Pyscho 20 - Ferliza's conclusion

2.8K 115 15
                                    

Psycho 20 –

              Ferliza’s conclusion

[Third person’s point of view]

ALAS nuwebe na ng makarating sila sa burol ni Faye. Inabangan naman sila ng kanilang mga kaibigan doon.

“Lorsen!” saad ni Ferliza sabay yakap kay Lorsen. Niyakap din sya nito.

Lumapit naman sa kanila sina Kim at Chris. “Okay lang Lorsen?” tanong ni Kim. Tumango naman ito bilang sagot.

“Pare, where’s the food? Kanina pa kami gutom.” Reklamo ni Chris. “Puro kape at biscuit nalang laman ng tiyan namin simula kanina pa.”

Inabot naman ni Earl yung binili nila sa Mcdo kanina. “Aryt! Let’s eat Guys!” sigaw naman ni Chris at bumalik dun sa may lamesa dala yung pagkaen.

“Patay gutom talaga.” Inis na sambit ni Kim. “Anyway, tara na? Kumaen muna tayo..” dagdag nya.

“Mabuti pa nga..”

Pagkatapos nilang kumaen ay nilapitan ni Lorsen ang kabaong ni Faye habang abala ang kanyang mga kaibigan sa pagtawag sa ibang mga kamag-anak ni Faye. Dahil nasa ibang bansa ang mga magulang nito kaya medyo nahihirapan silang hanapin ang ibang mga kakilala nya. Yung mga kaibigan at mga kaklase nalang nila muna ang kanilang mga tinatawagan.

“Faye.. rest in shit!” mahinang saad ni Lorsen sabay ngisi habang pinagmamasdan ang walang buhay na bangkay ng kanyang kaibigan. Nawala naman agad ang ngisi nya ng biglang may humawak sa balikat nya.

“Baby!” pagtingin nito ay si Clyde. “Okay ka lang ba? Uminom kana ba ng gamot?” tanong ng binata. Tumango lang si Lorsen sa kanya.

“Hey dude! Hi Lorsen..” bati ni Chris ng lumapit ito sa kanila.

“Hi.” Sambit ni Lorsen.

“Wooaah! Bakit ganyan boses mo?” tanong ni Chris at tinignan mabuti si Lorsen.

“Bakit?” - Lorsen

“Wala lang. Para kasing iba e.” saad ni Chris sabay tingin sa bangkay ni Faye.

Lumunok muna ang dalaga bago sumagot. “Masakit kasi lalamunan ko.”

Tumango tango naman si Chris. “Ahh. Pero himala hindi ka yata nag-iiyak ngayon?” Napatingin sa kanya si Lorsen.

“Bakit naman ako iiyak?”

“Eh, kasi diba ikaw pinaka-iyakin satin. Syempre wala na si Faye, ineexpect ko nga magbrebreak down ka eh sa sobrang iyak..” mahinahong sambit ni Chris.

“Yun ba? Naisip ko lang kasi, kung iiyak ba ko mabubuhay sya? Hindi naman diba?”

Tumango ulit si Chris. “May point ka.”

“Chris tigilan mo nga muna si Lorsen! Lagi nalang syang umiiyak kaya give it a break. Mas mabuti nga na hindi sya umiiyak ngayon e.” sabat naman ni Ferliza na nasa likod na nila.

“Okay fine. Naninibago lang kasi ako.” Sagot ni Chris sabay alis.

“Ang gago talaga nun. Wag mo nalang pansinin bru.” Asik ni Ferliza pagka-alis ni Chris.

Tumango si Lorsen. “Ou nga e.”

Tumingin si Ferliza kay Clyde. “Hm, clyde pwede ko bang munang makausap si Lorsen ng private?” pagpapaalam ni Ferliza dito. Tumango naman si Clyde at humarap kay Lorsen. Atsaka ito hinalikan si noo at tuluyan ng umalis.

“Anong bang pag-uusapan natin?” mahinahong tanong ni Lorsen.

Nagpalingon lingon si Ferliza sa paligid nya at nakita nyang busy ang kanyang mga kaibigan, may iba’t ibang inaasikaso. Hinawakan nya sa braso si Lorsen.

“Wag tayo dito bru. Masyadong delikado baka may makarinig..” hindi mapakaling saad ni Ferliza. Halata naman sa mukha ni Lorsen ay may pagtataka pero tumango nalang ito. Aalis na sila sa harap ng kabaong ng biglang lumapit sa kanila si Jhay.

“Hey, san kayo pupunta?” tanong nya sa dalawa.

“Dun lang kami sa labas. Mag-lalakad lakad muna siguro..” sagot ni Ferliza. Tumango nalang si Jhay pagkatapos ay tinignan nya si Lorsen, ngumiti naman sa kanya ang dalaga.

“Kamusta?” tanong nito.

“Mabuti lang. Sige una na kami..” sagot ni Lorsen.

“Sige, Ingat..”

Pagkatapos noon ay nakalabas na sila. Pero ang hindi nila alam ay sumunod sa kanila si Jhay, may kutob kasi syang hindi maganda. Pumunta sila sa may park malapit sa Funeral. Wala pang masyadong tao doon, umupo sila sa damuhan at sumandal sa puno ng acasia doon.

“Ano bang sasabihin mo?” panimula ni Lorsen. Tinignan naman siya ni Ferliza.

“Pano ko ba to sasabihin…” napahinto sya at tila ba hindi nya alam kung pano nya sisimulan. “Kasi naalala mo doon sa park nung nalaman natin na umalis si Faye papuntang ibang bansa? Nung hindi pa natin alam na patay na sya..” pagkukwento ni Ferliza. Tumango tango naman si Lorsen nun pero hindi nagsalita kaya’t tinuloy ni Ferliza ang kwento nya.

“Actually, nauna kayong umalis ni Clyde noon samin diba? Naiwan pa kami ng mga ilang minuto doon pero noong aalis na kami…..” napahinto ulit si Ferliza sa pagsasalita at nagpalingon lingon sa paligid.

Lumapit pa sya ng konti kay Lorsen at tinuloy ang sasabihin nya. “May nakita kasi akong dugo sa sapatos ni Chris noon..” mahinahong saad nya. Nanlaki ang mata ni Lorsen.

“What do you mean by that?” tanong nito.

“Hindi ko alam kung tama ang konklusyon ko pero sa tingin ko may kinalaman si Chris sa pagkamatay ni Faye kasi ang alam natin nun ay umalis lang si Faye ng bansa pero that time patay na pala sya.” Saad ni Ferliza.

“So, you mean si Chris ang pumatay kay Faye?”

Sunod sunod ang tango ni Ferliza at halatang kabado pero ang pinagtaka nya ng tumawa lang si Lorsen. Tawa lang ito ng tawa kaya’t napakunot ng noo ang dalaga.

End of Psycho 20

 

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon