SPECIAL CHAPTER : THE ANGEL GOT BRAINWASHED

1.8K 45 4
                                    

Hi psychos! Special chapter for Leila, Earl and Eric on their first meeting. Yass, I made this to make the story more clear and smooth. As you see, I already revised and edit the whole story but I wasn't able to post it here. Just buy the book version soon. Tho, I can't say when but I think probably next year. Sana makapaghintay pa kayo! Hehehe.

SALAMAT SA PAGBABASA. VOTE AND COMMENT IF 'YAH WANT. FEEL FREE PEOPLE!

READ MY OTHER STORIES IF 'YAH HAVE TIME. THANKS!

TO GOD BE THE GLORY. :)
-manager Vee


SPECIAL CHAPTER

"ANG HINA MO NAMAN." Napalingon ang isang batang babae nang may tumabi sa kanya mula sa damuhan na inuupuan niya. Nasasuot siya ng bestida pulang habang walang humpay na rumaragasa ang mga luha sa kanyang mata.

Namumula na ang kanyang mukha at ilong. Sumisinghap-singhap pa ito bago tinignan sa mukha batang lalaking nakasuot ng puting damit at nakataas pa ang buhok. Maamo ang mukha ngunit may kakaiba sa tingin ng batang lalaki na ito. Tila may isinisigaw ang kanyang mga mata na panganib.

"Shut up, you don't know anything!" sagot ng batang babae at pinunasan ang kanyang luha gamit ang kanyang mga palad ngunit hindi pa rin matapos-tapos ang pagtutubig ng kanyang mga mata.

"Maybe I don't," giit ng batang lalaki. "But I know your weak. Bakit ka ba umiiyak? Kasi sinaktan? Inaway ka ba? Alam mo bang ampon ako pero hindi ako umiyak. Ampon ako pero wala akong pakialam."

Natigilan ang batang babae at hinarap na nang tuluyan ang kausap. Bakas din sa mukha nito ang pagkalito.

"Ampon ka? Ibig sabihin wala kang magulang o 'yong magulang mo hindi sila 'yong totong mama at papa mo?"
tanong niya at hinihintay ang sagot ng batang lalaki.

"Oo at alam mo bang sinungaling ako?" tanong ng batang lalaki kung kaya't mas lalong gumulo para sa batang babae lahat. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kasama.

"Ano? Hindi kita maintindihan," anang batang babae.
"Sinungaling ako nang sinabi ko sayong wala akong pakialam," biglang gumuhit sa labi ng batang lalaki ang isang ngisi. "Pero nakilala ko naman mga tunay kong magulang, kaso nagtatago sila pero nahuli sila kasi... kasi kasalanan ko tapos ngayon wala na sila."

Natigilan ang batang babae sa kinukwento nang batang lalaki. "They are gone?" mahina niyang tanong.

"No, they're dead."

Bakas ang gulat sa mukha ng batang babae sa sinabi nito. "B-Bakit gano'n? Bakit ang dali sa iyo sabihan 'yan? Aren't you sad? You must be sad and crying like me!"

"Why would I be like you? Hindi ako mahina gaya mo," anang batang lalaki kung kaya't sinamaan siya ng tingin ng batang babae.

"Hindi ako mahina! M-Masama bang maging mabait? M-Masama ba ako?" tanong nito at nagbabadya na naman ang luha sa kanyang mga mata. "Si M-Mommy, pinadala ako rito kasi.. kasi natalo ako, namatay pa si papa dahil sa pagkatalo ko, a-ako ang sinisisi niya sa aksidenteng nangyari kay papa, 'y-yong kambal ko g-galit sa akin na wala naman akong ginawa sa kanya, lagi akong nasa tabi niya, t-tinalikuran ako ng mga friends ko, everyone... even the world was so unfair 'coz I didn't do anything bad at all."

Bigla na naman naiyak ang batang babae at naging hagulgol ito. Umiyak ito nang malakas na tila ang pag-iyak lang na 'yon ang mag-aalis ng sakit sa kanyang dibdib. She was so young yet she's feeling this kind of pain right now. She doesn't even deserve this kind of life. That young sweet girl doesn't deserve bitterness.

"Being that good made you weak, don't you think?" biglang sambit ng batang lalaki kung kaya't kahit humihikbi tinignan niya ito sa mata. "My real parents are dead because of me, they are hiding because life is unfair. Fuck that morals of people. You know what? My parents are killers. They kill people because they are paid for it, they kill people because that makes them happy. 'Yan ang mga sinabi nila sa ako bago sila namatay, hindi ko talaga naiitindihan no'ng una pero may isang taong nagpa-intindi sa akin. And now, I want to be like my real parents. Psychotic? I don't think so. Tutuparin ko lang 'yong pangarap nilang mangyari, killing spree at gagawa ako ng dokumento para roon."

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Where stories live. Discover now