LACUNA - VI

532 12 0
                                    

Heart's POV
Nasa harap kami ng hapag kainan ngayon. Takam na takam na'ko sa mga pagkain na naka hain dahil ang iba doon ay paborito ko, yung iba naman paborito ng ulupong kong kapatid.

Nagdasal muna kami at ako yung pinaglead ni mama ng prayer. Hindi ako pwede magreklamo dahil hindi rin iyun tama mas lalo't nasa harap kami ng blessing mula kay Lord.

Pagkatapos nun ay binigyan ko muna ang aking asawa sa kaniya plato bago saakin. Sweet naman ako, kay Ms. Ortiz nga lang. Syempre alanganaman sainyo? Ano kayo gold?

"So Ms. Ortiz, how are you feeling today?" Tanong ni mommy. Kahit kalmado ang boses nito ay hindi pa rin talaga mapipigilan ng mga tao sa paligid niya na kabahan o matakot.

"Mommy don't scare her!" Tinaasan niya ko ng kilay pero matalas pa rin ang tingin ko sakaniya. Bumuntong hininga ito at mas kumalma ang itsura niya. Minsan lang ako manalo sakaniya, wag niyo muna batiin.

Nilagay ko naman yung isa kong kamay sa lap ni Ms. Ortiz upang makatulong para kumalma ito. Halata kasing kabado siya.

"I'm good, Mrs. Santorio" magalang na sagot ng asawa ko. "So, kamusta naman kayo ng anak ko?" Tanong ni mama. "Mama-" hindi pa ako nakakapagsalita pero pinutol na nito ang sasabihin ko. Luh!

"Is she bothering you, Ms. Ortiz?" Tanong ni mama sakaniya. Parang others naman ako eh! "Hindi naman po, she's actually quite helpful" sagot ng asawa ko. Napangiti naman ako pero nawala din nung nagsalita yung kapatid kong ampon!

"Wow, I never saw her smile like that before. Anong pinakain mo sakaniya, ma'am?" Tanong ni Evander na ampon. Tsk, galit pa rin ako sakaniya!

"Two choices Evan, manahimik o muriatic acid?" Matapang na tanong ko sakaniya. Tumahimik naman ito ka agad na ikinangisi ko. Tsk, bottom at under pala 'to!

"So when's the wedding?" Si mommy naman ang nagtanong. Nanlaki ang mga mata namin sa tanong ng nanay ko. "W-we haven't talk about that yet" sagot ko sakanya. Kasal agad?! Di ko pa nga napapakita sakaniya yung damoves ko!

"And when are you planning on talking about your wedding?" Bumalik nanaman sa pagiging mataray yung dragonita niyo! "We don't know yet. But we will once we're done talking about... something" sagot ko.

Ako na yung sumasagot dahil alam kong speechless si Ms. Ortiz. Alam ko naman na hindi pa siya handa para ikasal kaya hindi ko pa ito inopen up sakaniya. Gusto ko rin kasi makahanap ng perfect timing.

"Fine. But I wanna be the first one to know once you've decided" ma authoridad niyang saad. Tumango nalang ako at kumain nalang muli. Sa buong hapunan ay nagkwentuhan lang kami. Mostly tinatanong nila si Ms. Ortiz.

~time skip~
Kakatapos lang namin kumain at inaya ko si Ms. Ortiz saaking condo. Para makapagusap kami ng kami lang dalawa. Maayos naman yung condo ko, inayos ko kanina dahil ngayong gabi ko talaga plinano na kausapin siya.

"Is this?" Tumingin ako sakanya at hawak hawak nito ang picture namin ni Nanay Helen nung bata pa ako. "Si Nanay Helen yan, yes she's your mother" malumanay na saad ko sakaniya.

Nakatitig lamang siya sa litrato namin at nilapitan ko ito. Kinuha ko yung litrato at binalik iyun sa dating pwesto. Binaling ko naman ang atensyon ko sakanya habang nakatingin ito saakin na may naguguluhang isip.

Pinaupo ko siya sa sofa habang hinahanda ko ang sarili ko sa aking mga sasabihin. Nakakakaba pala 'to noh!

"Nanay Helen worked for us before. She was our nanny, pero nanay na rin ang turing ko sakaniya. Siya mostly yung nagpalaki saamin ni Evan dahil laging busy sina mommy" I explained.

"So kayo yung kinukwento ni mama saakin nun? Yung mga alaga niyang bata?" Umoo ako sa tanong niya at tumango naman ito.

"When I was six I saw a picture of you in her room. That same night she told me about her daughter and that same night I asked her if I can marry her daughter. When I got her blessing, on that same night I promise I would only marry one woman, you, her daughter" pagpapatuloy ko sa kwento ko.

"I kept this picture of you. It was your highschool grad pic, I ask Nanay Helen if I can keep it and she said yes. I always keep it with me everytime. It took me 14 years to find you, and now that you're here I will do everything to keep you by my side. I am more than sure when I told you I wanna marry you. You're the missing part of the lacuna in my life and heart. Now that you're here, I'm finally going to be complete" I said with a smile on my face.

Tumitig lang ako sa mga mata nito at tila ba'y nalulunod ako sa mga ito. Mas nafall ako sakaniya.

"I'm not rushing you to get married, and I would never force you to marry me. That decision is still yours, and I am willing to give out my efforts and time for you. I wanna prove myself to you, Ms. Ortiz and let me do that by courting you" tumigil ako at lumuhod ako sa harap niya.

"May I have your permission to court you, Ilixie Herona Ortiz? Let me prove my love and self to you" hawak hawak ko ang kaniyang kamay habang nagaantay sakanyang sagot. Naspeechless ata asawa ko.

"Y-yes... you have my permission" malawak na ngiti ang bumakas saaking mukha at niyakap ko ito. "Is that real? You're not kidding?" Tanong ko na tila ba'y hindi ko siya pinagkakatiwalaan.

"Mukha ba'kong nagloloko, Eiffel or do you want me to take my answer back?" Nakakunot na noo at masungit na tanong saakin. "No! I'm just making sure you're not joking" kabadong sagot ko sakanya.

"Just don't make me regret this, Santorio" tumango tango ako at sumagot ng "Yes ma'am!" Na may malawak at mapang asar na ngiti saaking labi. Umirap naman ito na ikinatawa ko.

"Wanna stay for the night or I can drive you home?" Malambing na tanong ko sakaniya. Anong oras na rin kasi, baka mapahamak pa siya. "C-can I stay?" Nagaalangan na tanong niya.

"Of course you can, whenever you want you are free to stay here. Unless gusto mo mag bayad di naman ako tatanggi" hinampas niya ang aking braso na ikinatawa ko. Bilis niya talaga mainis, buti nalang mahal ko siya.

"Here you can wear this, they're new" binigyan ko siya ng isang pares ng pajama at underwear. Bahala na siya kung gusto niya maligo o magpalit lang.

Nagpalit na rin ako ng damit, di na'ko naligo dahil kakaligo ko lang bago kami pumunta sa mansyon namin.

Nung matapos siya ay hinayaan ko na siyang mahiga saaking kama. Palabas na sana ako para matulog sa sofa pero pinigilan ako nito. "Where are you going?" Nagtatakang tanong niya.

"Uhm... sa sala. Matutulog ako sa sofa para masolo mo yung kwarto" sagot ko sakaniya. "I stayed here to spend the night with you, not for you to sleep outside" napangiti naman ako sa sinabi niya kaya mabilis akong tumabi sakanya sa kama.

I opened my arms for her at niyakap naman niya ko kaagad. "Good night, Ms. Ortiz" "Good Night, Effie" hinalikan ko ang noo nito bago ako nagpalamon sa antok. Sweet dreams to the both of us!

LACUNA - (Intersex: ProfxStud) Onde histórias criam vida. Descubra agora