Psycho 3 - It's gonna be fun

7.2K 219 78
                                    

 Psycho 3

                 It’s gonna be fun

[Earl’s Point of view]

 NANDITO kami ngayon sa school. Kainis lang, pinapunta kami ng principal dito. Nang-iinis ba sya? Mismong graduation papapuntahin kami, samantalang di nga kami makakapag-march. Edi nganga kami dito. Peste talaga yung kalbong yun.

“Kainis na kalbo naman yan, bakit kelangan papuntahin pa tayo dito?” bulong ni Lest. Baka may makarinig nga naman na tinatawag naming kalbo yung principal. Malilintikan kami lalo.

 “Ewan ko dun. Kalbo na nga, weird pa.” sagot naman ni Lorsen. Loko talaga tong girlfriend ng utol ko.

“Quiet lang, psycho nyo talaga. May makarinig satin. Sa labas nalang nating sabihin na kalbo sya.” Sabi naman ng girlfriend ko. Kaya natawa nalang kami, pilya din to e. Kinurot ko nalang sya sa pisngi. Ang cute nya kasi.

 "Aray!” reklamo nya atsaka ako tinignan ng masama.

Ningitian ko naman sya yung pangkiller smile. “Peace babe. I love you.”

“Telenovela mga pare oh! Kilig.” sambit ni Chris. Panira talaga ng moment to. Tsk. Binatukan naman sya ni Clyde. “Thanks bro.” natatawang sabi ko.

“No problem. Pero, maiba tayo. Nasaan na kayo yung kalbo?” cool na tanong n’ya. Sasahot n asana ako ng bigla nalang may parang nafake ng ubo kaya napatingin kami. Nako! Nayari na!

 “Ehem! Sinong kalbo?” taas kilay na tanong ni Principal Kalbs.

“Ay, kabayong kalbo!” sigaw ni Drea sa gulat. Lalong tumaas yung kilay n’ya. Kaya natatawa ako. Pinipigilan ko lang. Mukhang tanga e.

“Yung kabayo po Principal Kal.…” biglang tinakpan ni Rachel yung bibig ni chris. Muntik pang sabihin yung kalbo e. Loko talaga.

“Wala po. Principal. Yung kabayo lang po talaga..” sabi naman ni Rachel ng makabawi sa ginawa ni Chris.

“Ako ba pinagloloko nyo? May kabayo bang kalbo?” tanong ni Principal Kalbs. Ano ba yan? Seryoso ba sya? Principal sya tapos hindi nya alam? Palitan ko to e. Tsk.

“Meron po.” Sagot ni Clyde.. Napatingin sa kanya yung principal na halatang hinihintay yung sasabihin nya. “Pag po matanda na, parang kayo este hindi po pala.” tuloy nya pa. Namumula na ko, gusto ko na talaga humalagpak sa tawa.

 “Mga sira talaga kayo. Di na kayo nadala. Magbehave lang kayo dyan. Hintayin nyong matapos ang graduation bago ko kayo kausapin mamaya..” sabi nya sabay walk out. Pagka-alis na pagka-alis nya. Ayun na nga ang sinasabi ko. We all burst in laughter.

[Ferliza's Point of view]

 “Tae! Grabe, gusto ko na talagang matawa kanina e..” tawa ni Kim habang hinahawakan pa yung tyan nya. Ganun din yung iba pati ako mismo.

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon