Psycho 21 - Half Revelation

2.8K 117 18
                                    

Psycho 21

                                 Half revelation

[Third person’s point of view]

NAGISING si Lorsen sa isang kwarto. Nakatali ang kanyang mga kamay at paa sa isang silya. Inilibot nya ng tingin ang silid may lamparang nakalagay sa isang maliit na lamesa. Tumingin sya sa kanyang harap, at ganun nalang ang kanyang pagkabigla na kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso nito ng  makita ang kanyang kaibigan na wala ng buhay at kahindik hindik ang itsura. Si Drea!

Halos hindi na makilala ang dalaga pero alam ni Lorsen na ito ay si Drea dahil sa kanyang kasuotan. Eto yung suot nya bago sila nagkahiwa-hiwalay sa parke.

Pinilit nyang tanggalan ang pagtatali nya ngunit tanging sakit  lang nararamdaman nya. Hindi lang pala ordinaryong tali ito. Kundi barb wire! Sa kanyang pagpupumiglis, napupunit ang balat nya sa kanyang kamay at paa.

Tuloy tuloy ang agos na sariling dugo mula dito. Kasabay nun ay ang kanyang walang katapusan na luha. Hindi na ininda ang sakit at ngapumiglas pa din ito. Napapahiyaw nalang ito sa pagnararamdaman nyang napupunit ang kanyang balat.

“D..drea. P..patawarin nyo ko.” Saad nya kasabay ng kanyang mga hikbi. “D..dahil sakin nadamay pa kayo sa galit ni L..leila..”

----------

 “Lorsen, bakit ka tumatawa?” napu-urong si Ferliza habang tinatanung nya ito sa kaibigan. Kinikilabutan ito sa ginagawang pagtawa. Naninibago din ito sa kanyang kinikilos.

Ngumiti naman ng nakakaloko ang kanyang kaibigan. “Alam ko kung sino ang pumatay kay Faye.”

Nanlaki ang mata ni Ferliza. “Sino? Ibig sabihin hindi si Chris?” Tumango ito bilang sagot.

“Kaya nga ako tawa ng tawa kasi mali ang konlusyon mo.  Ang tanga mo talaga no?” kaswal na sabi nito kay Ferliza. Kaya naman lalo itong napa-urong dahil alam nyang hindi ganito ang kanyang kaibigan.

“Bru! Hindi kana nakakatuwa. Parang hindi na ikaw yan!”

“DEVIL.” Simpleng saad ni Lorsen.

Kumunot ang noo ni Ferliza sa narinig. May naalala sya sinabi ng kaibigan. Yung sa bahay na pinuntahan nila noon. Yung sulat na dugo ang ginamit sa bawat letra. Yung may mensahing papatayin nya silang lahat.

“Siya ba?”

“Ou. Pero hindi ko sasabihin kong sino sya sa mga kaibigan mo.”

Lalong nakaramdam ng takot si Ferliza sa pinagsasabi ng kanyang kaibigan.  Parang ibang tao na ito sa paningin nya. Biglang tumayo si Ferliza kahit nanginginig ang buong sistema nya sa takot ngunit hindi man umalma ang kasama bagkus lalo itong ngumiti ng malademonyo.

“S..sino ka?” tanong nya sa kabila ng kanyang takot. “H..hindi ikaw si Lorsen! Sino ka ba?!”

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Where stories live. Discover now