Psycho 26 - No turning back

2.7K 105 41
                                    

Psycho 26 -

                      No turning back

[Third person’s point of view]

“BAKIT  iba ang pangalan nya dito? Wag mong sabihin s’ya ang pumatay kay Faye?” parang hindi matanggap ni Jhay ang mga nalalaman n’ya. Hindi nya alam, parang ang sakit lang tanggapin na malaman na sya pala ang kasabwat ni Leila.

“Sya nga.” Tipid na sagot ng pulis.

“Paanong nangyare to?” hindi pa rin makapaniwalang saad ni Jhay dito. “Saan mo nakuha ang lahat ng ito?” tuloy nya pang saad.

“Hindi na mahalaga kung pano ko nakalap ang mga yan. Ang mahalaga, alam mo na kung sino ang pumatay kay Faye.” Diin ng pulis. “Pati narin sa pamangkin ko.” Nakunot ang noo ni Jhay sa narinig.

“Sinong pamangkin?”

“Rachel Hipolito..”

---

Nakarating sila ng presinto upang pagplanuhan kung paano maliligtas ang mga kaibigan nila laban sa kanya. Alam na din ni Chris kung anong tunay na nangyayare sa kanilang mga magkakaibigan. Tulad ni Jhay, halos hindi nya rin matanggap.

Nadatnan nyang naka-upo si Chris halatang hinihintay nya si SPO2 Corpuz at ganun nalang ang kanyang pagkabigla ng makita nya si Jhay dito.

“Pare!”

“Kamusta kana Chris?”

“Gwapo pa din.” Biro nito upang pagaanin ang atmosphere.

Bigla naman sumingit si SPO2 Corpuz. “Tara sa loob. Doon tayo mag-uusap usap.” At nagsimula na itong maglakad. Sumunod naman ang dalawang magkaibigan sa kanya.

---

Samantala, tinawagan na naman ni Eric ang kanyang mga kaibigan at ibinalita ang pagkamatay ni Drea.

Nagmamadali silang magpunta dito at hindi ininda ang malamig na gabi.  Sinundo silang lahat ni Clyde at Earl sa kani-kanilang bahay upang sabay sabay na silang magtungo sa ospital.

Noong nasa loob na sila ng van ay walang umiimik sa kanila na tila ba hindi makapaniwala sa nangyayare. Si Clyde ang nagdadrive nasa front naman ang nagbabalat kayong si Leila. Nasa likuran nila si Earl at Ferliza kasama si Kim.

Ang dating makukulit at magugulong magkaka-ibigan kapag nagsama sama ay ngayon ay tila napipi na. Tahimik lang silang nagbabyahe at bawat isa sa kanila ay nakakaramdam ng kaba pwera nalang kay Leila na sa loob loob nya ay natutuwa sa kaganapang nakikita.

Pagkarating nila doon sa ospital ay agad silang sinalubong ni Eric ng yakap at doon na lamang sila naiyak.

“Where she is?” tanong ni Kim sa kabila ng kanyang mga hibki. Matagal bago nakasagot si Eric.

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Where stories live. Discover now