Psycho Finale

4K 114 51
                                    


 Psycho Finale

[Third Person's Point of view]

NAGISING si Kim na nakatali ang kamay at paa ng barbed wire. Napaluha sya ng makita ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang kamay at paa. Napapapikit nalang sya sa hapdi ng kanyang nararamdaman.

"T—tulong! T—tulungan nyo ko." Mahina nitong pagsambit. Napapangiti naman si Leila na nakatayo sa di kalayuan habang nakikitang nahihirapan ang dating kaibigan.

Nilapitan n'ya ito. "L—Lorsen. Tu—tulungan mo ko." May pagbabakasakali sa kanyang boses. Lumuhod sa harapan nya ang nakangising si Leila at malakas na sinampal ang kawawang dalaga na sanhi ng pagkahiwa ng maliit na parte ng kanyang labi kasabay noon ng malasahan nya ang sariling dugo.

Tinignan sya nito ng may pagtatanong. "Stupida! Talaga bang kinalimutan nyo na ako. Ha? Kimberly Galvez!" may diin sa bawat salita ng dalaga.

Hindi muna nagkapagsalita si Kim bagkus ay tinitigan muna ang babaeng nasa harapan nya. Gusto nya mang takpan ang bibig nya sa pagkatanto na hindi si Lorsen ang nasa harap nya ay hindi nya magawa.

"L—Leila.." mahina nitong sambit. Nakatanggap na naman s'ya ng isa pang malakas na sampal sa kaliwang pisngi.

"Now, you remember me huh?" nakangisi nitong tanong. "Kim, are you ready?" panunuksong tanong nya.

"A—anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong nya. Hindi muna sya sinagot ni Leila. Tumayo muna ito sa harap n'ya at kinuha ang pako na nasa loob ng kanyang bulsa. Nilaro laro nya ito sa kanyang mga palad at tumingin ng nakakaloko kay Kim.

"Handa kana bang makita si Kamatayan?" Hindi pa nakakapagreact ang dalaga sa kanyang tanong ng buong pwersa nyang ibaon ang tatlong matulis na pako sa paa ng dalaga.

Tanging sigaw lang maririnig kay Kim. Hindi nya alam kung paano nya ilalarawan kong gaano kasakit sa nararamdaman nya sa mga oras na ito. Tila ba, nararamdaman nya ang pagtagos ng tatlong pako sa kanyang paa. Namimilipit sya sa sakit.

Tuwang tuwa naman si Leila ng makita ang paglabas ng pula't sariwang dugo mula sa paa ni Kim. Mas lalo syang natuwa ng makita ang mukha ng dating kaibigan na nahihirapan. Lalo nyang diniinan ang pagkakabaon at mas lalong ang lumakas ang sigaw ng dalaga.

"L--Leila." Nahihirapan na saad ni Kim. "T—Tama na.."

"Tama na?" hindi nya makapaniwalang tanong. Napa-iling si Leila at tumayo, iniwan nya sa paa ng huli ang tatlong pako. Natarak parin ito sa kanyang mga paa.

"Kulang pa yan! Hindi sapat yang nararamdaman mong sakit sa mga dinanas ko! Nasira ang buhay ko! Naging mabuti naman ako sa inyo diba? Pero, anong ginawa nyo? Tinalikuran nyo ko! Mas pinili nyo yung walang kwenta kong kambal!" mapait nyang saad at mabilis na inapak apakan ang paa ni Kim na may nakatarak na pako. Dahil sa ginawa nya, lalong bumaon ito sa paa ng kaibigan.

Iyak na sigaw lang ang nagagawa ni Kim. Tinignan nya sa mata ang dating kaibigan. "I'm sorry." Mahinang nyang sabi na puno ng sensiridad. Nag-iwas ng tingin si Leila sa kanya.

"I'm sorry too, but your sorry wasn't enough!" sambit ng dalaga at may kinuha sa gilid nya, nasa isang bakanteng silid sila ng dating paaralan. Luma na ito dahil matagal ng sarado.

Noong nasa kamay na nya ang lubid, mabilis syang tumungtong sa taas ng silya at inihagis ito. May bakal kasing pahaba sa may kisame kung saan nakalagay ang dating kurtina nila.

Pagkatali nya noon ay nilapitan nya si Kim na nakahiga sa sahig habang dinadama padin ang sakit. Puno na din ng dugo ang damit nya. Napangisi si Leila habang tinatali sa paa ni Kim ang lubid.

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Where stories live. Discover now