Psycho 24 - Hide and Seek

2.6K 103 18
                                    

Psycho 24 -

                  Hide and Seek

[Leila’s point of view]

KASAMA ko si Clyde sa mga oras na to. Iuuwi na nya daw ako sa bahay namin. Nakakatawa lang, pagkatapos ang ilang taon makakauwi na din ako sa bahay na iyon. Sa walang kwentang bahay na iyon.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ni Lorsen na nasa akin kaya naman tinignan ko agad ito.

‘Patulugin mo muna yan. May pupuntahan tayo. Mukhang may alam na si Jhay. Nakita kong nagpunta sya kanina kila Drea.’

Napangiti ako sa mensaheng natanggap ko sa kanya. Pagkatapos ay tinignan ko si Clyde.

“Baby,  gusto ko ng slurpee. Ihinto mo muna sa 7/11 bibili lang ako para sa atin..” Tinignan nya naman ako pero agad ibinalik sa daanan. Mas maganda kung ibunggo nya nalang para mamatay na sya. Pero hindi, hindi pa ‘to ang tamang oras para mawala sya sa landas ko.

“Sige. Pero ako nalang ang bibili ah..”

“Hindi. Ako nalang please. Sige na, ngayon lang naman e..”

“Pero—“

“Please baby? Bantayan mo nalang tong sasakyan..” sabi ko at ngumiti. Letse! Bakit ba ang kulit ng lalaking ‘to? Hindi ba sya maka-intindi na ako nalang?

“Oo na, oo na..” sabi nya at nipark na ang sasakyan sa 7/11 na madadaanan namin.

“Thanks. Wait for me, mabilis lang..” saad ko. Bababa na sana ako ng hinila nya yung kamay ko at hinalikan sa noo. Kinilabutan ako sa ginawa nya pero hindi ko nalang pinahalata baka mabuko pa ako, mahirap na.

“Okay. Ingat. I love you..”

Ningitian ko sya ng pilit. “Sige. I—I love you..”

Napa-iling ako at pinunasan ang noo ko. Wala naman akong pakialam sa Clyde na iyon e. Wala nga iyong kasalanan sakin pero madadamay sya dahil minahal nya ang kambal ko, kawawang lalake. Maling babae pa, ang napili.

Pinagbuksan ako ng guard ng pintuan. “Magandang Hapon po Ma’am. Welcome to 7/11..”

“Magandang hapon din naman..”

Kumuha agad ako ng slurpee at binayaran sa counter. Kailangan kong magmadali, baka masira pa ang plano namin dahil sa letcheng cellphone ni Drea. Alam ko sinira ko na iyon pero bakit gumagana parin?

Nagtungo ako sa Comfort room na dala ang mga slurpee. Nilabas ko ang tabletang nasa bulsa ko at nilusaw iyon sa Slurpee ni Clyde.

Lumbas na ako kaagad at nagpunta na sa sasakyan. “Baby, ito na..” abot ko sa kanya at umupo na sa front seat.

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Where stories live. Discover now