Psycho 23 - Gotcha.

2.9K 111 23
                                    

Psycho 23 -

                    Gotcha

[Third person’s point of view]

WALA silang magawa kundi umalis na lamang doon. Nagpunta nalang sila sa kanilang tambayan. Sa Park malapit sa eskwelahan nila noong high school. Naka-upo sila ng pabilog sa damuhan.

Walang nagsasalita, walang imikan. Tanging buntong hininga na lamang ang maririnig sa kanila. Makikita sa mukha nila ang kalungkutan. Ang dating Psycho13 ngayon ay ngayon ay walo nalang.

“Si Drea, hindi pa din ba tumatawag?” pagbasag sa katahimikan ni Leila na nagpapanggap na Lorsen. Pero ang hindi nila alam, patay na ito. At sya ang pumatay.

Nakita nyang nag-iisip at nag-aalala ang mukha nila kaya naman sa loob loob nya ay natutuwa sya sa nakita.

Napasulyap sa kanya si Jhay, maaring kayang patay na si Drea. Tanong nito sa kanyang isip. Napatingin din si Ferliza dito at pero agad nyang iniwas ang tingin at yumuko dahil sa may namumuong luha sa kanyang mga mata. Malakas ang kutob nito na wala nadin si Drea.

“Ewan nga e. I keep calling her but walang sumasagot, ring lang ng ring..” sagot naman ni Clyde.

“Baka may nangyare ding masama sa kanya?” nanghihinang tanong ni Kim.

“Wag naman sana! Ang dami ng nangyare, wala na sanang madagdag..” malungkot na turan ni Earl sabay tingin sa GF nyang nakayuko. “Babe, may problema ba?” tanong neto na puno ng pag-aalala

“W--wala. D--dont mind me..” sagot nya sa kabila ng kanyang mga hikbi. Niyakap nalang sya ni Earl at humarap sa kanyang mga kaibigan.

“Ihahatid ko na si Ferliza. Mas mabuting umuwi nalang muna tayo. Magkikita nalang tayo sa burol ni Faye sa makalawa..” asik nito sa kanila.

Nagsitayuan na silang lahat. “Mag-iingat kayo..” seryosong bilin ni Jhay sa kanila. Tumango sila atsaka nagyakapan.

Sasakay na sana sa sasakyan si Ferliza ng habulin sya ni Leila. “Bru!” napapikit na lamang sya ng marinig iyon ngunit humarap parin ito. Wala syang magagawa, hawak nya ito sa leeg.

Niyakap sya ni Leila  na nagpapanggap bilang lorsen. “Mag-iingat ka ah?” bilin nito. Tumango na lamang si Ferliza ngunit bigla syang kinilabutan ng dugtungan nito ang sinabi.

“Baka Ikaw na ang susunod..” atsaka tumawa ito ng mahina bago humiwalay sa kanya ,lumapit na ito kay Clyde at umalis na ang mga ito.

Samantala, nasa kotse si Jhay kasama si Kim dahil sya ang maghahatid dito sa bahay nya ngunit bago pa man ito malayo sa parke ay pinigilan sya ni Kim.

“Jhay, wag mo muna ako iuwi. Ihatid mo ako kay Chris, pls?” sabi nya dito. Sinulyapan naman si Jhay.

“Pero, Kim mas kakabuting umuwi ka muna. Ako nalang ang pupunta kay Chris. Mas ligtas ka sa bahay nyo.” Pagtanggi nito.

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Where stories live. Discover now