Psycho 1 - The Psycho 13

13.4K 342 116
  • Đã dành riêng cho nhai12
                                    

Psycho 1 -

          The Psycho 13

[Third Person’s Point Of View]

  NASA park malapit sa eskwelahan ang Psycho13 o P13. Kilala sila sa kanilang eskwelahan dahil sa kanilang mga kalokohan.

“Guys, Im nervous. Baka anong punishment ang bigay satin ng principal.” Saad ni Kim. Halata sa dalaga ang kabang nararamdaman nito.

  “Wala tayong kasalanan. Kaya di tayo mapaparusahan.” Giit ni Eric. Sya ang nagsisilbing Kuya nilang lahat. Dahil s’ya ang may pagkamatured kahit na magkakaedad lamang sila.

 “Yeah right! We all know that, pero sila? Alam ba nila? Kahit naman sabihin nating hindi tayo ang may gawa nun di naman sila maniniwala e. They have evidence!” medyo may galit sa tono ng pananalita ni Faye.

  “Nagpapakatino na nga tayo, tapos ganito?” sigaw ni Lorsen.

 “Baby, huminahon ka. Maayos din to Guys. Sana..” may pagbabakasakaling saad ni Clyde, boyfriend ni Lorsen.

  “Pusang gala kasi naman. Sino kaya ang walanghiyang nagset up satin?” sabi naman ni Lester. Habang nilalantakan ang pagkaeng nasa harap nila. Ganito sila parati. Kapag naisipan nilang tumambay dito ay nagdadala sila ng pagkaen.

  “Malamang yung Devon na yun. Alam naman nating may galit sya sa grupo natin diba?” sabi ni Drea pagkatapos ay umnom ng coke.

 “Yan din ang nasa isip ko.” Sang-ayon ni Chris.

 “Pero Guys, di pa tayo sure dyan. We don’t have evidence na sya nga ang nagset up satin..” mahinahon na saad ni Ferliza.

  “Ou nga babe, but look tayo nga wala naman tayong ginagawang masama, pero may ebidensya sila laban satin. So, di malabong mangyari yun..” saad ni Earl, boyfriend ni Ferliza.

 “Anong mangyayari satin nyan? Graduation na bukas, dapat nagpapraktice tayo ng graduation march ngayon. Hindi yung ganito.” Sabi ni Jhay na halatang inis na inis at kahit anong oras gusto ng manuntok.

 “Guys!” napalingon sila sa sumigaw. Sina Rachel at Hazel na tumatakbo papunta sa kanila. Hingal na hingal sila ng lumapit sa mga ito.

 “Anong sabi ni Principal?” mabilis na tanong ni Lorsen. Umupo muna sina Rachel sa tabi nila.

 “It’s a big bad news Guys..” malungkot ang tono ni Hazel. Habang kumuha ng piattos na hawak ni Faye at sinubo.

 “Ano naman? Sabihin muna. Wag kanang magpakaba dahil kanina pa kami kinakabahan..” sigaw ni Kim.

 “Hindi…” napahinto sya na tila hindi nya kayang sabihin pero ginawa nya pa din. “Hindi daw tayo makakagraduate..” naiiyak na tuloy ni Rachel.

  “What the fvck?? No freaking way! Papagalitan ako nyan. ” mabilis na sigaw ni Drea.

 “It’s true. Naki-usap kami pero, ayaw nila kaming pagbigyan..” saad ni Hazel na umiiyak na.

 “Hindi naman tayo ang sumira sa mga equipment at iba pang gamit sa school ah. Wala tayong ginagawa ,anong silbi ng Cctv camera dun? Mga peste! Mapapatay ko talaga ang may gawa nun.” Galit na sigaw ni Lorsen, hinawakan nalang ang kamay nya ni Clyde para kumalma.

  “Hindi lang yun ang binibintang satin.. May mga nawawala ding mga important files sa office ni Principal. At tayo ang suspects..” mahinang bulong ni Rachel.

 “Pusang gala na nasagasaan ng Pison! Ano naming gagawin natin sa mga yun?” sigaw na din ni Lester sa pagka-inis.

 “Bakit hindi nalang natin bayaran yung mag nasirang equipments? Baka sakaling magbago yung isip nila.” Suhesyon ni Ferliza sa kanyang mga kaibigan.

  

 “Sinabi na din namin yan pero, sumusunod daw sila sa rules ng school.” Mabilis na sagot ni Hazel.

  “Wala na. di na tayo makakagraduate! Saklap..” mahinang bulong ni chris.

“Ayokong maging repeater! Ikahihiya ako ni Mommy..” malungkot na pahayag ni Kim.

 Umiyak na din ang iba sa kanila. Ang iba naman tahimik lang na parang nag-iisip. Nabigla sila ng tumayo si Eric.

 “San ka pupunta?” saad ni Clyde sa kanya.

“Sa school. Di ako papayag dito, wala tayong kasalanan, hindi tayo ang may gawa nun..” saad ni Eric.

 “Sama ako pre. Hindi makatarungan to.” Sang-ayon ni Jhay sabay tayo mula sa pagkaka-upo.

  “Ano sama tayo?” tanong ni Clyde sa kapatid nyang si earl.

 “Ou, lagot tayo kay Mommy neto..” sabi nya.

“Hindi na ako sasama. Uuwi nalang ako..” sabi ni Lorsen sabay tayo.

“Ako din. Ayoko muna makita ang principal, baka ano pa magawa ko sa kanya..” saad ni Faye.

 “Uwi na din ako. Dapat ko na tong sabihin kila Mommy..” Drea

 Tumango nalang ang iba. Naunang umalis ang mga uuwi na. At ang pupuntang school naman ay lumakad nadin. Magkita kita nalang daw sila mamaya ulit para pag-usapan kung ano mang magiging desisyon ng principal nila.

 End of Psycho 1

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ