Psycho 12 - Quiting

3.4K 133 17
                                    

Psycho 12 -

             Quiting

 [Third Person’s Point of view]

ONE week Later ….

 “Psychos, we need to go. Pinapatawag daw tayo ni PrinceEpal Kalbs.” basag ni Chris sa katahimikan nila.

 Nasa Sementeryo silang sampu. Kakatapos lang ilibing sina Hazel, Lester at Rachel. Nakaitim silang lahat. Lahat sila nagdadalamhati. Lahat sila nalulungkot sa sinapit ng kanilang kaibigan.

 Ang summer class na inaakala nilang masaya naging trahedya at masamang panaginip na hinding hindi nila makakalimutan. May mga bagay parin silang hindi naiintindihan. May mga bagay parin silang gustong malaman. May mga katanungan sa kanilang mga isip na hindi nila alam kung masasagot pa.

 Kokonti nalang ang tao sa sementeryo. Sa iisang lugar lang nilibing ang tatlo. Ang karamihan naman na kamag-anak ng mga namatay ay umalis na. Ang iba ay, hindi pa din matanggap ang nangyare at naglulupasay parin sa iyak.

 “What happened to us..” mahinang bulong ni Ferliza na nagsisimulang tumulo na naman ang kanyang mga luha. Niyakap naman s’ya ng kanyang nobyong si Earl.

 “Let’s just say that everything happens for a reason..” tugon ni Clyde dito.

 “That’s Bullshit Clyde! Yung pagkamatay ni Lester? Anong magandang rason yun? Hazel stabbed him to death! Our friend betrayed us!” galit na sigaw ni Faye habang walang humpay ang pagtulo ng luha nya sa mata. Pinagtinginan nadin sila ng iba pang tao ngunit wala syang pakialam.

 Hinawakan ni Lorsen ang kamay ni faye upang pakalmahin ito. “Faye, please calm down.”

 “Calm down? How can I? Look at him! Malamig na bangkay na sya ngayon at di magtatagal kakainin na sya ng mga uod sa lupa H—he does’nt deserve that!.” Patuloy parin sa pagsigaw si Faye.

 “Faye! Hindi lang ikaw ang nawalan. Magbabarkada tayo dito. Kami rin nawalan kaya alam naming yang nararamdaman mo! Masakit pero we have to face the reality.” mahinahong saad ni Eric. Napayuko nalang ang una habang patuloy sa pag-iyak.

 “Naging mabuting kaibigan satin si Rachel. H--hazel, I don’t know what happened to her. Lester, he’s a kind hearted man. Kalog pero maasahan. Rest in Peace psycho3” saad ni Kim habang tinitignan ang mga puntod nila.

 “Natupad na yung pangarap ni Lester na maging Superhero.” bulong ni earl kaya’t napatingin silang lahat sa kanya. May pagtataka sa kanilang mga mukha.

 “What do you mean by that Earl?” puno ng kuryosidad na tanong ni Faye dito.

 “Before he died. I remembered he says that he will end something. Right Eric?” sabi ni Earl sabay tingin kay Eric. Tumango naman ang huli bilang sagot.

 “Wait guys, bakit naman ginawa satin yun ni Hazel? B—bakit sya papatay?” lahat sila natahimik sa tanong ni Kim. Hanggang sa may magsalita.

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Where stories live. Discover now