CHAPTER 36: I'M INLOVE WITH YOU, MINZ

49 1 0
                                        

Minz's POV

Pilit kong hindi ipinahalata sa kanila na medyo hindi ako okay. Hanggang ngayon ay lutang pa rin ako.

Kasalanan talaga nila!

"Uyy, championship niyo na ngayon, boss!"

"Oo nga 'no? Paniguradong si Dylan na naman ang MVP!"

"Always naman MVP yan eh!"

"Captain na, MVP pa!"

Biglang tumaas ang isa kong kilay at napatingin kay Dylan na tahimik lang na kumakain.

MVP pala ang ugok na 'to?

Naramdaman siguro niya na may nakatingin sa kanya kaya bigla siyang tumingin sa'kin. Tinaasan niya ako ng kilay kaya umiwas nalang ako ng tingin at kumain.

Kinalabit ako ni Lyra at nagpapasama siya sa cr. Nagpaalam muna kaming dalawa bago lumabas ng classroom at pumunta sa cr.

Pumasok na sa loob ng cubicle si Lyra habang ako naman ay tinitignan ang itsura sa salamin.

Salamin, salamin, sana siya'y maging akin. Charot!

Pagkalabas ni Lyra sa cubicle ay naghugas muna siya ng kamay at nag-ayos.

"Tara na?"

"Tara."

Naglakad na kami pabalik sa room. Kita naming nasa labas sila Demonica kaya't lumapit kami sa kanila at nagtanong.

"Bakit nasa labas kayo?"

"Nagbibihis kase sila. You know, basketball championship."

Napatango nalang kami. Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto kaya pumasok na kami.

"Girls, kunin niyo na yung mga pompoms niyo."

Natatawang sabi ni Blade kaya tinaasan namin siya ng kilay. "Pompoms? Anong gagawin namin don?" Taka kong tanong.

"Try mong kainin."

Mabilis kong sinamaan ng tingin si Dylan. "Aba't! Nagtatanong ako ng maayos!" Inis na sigaw ko sa kanya.

Siraulo talaga ampt!

"Eh ano ba kaseng ginagawa sa pompoms?" Sarcastic niyang tanong. Nakakuyom kong tinaas ang dalawang kamay ko at gigil na gigil sa kanya.

Masasabunutan ko talaga siya!

"Oy, oy! LQ na naman kayong dalawa." Sabay-sabay na sambit nila. Nalipat naman sa kanila ang masamang tingin ko.

"Quarrel lang walang Love!"

"What the fuck?!"

Sabay na sigaw naman namin ni Dylan. Muli na naman kaming napatingin sa isa't isa at nagsamaan ng tingin.

Dukutin ko mata mo eh!

"Hayst, tama na nga yan! Bakit ba kase may pompoms? Tapos pinilit niyo pa kaming mag-palda."

Saad ni Summer. Medyo mahinhin ang pagkakasabi ni Summer na agad namang sinagot ni Jerome.

Wews.

"Ganito kase yan. Napag-planuhan namin na magiging cheer dancers kayo." Paliwanag ni Jerome kaya agad kaming umalma.

"Ano?!"

"Bakit hindi niyo kami sinabihan?!"

"Anong cheer dance?!"

"Ayoko!"

"What?!"

"Girls, girls, kalma lang muna ok? Actually kagabi lang namin na-isip yon kaya hindi na namin kayo nasabihan at pinilit nalang namin kayo mag-suot ng palda." Paliwanag naman ni Shan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now