LACUNA - VIII

490 12 0
                                    

Heart's POV
Eto na ang araw na pinakahihintay namin! Ikakasal na'ko sa asawa ko, sa wakas at narito narin kami. Hindi ko mapigilan na maiyak sa tuwa nung marinig ko ang sagot niya saakin kahapon. Labis ang sayang naramdaman ko nung sinabi niyang papakasalan niya ako.

Narito ako ngayon sa harap ng altar inaantay pumasok si Ms. Ortiz, siya kasi yung maglalakad sa aisle. Napagdesisyonan rin namin na apelyedo ko ang gagamitin niya.

Nagsimula naman magtunugan ang kampana at doon nagsimula maglakad yung asawa ko sa aisle kasama si Nanay Helen at Tatay Romuel.

Tumulo ang luha mula saaking mga mata, di ko na naisipan na punasan ito dahil bakas yun ng kasiyahan na aking nararamdaman ngayon. Nakatitig lamang ako saaking asawa na nagniningning ang ganda.

Nang makalapit ito ay niyakap ko sina Nanay Helen at Tatay Romuel. "Alagaan mo ang anak namin ah, Heart. Ipapaubaya na namin siya saiyo" saad ni Nanay Helen.

"Hinding hindi ko po pababayaan ang anak niyo, nay. I told you before, I'll take care and love her in a way I can't do the same to the others" tumango naman si Nanay Helen bago sila naglakad papalayo ni Tatay Romuel.

"Hi, wifey" bati ko sa asawa ko na may malaking ngiti saaking mga labi. Inalalayan ko siya sa harap ng altar at ni father. "Handa na ba ang lahat?" Tanong ni father na ikinatango ko.

Sinimulan na ni father ang seremonya. Medyo matagal pero ok lang, alam kong worth it ito sa huli dahil legal ko ng magiging asawa si Ms. Ortiz.

Nakalipas ang... oras siguro o minuto lang ba? Ay nakaabot na kami sa vow part. Eto ang isa sa pinakahinihintay ko, ewan ko ba kung bakit eh kabado nga ako.

Tinapat ni father yung mic malapit saaking bibig pero sapat lang ang layo para hindi matamaan ang mukha ko.

"Wifey, I know I promised that I will marry you and here I am, we're standing infront of the altar stating our vows infront of the priest. But just know that my promises for you won't end here, I still have tons of promise and two of those are loving and taking care of you. And yesterday I promised I'll continue to court you inside our marriage, and that we'll continue to learn how to love each other deeper. Maybe the words I use in my vow won't be enough to make you believe nor to make you feel my genuine love but as we go on with our married life I promise to make you believe how much I love you by showing and making you feel it. Challenges will come in our way but always remember that I'm always on your side, we may have an argument or misunderstandings but know it won't be the end of us. I may be ruthless or cold or scary to other people which makes me hope that won't change how you look at me. And, wifey whenever you think of something negative about you, about us, don't hesitate to tell me, I won't judge nor get mad at you. That is why I am right by your side. To love, to reassure, to understand and to protect you. I love you, Ilixie Herona Ortiz, my future Mrs. Santorio and through the journey of our marriage let me continue to fullfil each of my promise to you and your parents"

Mahaba yung vow ko, pinaghandaan ko yan kagabi lang. Rush, kumabaga. Kontento naman ako sa vow ko, pero minsan pumapasok sa isip ko yung mga salitang 'I could've done better'.

Si Ms. Ortiz naman yung nagsabi ng kaniyang vow. Mahaba rin ito pero mas mahaba yung akin. Hindi ko napigilan na maluha sa mga salitang sinambit niya. Kahit hindi niya binanggit na mahal niya ko ay nakontento na ako sa vows niya.

Naiintidihan ko naman siya dahil ilang weeks palang naman kami magkakilala. Hindi ko rin siya minamadali na sambitin niya iyun, gusto ko pag unang binaggit niya yun sa'kin ay mula talaga sa puso niya hindi yung kuro kuro lang.

"The rings, please" lumapit saamin si Evander na hawak hawak ang isang... unan yata yan? Basta nakapatong dun yung singsing namin. "Heart, repeat after me" saad ni father. Tumango naman ako habang hawak hawak yung singsing.

"I, Heart Eiffel Suarez Santorio, take you as my lawfully wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worst, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until parted by death" pagsunod ko sa sinabi ni father. Sinuot ko ang singsing sa ring finger niya at sumakto naman ito.

"Ilixie, repeat after me" tumango si Ms. Ortiz habang nakatingin ito saakin.

"I, Ilixie Herona Ortiz, take you as my lawfully wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worst, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until parted by death" pagkasambit niya ng vow ay sinuot niya saakin ang singsing na hawak niya.

"I now pronounce you, wife and wife! You may now kiss the bride" tinaas ko yung veil niya at hinalikan ang kaniyang mga labi. Hindi ito ang first kiss namin. First kiss ko naman siya siguro pasok na yun?

Naghiyawan ang mga tao sa aming paligid at nagsipalakpakan ang mga ito. Nilayo ko na ang aking labi mula sakaniya at hinawakan ang kamay nito.

"I love you, wifey" malambing na sambit ko. Hindi na ako nagexpect na sasabihin niya iyun pabalik, ok lang naman saakin. Kesa naman sabihin niya pero pilit yun. Mas ok na yung hindi niya muna sabihin.

Pagkatapos na pagkatapos ng seremonya ay nagtungo na kami pabalik sa mansyon. Dun kasi yung handaan namin. Di naman ganun kalaki 'tong kasal namin.

Sina mommy, mama, Evan, Nanay Helen at Tatay Romuel lang ang nandito. Hindi ko na inimbita si Heather dahil alam kong maguguluhan lang siya. Saka ko ikkwento sakanya kapag alam kong handa na siyang malaman ang tungkol saamin ni Ms. Ortiz.

Masaya yung reception kahit kaaunti lang kami. Binigyan din kami ng mga regalo! Yung bahay namin ay yung bahay nalang ni Ms. Ortiz dahil siya rin mismo ang nagsabi.

Dalawa kasi ang bahay na naipundar niya, isa sakanya at isa sa mga magulang niya. Ang angas talaga ng asawa ko noh? Sana inyo rin, haha.

Gabi na nung matapos kami magkwentuhan at kulitan hanggang sa oras na para umuwi kami. Uuwi na kami ng asawa ko. Pagod na rin kasi kami ang daming ganap today.

Sa honeymoon naman wala, di uso ganon saamin. Pareho pa kaming hindi handa sa gawain na yun kaya pass muna. Next time nalang.

LACUNA - (Intersex: ProfxStud) Where stories live. Discover now