Psycho 16 - Sorry

3.1K 122 14
                                    

Psycho 16 –

               I’m Sorry

[Ferliza’s Point of view]

ANDITO parin kami sa may park. Pero si Lorsen ay umalis na kasama si Clyde, ihahatid daw nya ito. Nakaindian sit parin kami dito.

“Guys, ano ng oras? Di na kasi gumagana relo ko e. Wala na atang battery..” tanong ni Drea samin sabay wagayway sa kaliwang kamay nya.

Tinignan naman ni Kuya Eric ang relo nya. “8:46pm na.” sagot neto. Aga pa pala.

“Akala ko naman mga 10pm na. Haha.” Biglang sabat ni Chris.                         

Binatukan sya ni Kim. “Masyado kang exagge ano?” Sumimangot naman si Chris at humarap kay kim.

“Ganun talaga, syempre nag-eenjoy ako kaya akala ko 10pm na..” sabay pout neto. Inirapan lang sya ni Kim.

“Oh, may nabubuo.” Pang-aasar ni Earl sa mga ito.

“ASA!” sabay pang-sagot nila Chris.

“Sabay pa oh? Pinagpraktisan?” natatawang tanong ni Jhay.

Napasimangot nalang si Kim. “Hindi yan. Destiny kasi.” nakisali narin ako.

“Hoy! Wag nga kayo.” Sigaw samin ni Kim sabay kamot sa ulo.

“Ayieeeee. Kilig si Kim sakin..” pang-aasar ni Chris.

Nanlaki ang mata ni Kim. “Huwaaaw! Ang feeling mo, gago!” sigaw nya dito.

“Gwapo sabe!” chris

“Ewan sayo Che!” kim

“Hoy,  tama na yan. Ano uwi na tayo?” tanong ni Earl.

“Ou nga, nakakapagod.” tuloy naman ni Kuya Eric.

Nakakunot ng noo si Drea. “Ha? Anong nakakapagod e, halos wala man tayong ginawa dito.”

“Meron kaya. Nung kiniliti kita. Haha. Gusto mo pa?” tanong ni Kuya eric at akmang kikilitiin ulit si Drea, kaya naman napa-atras eto.

“Hala! Ayoko na. Uwi na tayo!” mabilis na sagot ni Drea sabay tayo.

Tumawa naman si Kuya Eric. “ Hahahaha. Alright.”

Nag-sitayuan na kami pero bago pa man kami nakalakad. May napansin ako sa sapatos nya. Bakit parang may dugo?

“Hm. Chris..” pag-agaw ko ng atensyon nya.

“Yes, Gf ni Earl?” masiglang saad nya.

Napa-iling ako. “Ha? Ahh, wala. Hehe..”

Napakunot naman ang noo ni Earl. Tinignan ko sya. “Wala talaga. Hehe. Tara na.” pag-aaya ko. Ewan ko pero nakaramdam ako ng kaba. Pero, baka nasugat lang sya? Baka nga. Pinilig ko nalang ang ulo ko. Atsaka naglakad na kami papunta kung saan nakapark ang mga sasakyan.

[Third Person’s Point of view]

Hindi parin makapaniwala si Lorsen sa narinig mula sa kanyang ina. Hindi patay ang kambal nya. Nakita nya yun kanina hindi ba? Yan ang palaging nasa utak nya. Pinunasan nya ang luhang walang humpay na umaagos mula sa mukha nya. Hinarap nya ang kanyang ina na ngayon ay luhaan na din.

Umiling sya. “H--hindi mom, hindi sya patay.” Giit nito.

Niyakap sya ng kanyang ina. “Lorsen, you have to accept the truth. She’s gone.”

Kinalas nya ang pagkakayakap. “Hindi nga sabi e! Nakita ko sya kanina!” sigaw nya sa kabila ng kanyang mga hikbi.

“Patay na sya. S--she was burned sa bahay ng lola mo sa probinsya..” mahinang saad nito. Nanlaki ang mata ni Lorsen sa narinig.

 “What? She was burned? Oh my God!” hindi makapaniwalang saad nya habang nasa mukha nya ang kanyang mga kamay.

“Im sorry anak, di ko na sinabe sayo..”

Umiling sya. “I hate you.” mahinang saad nya. “I really hate you mom. Bakit hindi mo sakin sinabe?” iyak parin sya ng iyak. 

“Alam mo naman siguro yung nangyare noon diba? Kaya ko sya, pinadala ng probinsya. Anak, our named have reputation. Pinahiya na nya ang pangalan natin noon, ayoko ng maulit yun.” saad ng ina nya.

Napakunot sya ng noo. At lalong naiyak. Alam nya sa sarili nya na sya ang may kasalanan noon. Na hindi dapat nang-yare iyon sa kapatid nya. Wala na syang masabi kundi ang humagulgol.

“It’s all my fault. “ yun nalang ang nasabi nya at pilit na tumakbo palabas ng bahay nila. Kahit na masakit ang paa nya, pinilit nya parin. Tinawag pa sya ng kanyang ina ngunit hindi na sya nga-abalang lumingon.

Iyak lang sya ng iyak habang pilit na tumatakbo sa village nila. “Kasalanan ko lahat. Im sorry Leila. Im sorry..”

Habang sa pagtakbo nya ay bigla nalang may humigit sa kanya at niyakap sya. “Lorsen,anong problema?” tanong nito. Pagtingin nya. “K--kuya Eric.” utal na sambit nya at niyakap nalang si Eric.

“Shh. Ano bang problema mo?” tanong ni Eric sa kanya.

Iyak lang sya ng iyak. “K..kasalanan ko lahat. It’s all my fault. Im sorry Leila. Im sorry..” saad nya habang humihibik.

“Shh. Stop crying Lorsen. Wag muna isipin yun. Tama na..” saad ni Eric habang mas lalong hinigpitan ang yakap nya sa kaibigan.

--

Nasa loob na sila ng bahay ni Eric. Magkavillage lang kasi sila. Nakaupo si Lorsen sa may sofa. Mukhang nahismasan na ito kahit papaano. Pinaimom kasi sya ng hot choco ni Eric upang kahit papaano ay maging okay ito.

“K..kuya eric..” sambit nya kaya napatingin si Eric dito.

“Hmmm?”

Pumikit si Lorsen at humingang malalim. “Gusto ko na mamatay.” matigas na giit nya.

End of Psycho 16

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Where stories live. Discover now