Psycho Epilogue

3K 84 41
  • Dedicated to To all psycho readers! ♥
                                    

Epilogue -

Who's The Real Psycho?

[Chris' Point of view]

HABANG nilalabas ko si Kim sa kwartong iyon, wala na syang malay. Napapamura nalang ako tuwing nakikita ko yung kalagayan nya.

Madali ko syang nailagay sa kotse ni Jhay. Hinalikan ko muna sya sa noo pagkatapos ay iniwan na sya doon.

"Babalikan kita. Don't worry Kimmy ko." Tumawag na din ako ng ambulansya at pulis bago tuluyang pumasok sa loob. Sa mga silid ulit ako nagtungo ngunit sa 2nd floor na, dahil may napansin akong bukas ang ilaw doon sa isang kwarto.

Pagkarating ko doon, tumambad sakin ang mga monitor. NakakCCTV pala kami. Ayos ah! Pogi kaya ako sa TV. Malamang, kahit sa personal pogi ako e.

Umupo ako ng mabilis sa harap nila. Nakikita ko ang lahat ng nangyayare. Shit! Wala na si Ferliza? Si Clyde? Pati sina Earl at Eric wala na din?

Kahit nanginginig ako kamay ko sinubukan kong ireplay ang mga pangyayare. Nabigla ako sa mga nasaksihan ko. Kaya lang tae ulit. May bomba daw? Ayokong malechon! Di pwede, sayang ang genes!

Tatakbo na sana ako palabas ng makita si Jhay sa isang monitor na buhat buhat si Clyde, papunta kung nasan sina Earl. Pinagbubukas ko ang mga cabinet dito baka sakaling may makita akong pwedeng magamit.

Napangiti ako ng makakita ako ng walkie talkie! Pano ba gamitin 'to? Bahala na nga. Magsasalita na lang ako. "Tao po! Tao po, is anybody home?" sigaw ko habang palabas ng silid na yon pero may kinuha muna ako.

Patakbo akong nagtungo sa cafeteria kong nasan si Ferliza. Hindi ko naman hahayaan na maluto sya dito.

[Jhay's Point of view]

Masyadong malaki dito, kaya't nahihirapan akong mahanap sila. Naiinis ako kasi sobra sobra yung kaba ko. Nagtuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nasilayan akong nakahiga sa sahig. Nilapitan ko ito agad.

Napamura nalang ako sa kalagayan nya. "Clyde.." mahina kong sambit. Halos di ko na sya makilala punong puno ng dugo ang mukha nya.

Mabilis kong hinawakan ang pulso nya at nakahinga ako ng maluwag ng may maramdaman pa akong pintig dito.

"Clyde.." tawag kong muli ngunit hindi sya, nagreresponde. Ma-ingat ko nalang syang pinasan sa likod ko, kailangan na nyang madala sa ospital. Asap!

Habang naglalakad ako may natapakan akong kamay kaya't binaba ko muna si Clyde upang makita ng maayos.

"Shit!" napamura ako ng wala sa oras. Sina Earl at Eric! Tinignan ko kung buhay pa sila ngunit wala na talaga. Lalo akong nanghina doon. Kailangan ko silang ilabas dito.

Tatayo na sana ako ng may marinig akong parang nagsasalita. Kinapa kapa ko sila at may nakita akong walkie talkie sa bulsa ni Earl.

"Sumagot naman kayo kay poging Chris!" sigaw sa kabilang linya. Takte.

"Chris!" sambit ko.

"Hay, salamat sa sumagot ka din. Jhay panget Ikaw yan diba? Makinig kang mabuti, ilabas mo na sila dyan. May bomba daw dito. Malapit ng sumabog, magmadali ka kung ayaw mong mabarbecue!" sigaw nya.

"Tangina! Anong bomba pinagsasabi mo?" kinakabang tanong ko.

"Honest to boy! Dalian mo! Mamaya ko ipapaliwanag. Palabas na ako dala ko si Ferliza! Babalik ako dyan." Sambit nya na tila nahihirapan.

"Ilang minuto nalang ba?" Tanong ko at binuhat si Clyde palabas. Nagmamadali ako ako nun. Wala na akong pakialam kahit anong maapakan ko.

"Less than five minutes!" Napamura nalang ako sa isip ko!

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Where stories live. Discover now