaga ay bigyan siya ng false hope. Dahil iyun ang makakasakit sakanya.

Ayokong magpaasa dahil ayoko ang umaasa, kaya't hanggang maari ay hihintayin ko nalamang na maging sigurado ako.

Magkayakap lamang kami ni Eiffel sa kama at niisa saamin ay hindi umiimik. Minsan ay ganto talaga kami, kahit walang conversation ay mas sinusulit namin ang oras na magkatabi at magkasama kami.

Pinagmamasdan lamang namin ang isa't isa, kaya kung ako ay magiging totoo isa lang ang masasabi ko. Ang maganda at maamo niyang mukha ay ang paborito kong tignan.

Tila ba'y nagiging kalmado ako sa tuwing nakikita ko siya. Hindi ko alam kung ano ang rason saaking nararamdaman pero ganon talaga.

Sa buhay mayroon tayong nararamdaman na hindi natin maipaliwanag. Na para bang walang eksaktong salita na pwedeng gamitin upang ipaliwanag iyun.




















time skip 
It's already monday and nasa cafeteria kami ngayon nila Eiffel, kasama ko ngayon sina Evan, Rhiyo at Heather. Pare pareho lang naman ang oras ng break namin kaya sama sama na kami sa pagkain.

Papalapit palamang ako sa kinauupuan ni Eiffel nang may lumapit sakanyang lalaki na mukhang ubas. Estudyante ko yata yun, malay ko ba.

Uminit naman ang ulo ko nang marinig ko ang sinabi niya sa asawa ko! May pa flowers at chocolate pa siya eh hindi niya alam ang gusto ni Eiffel ay siya nagbibigay hindi yung binibigyan. Tsk.

"Mr. Castro, is that correct?" tumango naman ito sa tanong ko habang takot at kabadong nakaharap saakin. "Haven't you heard that Mrs. Satorio already has a wife?" nanlaki bigla ang mga nito sa aking nabanggit.

"H-hindi ko po alam, ma'am. Pasensya na po, pati na rin po sa asawa ni Heart" aalis na sana siya nang tawagin ko siya ulit. "The chocolates and flowers. My wife doesn't need that, I can provide more for her" dali dali niyang kinuha yung mga dapat na ibibigay niya sa asawa ko bago kumaripas ng takbo.

Umupo ako sa tabi ng asawa ko na may masamang tingin. "Darling" inirapan ko nalamang siya at nagsimula ng kumain. Tsk, lalandi nalang ng iba sa harap ko pa talaga mismo. 

"Hera-" pinutol ko ang sasabihin niya na may halong galit saaking boses. "Just eat, Eiffel" sinunod nalamang niya ang aking sinabi at kumain ng tahimik sa tabi ko. 

Pagkatapos namin kumain ay sinundan ako ni Eiffel sa office ko. Hindi ko pa rin siya kinakausap hanggang ngayon. Kapal naman kasi ng mukha nito lumandi sa harap ko pa. 

"Darling. my love, my sweetheart, my dear, my angel, baby ko sorry na kasi huhu" yumakap siya saakin mula sa likod at nilalambing lang ako. Kung ano ano binubulong niya pero di niya alam ang epekto ng mga salita niya saakin. 

"Sorry na kasi mahal ko. Ba't parang kasalanan ko na nanliligaw saakin yung gagong yun?" nagmamaktol na tanong niya habang nakayakap lang saakin. Ako naman ay pinapanood at pinapakinggan ang mga ginagawa at mga sinasabi niya. 

"Eiffel stop" tumingin ito saakin na may nangingilid na luha sa kaniyang mga mata. This is the first I saw her in tears. This is the first time I saw her in a state of vulnerability. Aww my baby.

"H-Hera sorry na kasi eh!" sumimangot naman ito at walang tigil na ang pagtulo ng mga luha niya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang humihikbi ito. "Shh, it's ok baby don't cry. I'm not mad, sweetheart" malumanay na bulong ko sakanya.

Pinunasan ko ang mga luha niya na patuloy sa pagtulo. Nanlaki naman ang mga mata niya sa mga sinabi ko. "You a-aren't? But y-you're not talking to me!" humihikbing sambit niya. 

"I'm not talking to you cause I'm mad. I just hate how that guy approached you" paliwanag ko sakanya. "So nagseselos ka?" Tanong niya habang patuloy pa rin sa paghikbi.

"No, baby I'm not" ngumiti naman ito pero mayroon pa ring mga luhang tumutulo sa mga mata nito. "Hush, stop now baby" pinunasan ko ang mga luha nito at hinalikan ito sa noo.

"Love you, Hera" saad nito habang cute na nakanguso. "I know, Eiffel. I know you, baby" ngumiti ito ng mas malawak.

Dito muna kami sa office nagstay dahil vacant pa rin naman ng asawa ko. Gusto rin daw niya magstay dito kaya hinayaan ko na. Mamaya kung sino sino pa landiin nito sa labas, jusko baka paguntugin ko sila.

LACUNA - (Intersex: ProfxStud) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin