Special Psycho Chapter ♥

3.2K 66 27
  • Dedicated to Sa lahat ng nagbabasa ng WTRP ♥
                                    

Special Psycho Chapter

MASAYANG nagkukwentuhan ngayon sa isang parke ang mga naging cast ng kakatapos lang na "Who's The Real psycho?' sa isang website na nag-ngangalang Wattpad.

"Grabe, tapos na nga yung kwento natin no? Nakakalungkot." Sambit ni Drea sa mga kasama sabay kuha ng fries na nasa harap nya. Idinaan nalang nya sa pagkaen ang lungkot.

"Sobra! Sayang lang e, hindi na nila mafefeel ang kapogian ko. Tsk! Dapat may book 2!" nanghihinayang na sabi ni Chris at inayos ang kanyang buhok. Napa-iling nalang ang mga kasama nya. Sanay na sila sa kahangian nito.

"Psychos kunware wala kayong narinig ah?" natatawang sambit ni Lester kaya't sinamaan sya ng tingin ni Chris.

"Mukha kang pwet ng palaka! Wag mo nga akong tignan ng ganyan!" mabilis na asik ni Lester dito.

"Wag nyo nalang pansinin 'yan. Hindi ko pa nababalik sa mental e." sabi ni Kim sa kanila kaya't nagtawanan sila.

"Sige lang, tawanan nyo 'ko! Pogi naman talaga ako e. Papatayin ba ako ni Manager Vee kung panget akong kagaya nyo? Belat kayo. Ako ang nagwagi!" mapang-asar na asik ni Chris sabay tawa nito.

"Sabihin mo, kaya ka binuhay kasi hindi ka tatanggapin sa langit. Bawal ang baliw doon. Atsaka, kung sakali mang may book 2 panigurado, mental ang tuloy mo." Natatawang saad ni Cylde.

"Che! Mga inggit lang kayo." Inis nyang sambit kaya't nagtawan nalang sila.

"Sana nga may book 2 no?" saad ni Lorsen matapos ang tawanan. "Sayang naman kasi kung matutulog lang kami ni Clyde forever."

"Okay lang 'yan bru. May substitute ka naman e." pang-asar ni Ferliza sabay tingin kay Leila. Kaya't tumingin din ang lahat sa kanya.

"Oh, teka! Ayaw ko ng mga tingin nyong 'yan. Yung sa WTRP, trabaho lang 'yon. Walang personalan mga kaibigan." Pagdepensa ni Leila.

"Bakit kasi hindi ka nagpatawad nalang e. Humingi naman kami ng sorry diba?" sambit ni Drea. 'Nag-sorry nga ako sayo e. Pinatay mo naman ako."

"Si Manager Vee ang sisihin nyo uy! Ginawa ko lang naman yung nasa script e." nakapout na sambit nito kaya't hindi na nakapagpigil si Jhay at kinurot ang pisngi nya.

"Ang cute mo talaga Lelly!" mabilis naman na tinanggal ni Leila ang kamay ni Jhay.

"Ano ka ba! Wag mo nga akong kurutin.. Atsaka hindi Lelly ang pangalan ko." Nakasimangot na sambit nito.

"Nako! May nabubuo oh!" biro ni Eric dito.

"Pre, bagay pala sila no?" natatawang dagdag ni Earl.

"Tigilan nyo nga akong dalawa, baka gusto nyong patayin ko kayo? Remember, I'm the real psycho here."

"Ofcourse not! I'm the one who's real." Napatigil sila at napatingin sa nagsalita.

"Manager Vee!" sigaw nilang lahat at mabilis na niyakap ang kakarating lang na magandang binibini. (Walang kokontra. HAHAHAHA)

"Teka, saglit! Papatayin nyo ba ako. Di ako makahingi!" sigaw nya sa mga ito kaya't humiwalay ang P13 sa kanya.

"Manager Vee, namiss ka kasi namin e." mabilis na sambit ni Hazel.

"Kaya nga! Ang ganda mo pa din." Pambobola naman ni Lester dito. Kaya't binatukan sya ni Faye.

"Wag mo ngang bolahin si Manager baka maniwala e." bulong nya pero narinig ni Manager Vee iyon.

"Anong sabi mo Faye Dela Cruz?" seryosong tanong nya dito.

"Lagot ka." Natatawang panakot ni Lester.

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Where stories live. Discover now