Psycho 25 - Devil

2.6K 106 18
                                    

Psycho 25 –

                    Devil

[Third Person’s Pov]

PINAPANUOD nila Leila si Jhay ngayon sa di kalayuan. Nakita nila kung pano ito manlumo noong nakita ang bangkay ni Drea sa compartment ng kanyang sasakyan. Nasa mga labi nila ngayon ang ngisi ng tagumpay.

“Makikipaglaro pa ba tayo sa kanya?” tanong ni Leila sa kasama. Tinignan naman s’ya nito.

“Bakit Leila? Naiinip kana ba?” Napatingin si Leila sa sasakyang dala n’ya.

“Medyo. Dahil gustong gusto ko ng pahirapan si Lorsen. Silang lahat!” may galit sa tono ng dalaga habang binabanggit ang bawat salita.

“Kalma lang. Malapit na din ang katapusan nila. Malapit ng matapos ang lahat.” Tumango na lamang si Leila sa sinabi ng kanyang kasama.

---

Kahit na nanginginig ang buong katawan n’ya dahil sa nakita ay nagawa parin ni Jhay na magdrive pauwi habang dala dala ang ni bangkay ni Drea. Naaawa s’ya para sa kaibigan, masyadong mahirap ang dinanas nito. Halos hindi na nga ito makilala. Sobrang sobra naman ang kanyang pag-aalala kay Lorsen.

Kung nagawa ni Leila yun kay Drea, pano pa kaya sa kambal nya kung saan s’ya mismo galit? Hindi na s’ya makapag-isip ng tama. Halos hindi na n’ya alam ang gagawin pero tinatatagan parin nito ang loob.

Noong malapit na s’ya kinuha naman n’ya ang cellphone n’yang nasa tabi n’ya at denial ang number ni Eric.

“Yes, Jhay?” bungad ng sa kabilang linya..

“Jhay? Anong problema?” dagdag ni Eric. Ilang Segundo bago s’ya nakapagsalita. Huminga sya ng malalim.

“Bro, Drea is dead.”

---

Dinala agad ni Jhay ang bangkay ni Drea sa isang ospital. Makalipas naman ang ilang minuto. Dumating si Eric kasama ang mga pulis.

“Nasan si Drea?” nag-aalalang tanong ni Eric dito.

“Sa morgue.” Mahina at puno ng hinanakit na sagot ng binata. Napasuntok naman si Eric sa pader.

“Bullshit! Ano bang nangyayare satin?!” sigaw n’ya at hindi n’ya ininda ang dugong tumutulo mula sa kanyang kamao. Hindi umimik si Jhay napayuko nalang ito dahil hindi din n’ya alam ang kanyang sasabihin. Kahit na may nalalaman s’ya hindi na sya basta basta magtitiwala sa kahit kanino.

“Jhay Chua.” napa-angat s’ya ng ulo ng makitang pulis ito.  Tinitigan n’ya lamang ito kaya’t nagsalitang muli ang pulis. “Napag-alaman namin na ikaw ang nagdala sa bangkay ni Drea Abad dito. Maaari kabang sumama samin sa presinto para sa ilang mga katangungan?”

Na-alarma si Jhay sa narinig. “Pero, wala akong kasalanan!” sagot nito.

“Hindi ko naman sinasabing may kasalanan ka bata. May mga gusto lang naman kaming itanong pagkatapos ay makaka-uwi kana.”

“Pero---“

“Jhay sige na. Magtatanong lang naman daw sila. Kung wala ka talagang kasalanan hindi ka matatakot.” Putol ni Eric dito. Napangisi naman si Mamang pulis.

“So, sinasabi mo ba na may kasalanan ako?” sigaw ni Jhay dito.

“Hindi yun ang ibig kong sabihin Jhay! Hindi ko ugaling mambintang alam mo yan. Ang akin lang naman, sumama kana ng mapadali ang kaso ni Drea.” Mahinahon na saad ni Eric.

Napabuntong hininga naman si Jhay. “Sorry bro. Napaparanoid lang ako.”

Tumango si Eric sa binata. “Naiintindihan ko. Sige na, ako ng bahala dito. Tatawagan ko na din ‘yong iba.”

Pagkatapos nyang sabihin iyon. Sumama naman na si Jhay sa mga pulis. Isasakay dapat s’ya sa mga mobile nilang dala ngunit tumanggi s’ya.

“Sir, sasama naman po ako. Pero sa sasakyan ko nalang po gagamitin papunta sa presinto.” Tinuro naman n’ya ang kotse n’ya.

“Masyado ka pang bata para magkakotse bata.”

Umiling s’ya. “Meron ho, akong lisensya.” Sabay kuha nito sa wallet nya at pinakita kay Mamang pulis.

Napabuntong hininga naman ito. “Mga mayayaman nga naman. Osya, kung hindi ka dito sasakay. Sasama nalang ako sayo dyan sa sasakyan mo.”

Tumango nalang si Jhay. Wala na din naman s’yang magagawa. Sumakay na ang ibang pulis sa mobile na dala nila. Ang kasamang pulis naman ni Jhay sumakay sa kotse n’ya.

Pina-andar na ni Jhay ang sasakyan n’ya. Nasa front seat naman ang kasama n’yang pulis. Tahimik silang nagbabyahe ng biglang magsalita ang pulis.

“Ako ng pala si SPO Curpoz.” Sinulyapan lang sya ni Jhay at ibinalik ang tingin sa daan.

“Natatandaan kita. Ikaw ang humuli kay Chris, hindi ba? Walang kasalanan ang kaibigan ko.” mariing sagot ni Jhay.

Mula sa gilid ng kanyang mata nakita n’yang napangisi ang Pulis. “Alam ko.” Wala sa oras na napapreno si Jhay dahil sa sagot ni SPO Corpuz.

“Alam mo?” kunot noo nitong sagot habang hinihinto ang sasakyan. Tumango naman ang mamang pulis. “Kung ganun bakit mo s’ya hinuli? Bakit hindi n’yo pa s’ya pakawalan?” puno ng pag-asang sambit ni Jhay.

“Easy lang bata. Hindi naman ganun kadali ‘yon. Naghahanap pa kami ng mas matinding ebidensya laban sa kanya.”

“Laban kanino? Sinong s’ya?”

Hindi naman sumagot ang Mamang pulis bagkus ay may kinuha itong folder sa loob ng kanyang jacket at ibinigay kay Jhay.

“Basahin mo ‘yan. D’yan mo malalaman kung sino ang tinutukoy ko.” Agad naman binuksan ni Jhay ang folder at tumambad sa kanya ang litrato ng kanyang mga kaibigan kasama ang mga impormasyon tungkol sa kanila.

Napahinto si Jhay sa nang makita n’yang iba ang pangalan ng isa mga kaibigan n’ya. Ngunit mas nagulantang s’ya ng may nabuong initials sa pangalan na ito.

“DEVIL..” mahina nitong sambit.

End of psycho 25 

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Where stories live. Discover now