Psycho 6 - This is just a start

3.9K 143 47
                                    

 Psycho 6

       This is just a start

 [Jhay’s Point of view] 

 NANDITO pa rin kami sa loob ng bus. Lahat kami shock, lahat kami nagluluksa. Lalong lalo na si Lorsen, alam naming wala ng ligtas sa pagkahulog dun sina Manong at Clyde lalo na’t napakalakas ng ulan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, parang may mali. Hindi ko lang maconclude kong ano. Tinignan ko ang iba, pinapatahan parin si Lorsen. Ayokong nakikita syang ganyan, dahil noon pa man mahal ko na sya. Lumapit ako sa kanila.

“Lorsen, tama na. Wag ka ng umiyak oh.” pagpapatahan ni Hazel. Ngunit hindi ito sumasagot, tanging iyak lang ang maririnig mo mula sa kanya.

“Lors, matapang ka diba? Kaya mo yan.” sambit naman ni Faye. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at niyakap na sya. “Lorsen, stop crying shh. Andito pa kami. Di ka naming iiwan, Okay? Tama na Ako andito ako, hindi kita iiwan.” alam kong nagulat sila sa ginawa ko pero wala na kong pakialam.

“Guys, kailangan na natin umalis dito.” ma-autoridad na sabi ni Eric.

“S--san naman tayo pupunta?” tanong ni Kim

“Hanap tayo ng tulong. Hindi pwedeng dito lang tayo. Walang silbi ang mga cellphone natin dahil walang  signal dito.” sagot nya.

“H--hindi. H--hindi ko iiwan si Clyde dito. D--dito lang ako” mahinag bulong ni Lorsen sa kabila ng kanyang mga hikbi.

“T--tama, yung kapatid ko hindi ko sya pedeng pabayaan.” nangingilid na ang luha ni earl habang sinasabi nya yun.

“Lorsen and Earl, alam ko masakit pero sorry but we have to go, hihingi tayo ng tulong.” mahinang saad ni Eric sabay punta sa driver seat. Kumalas si Lorsen sa pagkakayap ko sa kanya. “K--kuya Eric no! Magpapa-iwan ako. Pls!” Sigaw nya.

“Lorsen, babalikan natin ang kapatid ko. Pangako ko yan sayo..” saad ni Earl, alam kong masakit sa kanya ang nangyare sa kapatid nya. Napa-iling nalang si Lorsen. “H--hindi ayoko, d..dito lang ako..”

“Lorsen, pls. Wag matigas ang ulo! Ayaw ni Clyde ng ganyan Okay?” sambit ulit ni Eric at pina-andar na ang bus. Yumakap nalang sakin si Lorsen, at humagulgol muli.

[Third Person’s Point of view]

  Humina na ang ulan pero hindi parin nawawala ang kulog at kidlat. Huminto ang bus sa isang bahay. Parang bahay matanda, yung bahay na kawayan lang ang mga straktura.

“Guys, no choice. Wala ng gas, dito muna tayo mag-stay” saad ni Eric sa kanila habang sinusubukan padin nyang pa-andarin ang sasakyan ngunit ayaw na talaga itong magstart.“Dyan sa nakakatakot na bahay yan? No way! Dito nalang ako sa bus.” sigaw ni Drea.

“Onga kuya Eric, dito nalang tayo” sang-ayon ni Ferliza.

“Guys, delikado tayo dito. Baka mamaya may pumasok nalang na kung sino dito. Hindi pa naman natin kabisado ang lugar na to.” sabi naman ni Lester na kanina pa tahimik.

“Mas delikado naman tayo dyan. Tignan mo nga, ang creepy. Walang ilaw, halos di ko na nga  makita e. Thanks nalang sa kidlat.” sarkastikang sambit ni Faye.

“Pero Guys..”

“Pls. dito nalang tayo? Ayoko pumasok dyan. Mukhang bahay ng aswang o kung ano e.” Pagmamaka-awa ni Rachel.

“Sige. Dito Muna tayo.”

“Psycho’s.” tawa ng Kim sa kanila kaya’t napatingin ang kanyang mgakaibigan. “Ano ba tong napasok natin? Summer class ang pinunta natin dito hindi adventure.”

 “H--hindi ko alam, bakit ganito. Natatakot ako.” sabay iyak ulit ni Ferliza.

 “Babe, shhh! Im here. Wag kang matakot.” Niyakap nalang sya ni Earl.

 “B--babe, si Lorsen. Papano na sya? Si Clyde?”

 “Babalikan ko si Clyde, hindi ko sya pdeng pabayaan ng ganun nalang ang kapatid ko..” sagot ni Earl sabay halik sa noo ni Ferliza.

 “Hindi! Clyde!” nagulat sila sa pagsigaw na yun ni Lorsen kaya’t agad nila itong nilapitan sa may likod.

“Lorsen? Gising..” mahinang bulong ni Kim. Sabay yugyog nya dito.

“Guys, hayaan nalang muna natin syang magpahinga. Baka napapaginipan nya lang yung nangyare kanina” saad ni Jhay.

Bumalik na ang iba sa mga upuan nila. Katahimikan. Katahimikan ang bumabalot sa kanila ngayon. Hindi na nila magawang makapagbiruan dahil sa nangyayare. Gulong gulo nadin sila. Bakit nangyayare sa kanila ito? Totoo ba ang lahat ng ito? Ito na ba ang simula ng karma nila sa lahat ng kanilang kalokohan?

End of Psycho 6

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon