LACUNA - XVI

435 9 0
                                    

Heart's POV
ANOTHER MONDAY, ANOTHER SUFFERING AYOKO NA! 3rd year palang ako sa architecture ay lugmok na lugmok at sukong suko na'ko!

Grabi ba naman kasi, pre! Kakabigay lang ng panibagong plate nung isa naming subject teacher tapos yung isa naman nagbigay ng written work para bukas.

Ba't ako naiinis? Kasi yung plate kailangan na ipasa sa araw pagkatapos bukas, tapos bukas pa yung written work sa isang sub! Pano ka hindi magpapanick at maiistress kung komplikado pa yung plate na ibinigay sayo tapos 100 items yung written work.

Parang hindi nagcollege 'tong mga prof na 'to eh, sarap ihampas! Buti pa asawa ko, may care saaming mental health. Haysss... dito ko na masasabi na tama ang aking napangasawa. Simpleng bagay lamang ayun sa ibang tao pero saakin ay napakalaki na nun.

Si horsey naman ay hindi ko pa nabibisita. Gusto ko kasi marami siyang energy para sa next round namin. Tapos ang alam lamang ng mga tao dito sa university ay nag resign na ito.

"Puso!" Naiiyak na tawag ni Heather. Isa pa 'to kanina pa lugmok sa pinapagawa saamin. Pano na'ko magkakaroon ng latin honors nito? Eh parang dito pa yata ako babagsak, jusko.

"Oh?" Walang ganang tanong ko sakanya. Sinimulan na kasi namin yung plate ngayong vacant, andito kami sa library tas itong Alexandria na 'to kanina pa naiyak. Parang tanga amputa.

"Ba't di ka nagpapanick? Ako tignan mo umiiyak na oh!" Humikbi naman ito na ikina iling ko. "I'm stressed out too, but if I let my emotions take over talagang wala akong matatapos. Imbes na umiyak ka diyan ituloy mo nalang yang ginagawa mo. Tsk" inangat naman nito ka agad ang kaniyang ulo at pinunasan ang mga luha sa pisngi.

"You know what? Tama ka Puso, ang tanga ko talaga!" Wala na itong iba pang sinabi at tinuloy na ulit yung ginagawa niya.

Miss ko na asawa ko.

Sinend ko kanina yung mga pinapagawa saamin tas ayun cheer up nalang daw niya ko pag natapos ko na lahat yun.

Ang sakit kasi di ko siya malalambing hangga't di ko natatapos 'to. Huhu magbreakdown kaya ako sa harap niya?

Kasi naman eh! Pinagsabay yung written work at plate. Ang hirap kaya! Pano ako magrereview niyan? O kaya pano kundi ko matapos 'tong plate kasi mas pinili ko magreview? Ang hirap naman gumalaw ar lumugar sa buhay na 'to.

Di ko naman pwedeng bisitahin si horsey para maglabas ng sama ng loob kasi kailangan ko na talaga ko matapos hanggang bukas ng gabi. Huhu, ano gagawin ko?

"Hoy patingin nga ng iyo! Bwiset na measurement kasi 'to. 4cm amp, siya kaya isiksik ko sa 4cm na yan!" saad ni Heather at mayroon namang nagsalita sa likuran namin.

"And how will you do that, Ms. Chavez?" Napatingin kaming parehas nang marinig namin ang boses ni Prof. Peralta. "AHHHH MULTOOOOO!!!!" Kumaripas ng takbo si Heather papalabas ng library at iniwan niya ang kaniyang gamit.

Seryosong pinanood lamang namin siya ni ma'am. Nais kong matawa sakanya ngunit wala ako sa mood para dun. Walang expresyon na bumalik ako sa aking ginagawa dahil gusto ko na talaga makasama si Hera.

"Well, nice seeing you Ms. Santorio. Susundan ko lang si Ms. Chavez" walang ganang tumango ako at pinanood na maglakad ito papalayo. Lagot si Egypt niyan nito.

Hindi ko na sila muling inisip pa at tinapos na yung gawain ko. Kahit di ko 'to matatapos ngayong vacant ay ipipilit ko pa rin. Makasama lang si Hera gagawin ko ang lahat.

Ilixie's POV
I don't wanna lie but I kinda miss her. I miss Eiffel. She told me she has a plate to finish from Kleanne's subject, as much as I want her by my side I can't ask her that.

Kaya sabi ko nalang sakanya na tapusin niya yun tas ich-cheer up ko nalang siya pag natapos niya na iyun.

To be honest, gusto kong sapakin si Kleanne dahil sa binigay niyang plate sakanila. Haysss... ano ba nangyayari saakin?

Dati naman hindi ko namimiss ng ganto si Eiffel, na ok lang ako na busy siya. Naf-fall na ba ako sakaniya? Nagugustuhan ko na ba siya? I mean gusto ko naman dati pa si Eiffel pero iba yung pagkagusto ko sakanya ngayon.

Napapansin ko rin na mas gusto ko na kasama ko siya parati kahit nasa klase kami, pero hindi ko iyun magawa dahil estudyante ko pa rin siya.

Jusko, ano bang nangyayari saakin? Parang ayoko nalang yata mabuhay, kaso magiging malungkot niyan si Eiffel pag nawala ako. O kaya baka mas maging madiin pa iyun sa pagpapahirap kay Paul, kahit na deserve naman talaga niya yun.

Binuksan ko yung cellphone ko at nagbabakasakaling nagtext saakin yung asawa ko. Kaso yung saya ko napalitan rin ng lungkot. Sabunutan ko kaya si Kleanne?

Nabalitaan ko rin kasi na magpapatest yung isa pa nilang prof bukas, kaso hindi ko narinig kung sino yun. Eh kung paguntugin ko kaya sila ng Peralta na yan?! Tsk. Masyado nilang pinapahirapan asawa ko!

Talaga, pag natapos yung ginagawa ni Eiffel ay lalambingin ko siya. Ewan ko ba ba't ganito sinasabi ko pero yun kasi yung gusto ko talagang gawin. Lambingin si Eiffel.

Di rin ako nangangamba na magkagusto iyun sa iba dahil may tiwala ako sakanya. Tsaka saakin lang naman yun malambing, sa iba eh kala mo siya yung natitirang dinosaur kung umakto sa harap nila. Haha

No offense pero nakakatakot talaga ang aura ni Eiffel, at sa mga tingin palang niya sa mga tao ay umaayaw na kaagad sila na kalabanin ito. Kaya doon palang ay nabuo na ang tiwala ko sakanya na hindi niya ako lolokohin.

Kahit iilang tao palamang ang nakakaalam saaming relasyon ay hindi rin hinahayaan ni Eiffel na may lumandi sakanya o saakin. Ang swerte ko dahil greenflag yung asawa ko, na kahit lamok lang ay hindi niya hinahayaang dumapo sa balat ko.

LACUNA - (Intersex: ProfxStud) Where stories live. Discover now