Psycho 14 - Untitled.

3.2K 129 26
                                    

Psycho 14 –

                Untitled

[Chris’s Point of view]

 NANLAKI ang mata ko. Hindi mali, kami lahat nanlaki ang mata sa narinig naman na mula kay Kim. Si Jhay na singkit naman, nahirapan ata kasi parang walang nagbago sa mata nya. Singkit pa din. Pambihira.

Kung kanina nagagawa ko pang mang-asar ngayon hindi na. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot at kaba.

“What?”

“Kim, hindi magandang biro yan..”

“Bawiin mo yung sinabi mo!”

Kanya kanya sila ng reaksyon. Umaasang nagbibiro lang si Kim. Pero bakit ganun? May tumutulong Luha sa mata nya. So, totoo nga?

“No! Kanina lang kasama natin sya diba?”

“Pano nangyare yun?!”

“Hindi ko alam pero..” huminto si Kim sa pagsasalita. Marahil siguro nahihirapan din sya.

“Pero ano?”

“P—pero. Patola! Joki joki lang.” sigaw nya samin sabay tawa. Patola? Anong koneksyon ng patola sa sinasabi nya. Bigla kaming natahimik pero patuloy lang sya sa pagtawa.

Nabablaliw na ba sya? Hawak hawak nya pa yung tyan, dahil sa kakatawa. Napakunot nalang kami ng noo. Minsan talaga hindi ko din maintindihan tong babaeng ‘to. Alam ko naman na may feelings sya sakin pero ayaw aminin. Napa-iling nalang ako.

“Okay okay! Sorry, nagbibiro lang ako..” tawa parin sya ng tawa.

“Hindi magandang biro yun Kim!” sigaw ni Eric sa kanya. Halata sa mukha nito ang inis. Natahimik sya dahil sa sigaw na yun. Tila ba, natauhan sya at bumalik sa katinuan. Pero, akala ko lang pala.

“Im sorry na kasi pero kasi, If you only seen your face.  Priceless!” hirap na hirap sya sa pagsasalita dahil sa hindi nya parin mapigilan ang pagtawa..

“Kim! There’s nothing funny to laugh at!” galit na sigaw ni Ferliza. “Hindi magandang biro yun! Kaibigan parin natin si Faye.” Dahil dun natauhan si Kim at natahimik sandali. Nabalot kami ng katahimikan, ang awkward nyeta. Narinig naman bumuntong hininga si Kim at pumasok na ng tuluyan sa kwarto.

“Im sorry Guys.. Pero, totoo naman talaga yung sinabi ko e.” mahinang saad nya. Habang nakayuko. Nakunot na naman ang noo naming for the second time.

“What the?!”

“Are you making fun of us, Kim?”

Sigaw nila sa kanya. Umiling naman sya atsaka humarap samin. “No. I mean.. Here..” may inabot syang envelope sakin. Ano to letter?

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Where stories live. Discover now