LACUNA - XII

459 10 0
                                    

Heart's POV
Vacant namin ni Heather ngayon at padiretso na kami ng cafeteria. Hindi ko kasama yung asawa ko ngayon dahil may meeting ang lahat ng proffesors sa Archi Department.

Pagkapasok namin ng cafeteria ay doon ko nakita si Horsey at si Ms. Rivera. Ok naman ako kay Ms. Rivera dahil mabait daw siya ayon sa kapatid ko.

Kung di nga lang bakla yung kapatid ko siguro mapapaniwalaan ko pa na crush niya ang bestfriend ng asawa ko. Yes po, bakla si Evan. It runs in our blood ika nga nila.

Hinila ko si Heather at bumati kay Ms. Rivera. "Hi ma'am! Pwede makiupo?" Ewan ko ba bakit ganto? Ang cold ko sa ibang tao pero pag dating kay Hera para akong maamong anghel.

"Sure. Come here kids!" Umupo ako sa tabi ni horsey at si Heather naman sa tabi ni Ms. Rivera. "Beh, order kana" sambit ni Heather. "What? Bakit ako oorder? You order" turan ko sakaniya. "Luh, o akina pambayad mo" Tsk. Tignan mo, siya rin pala oorder.

Inabot ko sakaniya yung black card- ay nadulas. Inabot ko sakaniya yung card ko at kumaripas ito agad ng takbo. Alam ko naman na kukunin niya yung pambayad niya mula sa card ko, I don't mind. Sanay naman na'ko.

"So Heart, I heard you and Lexie are always together" saad ni Ms. Rivera. Tumango naman ako at ramdam ko ang galit na aura ni horsey sa tabi ko. "Yes, I'm always with my wife" proud at cofident na saad ko. Gusto kong mapuno si horsey!

"Wait Lexie is your wife?!" Gulat na tanong ni Ms. Rivera. "Ye-" "She's just delusional, Rhiyo. You know how kids are" sagot naman ni horsey. Tumawa ako sa statement nito na ikinagulat nila. Di kasi ako palatawa.

"So you're calling yourself a kid, Mr. Veñebez? But yes Hera is my wife, Ms. Rivera. We've been married for almost two weeks now. We just kept our wedding simple and private" paliwanag ko sa bestfriend ng asawa ko.

"Oh no wonder I saw a ring on her ring finger the last time we hang out. Akala ko ay kuro kuro ko lang na baka kasal na ang bestfriend ko" napangiti naman ako dahil mas nainis at mas naging madilim ang aura ni horsey.

"Eiffel!" Napalingon naman ako nang tawagin ako ng asawa ko. Pinaupo ko ito sa gitna namin ni horsey at hinalikan ko sa pisngi. "How's the meeting?" Tanong ko.

"As usual boring" sakto naman ay dumating na rin si Heather. Pabalik balik ang tingin nito saamin ni Hera. "Here's your food" binigay saakin ni Heather yung card at pagkain ko.

"Wanna share or bilhan kita?" Tanong ko sa asawa ko. "Share" tumango naman ako at sinubuan siya. Magselos ka lang horsey, kahit wala ka naman talagang karapatan.

"Wait, I'll buy you some coffee jelly" tumayo ako ka agad at bumili ng coffee jelly. Hindi ko pwedeng pakainin yung asawa ko ng wala yung paborito niya nuh!

Bumalik ako ka agad at nakita ko si horsey na pinepeste nanaman buhay ng asawa ko. Tadjakan ko sa puson yan eh! "Here you go, wifey" inabot ko sakaniya yung coffee jelly at umupo sa tabi ko.

"Eat Eiffel, it's almost our next class" sinubuan naman niya ako na ikinagulat ko. Parang ngayon lang niya ko sinubuan, gusto ko kasi ako yung nagsusubo sakaniya ng pagkain. Yan nanaman tayo sa mga utak niyo eh!

Pagkaubos namin sa pagkain ay sinubuan naman niya ko ng coffee jelly. Nagshare din kami.

"You never shared your coffee jelly with me!" Reklamo ni Ms. Rivera. "Ako nga ma'am never naging sweet yan sa'kin eh!" Sabat naman ni Heather. "Tsk. Magsama kayong dalawa, malay niyo kayo pala yung end game!" Saad ko kay Ms. Rivera at Heather.

Malay mo nga talaga diba?

"Love, let's have a date" pag aya ni horsey kay Hera. "I'm busy and I already have a wife, so stop pestering me!" Iritang sagot ni Hera sakaniya. Gusto ko humalagapak sa tawa kaso baka sampalin ako ng asawa ko.

"She's not really your wife, Lexie. She's just a delusional kid!" Inis na sambit ni horsey. Bumaling naman si Hera sakaniya na may galit na aura. Mabait naman yung asawa ko, wag mo lang gagalitin.

"If you can't respect, Eiffel atleast respect me! I told you Paul, hindi ako makikipag date sayo at may asawa na'ko!" Tumayo agad si Hera at hinila ako papalabas ng cafeteria. Pinakyu ko ulit si horsey at sumunod agad sa galit kong asawa.

Kapal ng mukha eh ako nga di ko ginagalit, babycakes ko!

"Hera" tawag ko sakaniya. Galit pa rin ito. Hindi ako may kagagawan pero ako manunuyo! Hayss... "Darling" malambing na tawag ko sakaniya. Hinila ko ito saaking bisig at niyakap ng mahigpit.

Teka mamaya na pumasok! Lalambingin ko lang honeybunch, sugarplum, babycakes, labidabs, bebeloves ko.

"E-Eiffel... male-late tayo!" Saad niya pero hindi ko siya binitawan. "Ayokong pumasok ka ng galit. Baka mamaya magpatest ka din ng 1-100" biro ko sakaniya. "I'm not like that, Eiffie" saad niya. "I know, bininiro lang kita" hinalikan ko ito sa noo at nagtungo na rin kami sa klase namin.

Last naman na 'to tas pwede ko na uli siyang masolo. Dumaan muna kami sa office niya at ako pa rin yung may dala ng gamit niya. Pinagbukas nalang niya ko ng pinto. Oh diba, stand at sit pretty lang siya!

LACUNA - (Intersex: ProfxStud) Where stories live. Discover now