LACUNA - VII

530 12 0
                                    

Ilixie's POV
Nung malaman ko ang totoo kung bakit ako gusto pakasalan ni Eiffel ay hindi ko mapigilan pero malungkot at masaktan. Masaya naman ako na gusto niya ko pakasalan, if I'm being honest I prefer Eiffel over Paul.

Mas maalaga at mas marespeto si Eiffel kaysa sa lalaking yun. Hindi ko ng boyfriend yun, malamay ko ba san niya nakuha yung ideya na girlfriend niya ko. Noon kasi nanliligaw palang yan, kaso nagsawa na sa kakahintay kaya nagdesisyon siya magisa na magjowa kuro daw kami.

Oh diba, pala desisyon eh hindi ko nga siya gusto. Nakilala ko lang yan mula nung magturo ako sa Wright University. Halos 7 years na rin akong nagtuturo dito kaya for 7 years na rin ako binubulabog ng lalaking yan.

But going back, nasaktan at nalungkot ako sa parte na alam pala ng nanay ko ang tungkol dito pero hindi man lang niya sinabi or pinakilala man lang si Eiffel saakin. Deserve ko kayang malaman at makilala yung mapapangasawa ko!

Alam kong malaki ang age gap namin ni Eiffel kaya naisipan ko na hindi ginawa ni nanay yun para protektahan niya kaming dalawa mas lalo't bata pa si Eiffel noon.

Pero still, sana man lang kinwento niya saakin yung pangako ni Eiffel saamin. Syempre saamin, ako kaya yung pinangakuan niyang papakasalan niya.

Hindi ko rin maintidihan pero simula nung dumating si Eiffel sa buhay ko ay biglang nagiba yung sarili ko. Not in a bad way but in a good, beneficial manner.

Mas napapadalas kong nakikita yung sarili ko nakangiti o minsan naman ay napapansin ko na napapadalas ang pagiging masiyahin ko mas lalo't pag kasama ko si Eiffel.

Ibang iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya kaysa kapag si Paul ang kasama ko. Pag kasi kasama ko yung lalaking yun ay puro inis at sama ng loob lang yung nararamdaman ko. Di man lang ako makangiti ng tunay.

Pano ba naman kasi ako sasaya eh pala desisyon yung lalaking yun?! Ikaw kaya sumama sa lalaking yun, sasaya ka ba? Tsk. But knowing that guy, I know he'll create a plan para matanggal si Eiffel sa buhay ko. Pero syempre di ko hahayaan yun noh!

Pag nawala si Eiffel mawawala din yung kasiyahan at happy pill ko. Siya rin yung stress reliever ko kahit minsan ay pointless naman ang pinaggagagawa niya. Pero ok lang, I find it cute naman.

"Good Morning, wifey ko!" Napangiti ako ng marinig ko ang boses nung happy pill ko. Ang cute niya talaga, kahit minsan ay parang bata siya kung umakto. Di ako naiinis sa akto niyang ganun, mas napapangiti pa nga ako.

"Morning, Eiffie" bati ko pabalik sakaniya. "Morning lang? Walang good? Di ba good morning mo? Bakit? Kasi ba kasama mo ko?" Nakasimangot na tanong niya. Para siyang bata na ewan pero ang cute niya.

"Of course not. My morning got better because I'm with you. Now stop pouting" ngumiti naman ito at umupo sa tabi ko. Andito kasi sa balcony ng condo niya, taray diba? May pa balcony ang condo niya? Can't afford kasi ako. Not that I'm poor but I prefer saving my money.

"Reallyyyyyy?" Parang batang tanong niya. Tumango tango naman ako. "Yes, Eiffel. Really" mas lumawak pa ang ngiti nito na ikina tawa ko ng mahinhin. Ang cute niya talaga!

Haysss sobrang sungit nito sa ibang tao pero ibang iba siya pagdating saakin. Wala naman akong reklamo dun, I actually love it na saakin lang siya ganto. Ganto pala feeling kapag only exception ka.

"Ms. Ortiz?" Tawag niya saakin, pero ngayon ay seryoso na ang tono niya. "Marry me" sambit niya. Napatingin ako sakaniya na may naguguluhang expresyon. "I mean, marry me now" dagdag pa niya.

"Di ba masyadong maaga para dun? I thought you'll court me?" Tanong ko sakaniya. "I can court you at the same time you're married to me and I don't think so na masyadong maaga 'to. I think I have waited for you long enough, and now that you're here I won't waste this chance to ask you to marry me. Tsaka baka unahan pa'ko ni horsey noh! " sagot nito.

"So will you marry me, right now?" Dagdag na tanong nito. Isa pa sa gusto ko kay Eiffel ay sincere ito at totoo sa kaniya salita. Sa pagkakabigkas at sa mga aksyon palang niya ay ramdam ko na totoo at genuine talaga siya sa pagmamahal at pangako niya saakin.

"Eiffel..." "It's ok if you don't want to get married yet. I'm just asking but I won't force you to if you aren't ready" saad niya nang maspeechless ako. Para kasing nagblanko yung utak ko kahit na alam ko yung sagot ko.

"I don't want you to marry me against your will, Ms. Ortiz. At ayoko rin na isipin mo na papakasalan lang kita dahil ayaw kong maunahan ako ni horsey. I mean ayoko naman talaga pero what I really mean is ayoko na isipin mo na yun yung pangunahing rason kaya gusto kitang pakasalan, gusto ko na makita mo na may mas malalim pa na rason kung bakit kita gusto pakasalan" nanlambot naman ang puso ko sa sinabi niya.

Niminsan ay hindi ako sinabihan ni Paul ng ganto, pano iniisip lang niya ay desisyon niya at ang satingin niyang nakakabuti saakin at saamin kahit minsan ay hindi naman talaga.

Pero si Eiffel, she consider my decision and my feelings. Ibang iba sila, kahit na mas bata si Eiffel ay para bang mas matured ito kesa sa taong halos 8 taon ko ng kasama.

"I'll marry you, Eiffel. At alam ko rin na mas malalim ang rason mo kaya gusto mo kong pakasalan. Don't mind Paul, Eiffel. Hindi ko siya papakasalan at walang kami, kaya hindi mo kailangan mangamba na mauunahan ka niya" malinaw at malumanay na sagot ko sakaniya.

"If you want to marry me now then let's get married. If you want to court me while we're married then I'll let you. But I have one favor for you, only one" lumukot naman ang noo nito sa sinabi ko. "What's the favor, Ms. Ortiz?" Mahinhin na tanong niya.

"Always tell me everything, if you have a problem in our relationship or if you aren't interested with me anymore. I want us to be open in this relationship in able to understand each other, ok? From the simplest to the deepest, I want us to understand each other. I'm asking you this because I don't want you to think later on that our relationship is a mistake. Do you get that?"

"Yes, I get that, Ms. Ortiz. I know you're scared that I'll see us as a mistake in the future but mark my words, that would never happen. I won't wait this long to be with you if that's how I see us. I like and.... love you for so long, I can't bare thinking of losing you in any way" pag amin nito saakin. She loves me?

"You love me?" I ask at tumango ito.

"I love you since the day I saw that picture of yours. I love you since the night I made that promise to your mother. I love you since the time I started looking for you. I love you since I realize you are the last missing part of my entirety. You complete me, Hera. You complete the lacuna of my entirety"

Di ko mapagilan ang puso ko pero ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok nito. Tila ba'y nasa karera ako kung makatibok 'tong puso ko. Alam kong mga salita ni Eiffel ang rason kung bakit ganto ang tibok ng puso ko.

"Let's get married, Eiffel. I'll marry you, let me complete you. Let me learn how to love you until I am confident enough to say that I love you too" bulong ko sakanya. Mas lumawak pa ang ngiti nito at hinawakan niya ang aking mga kamay.

"We'll learn how to love each other deeper. We'll get married tomorrow, for now... we need to tell them about our marriage" saad niya. Alam ko na ang pamilya namin yung tinutukoy niya. Umoo ako ka agad kaya mabilis kaming gumalaw para makapag ayos.

Nagset up kami ng dinner para family, pang both sides na syempre. Tapos naghire na kami ka agad ng magaayos ng kasal namin. Hindi naman ganun ka bongga yung gusto namin, kahit simple lang ay ayos na.

Pamilya lang naman kasi namin ang dadalo, kaya ayos na kami sa simple lang. Para di na rin mahirapan yung mga mag aayos. Sa susuutin naman namin ay namili rin kami pagtapos makahanap ng taga ayos.

Yung reception naman namin ay gaganapin lang sa mansyon nila Eiffel kaya hindi na ganun kahirap dahil yung family chef nalang nila yung magluluto.

Nung malaman ng pamilya namin tungkol dito ay labis silang nagagalak saaming desisyon. Mas lalo si Nanay, parang mas excited pa nga siya kaysa saakin.

Si tatay rin ay masaya nung nalaman niya na tinotoo nga ni Eiffel ang pangako niya na pakasalan ako. Yung mga nanay naman nung mapapangasawa ko ay proud at masaya para sakanilang anak, para narin saakin, saamin.

LACUNA - (Intersex: ProfxStud) Where stories live. Discover now