Psycho 22 - Karma is a bitch

2.9K 114 14
                                    

Psycho 22 –

                 Karma is a bitch

 

[Jhay’s point of view]

HINDI ako makapaniwala sa narinig ko. Sinasabi ko na nga ba at hindi iyon si Lorsen. Tama lang na sumunod ako sa kanila. Bago pa nya ako makita ay nauna na akong umalis.  Kailangan kong mahanap si Lorsen, nasa panganib sya. Pero saan?

Wala akong dapat pagkatiwalaan sa kanila tanging sarili ko lang. Hindi ko alam kung ano pang nangyare  noong mga bata pa sila. Pero aalamin ko, kung sino sino ang may kagagawan sa pagkamatay ng mga kaibigan ko. Aalamin ko kung sino ay nag-babalat kayo, bago pa mahuli ang lahat at mapatay nya kaming lahat.

“Bro, san ka galing?” salubong na tanong sakin ni Eric. Kakarating ko lang kasi. Huminga ako ng malalim para maging natural ang sagot ko.

“Sa labas pare. Tumawag kasi si Mama e. Pinaa-uwi na ko. Alam mo naman yun..” pag-papalusot ko.

“Ganun ba? Sige uwi ka muna. Kami nalang muna bahala dito.” Tumango ako.

“Sige. Babalik din ako mamaya. Pag-paalam mo nalang ako sa kanila ah..” pagkatapos nun ay nagfistbump kami. Lalabas na sana ako funeral house ng may mga sasakyan ng pulis na nasa harapan.

Tinignan ko si Eric. “Ano yun?” tanong nya at lumapit  nakita nya ang mga pulis.

“Ano pong kailangan nyo?” tanong nya.

Matagal bago sya sinagot ng pinagtanungan nya dahil inilibot muna nito ang tingin sa loob ng funeral house. Pagkatapos nun ay nagsilapitan ang mga kaibigan ko.

“Chris Gomez, kailangan mong sumama samin. Isa ka sa suspect sa pagkamatay ni Faye Dela cruz.”

Nakita kong nabigla si Chris, ganun din ang iba. “Anong ako? Grabe ka Manong pulis. I did’nt kill anybody!”

“May mga ebidensya na nag-sasaad na ikaw ang killer. Kaya sana sumama ka sa amin ng matiwasay kung ayaw mong magkagulo.” Mahinahon na saad nung Pulis.  

“Teka po. Paanong nangyare na sya ang pumatay kay Faye?” tanong ni Clyde. Maginga ko gusto ko din itanong nya. Kilala ko si Chris. Hindi nya yun magagawa.

“Hindi nya magagawa yun!” giit ni Earl.

“Sa presinto ka nalang magpaliwanag. Sumama ka na sa amin..”

“Hindi! Wala akong kasalanan. Malinis ang konsensya ko.. Hindi ako sasama sa inyo!” sigaw ni Chris. Ramdam kong seryoso na sya sa mga oras na ‘to.

“Wag mo sanang gawing mahirap to. Mas mapapadali ang sintensya mo kung sasama ka sa amin ngayon lalo na’t minor de edad ka. Magtatanong lang naman kami ng ilang bagay.” Nilapitan na sya ng mag pulis at poposesan.

“Teka! Hindi sya mamatay tao.” Pigil ni Kim sa mga ito habang umiiyak.

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Where stories live. Discover now