Psycho 28 - Near end

2.9K 100 22
                                    

Psycho 28 - 

               Near end

[Third Person’s Point of view]

INILABAS na ang bangkay ni Drea sa ospital, nakaburol ito ngayon sa isang funeral house. Nandoon ang kanyang pamilya, kamag-anak at mga kaibigan na labis na nasaktan sa sinapit ng dalaga.

Walang humpay ang iyak at paghihinagpis ng pamilya nito. Nakatingin naman ng masama ang nakababatang kapatid ni Drea na si Chriselle sa mga kaibigan ng kanyang ate na kakarating lang. At hindi na nito napigilan ang kanyang sarili at sinugod ang magbabarka.

“Anong ginagawa nyo dito?! Dahil sa inyo napahamak ang ate ko! Umalis na kayo!” sigaw nya sa mga ito na puno ng paghihinagpis. Hindi umimik ang magbabarkada pero sa bandang huli nagsalita si Kim.

“Chriselle, wala kaming kasalanan. Hindi namin ginusto na mangyare kay Drea yan. Mahal namin sya, kaibigan namin sya.” Kagat labi nitong saad dahil pinipigilan ang pagtulo ng kanyang luha.

“Kaibigan? Mahal? Sinungaling! Simula noon kapag kasama nyo sya lagi nalang syang nasasangkot sa gulo! Minsan nga iniisip ko mas mahal nya kayo kesa sakin e. Dahil kayo ang palagi nyang kasama.” saad ni Chriselle sa kabila ng kanyang mga hikbi. “Tignan nyo ang ate ko, hindi pa nga kami nagkakaroon ng oras para magbonding pero wala na sya!” hindi na nya napigilan ang kanyang emosyon at napahagulgol nalang ito. “Kasalanan nyo to..”

Nilapitan naman sya ng kanyang mga kaibigan. “Chriselle..” naiiyak na sambit ni Angel ang isa sa mga matalik nitong kaibigan. Agad nyang niyakap ang kaibigan.

“Mga ate at kuya. Pwede po bang umalis na kayo? Mahirap po kasi para kay Chriselle ito at sa pamilya nya e. Naiintindihan po naman na nakikiramay kayo pero sana po intindihin nyo rin yong nararamdaman nila.” Mahinanong na sambit ni Angel habang yakap pa din nito ang kaibigan.

“Sige. Naiintindihan namin.” Sambit ni Clyde.

“Salamat Kuya Clyde..” sagot nito.

“Condolence, Chriselle kaya mo yan.” Dagdag ni Ferliza habang pununasan ang luha sa kanyang mata.

“Salamat Angel. Ikaw ng bahala sa kanya.” Saad ni Kim bago sila tuluyang umalis.

Sumakay na sila sa loob ng van. Si Eric ang nagdadrive, nasa likod nito sina Clyde, ang nagbabalat kayong si Leila at Kim. At sa bandang likuran naman ay sina Earl at Ferliza.

Alas nwebe na ng gabi at papunta sila ngayon sa Park kung saan sila madalas magtambay.Tahimik lang sila buong byahe kaya naman nakapa-awkward ng atmosphere.

[Leila’s Point of view]

 Hindi ko hahayaang masira ang plano ko Eric. Hindi ko na iititigil to, kaya pasensyahan nalang tayo kung madadamay ka. Ngayon na ang tamang oras. Kailangan ng matapos ang lahat.

Kunware akong uminom ng tubig na nasa loob ng bag ko at sinadya ko itong itapon sa sa kandungan ko kung saan nakalagay ang panyo ko.

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Where stories live. Discover now