Psycho 19 - This time it's real.

3K 112 17
                                    

Psycho 19 –

                 This time it’s for real

[Clyde’s point of view]

 MADALING araw na pero biglang tumunog ang cellphone ko sa gilid ko. Antok na antok na ‘ko pero sinagot ko pa din na hindi tinitignan kung sino ito.

“Hello?”

“Clyde, Faye is dead..” sabi ng kabilang linya. Biglang nagising ang diwa ko dahil sa narinig ko. Napa-upo pa nga ako sa pagkakahiga. Tinignan ‘ko din ang oras sa gilid ‘ko, pasado alas tres palang ng medaling araw.

“What?! This is not a great joke dude. Stop it..” sigaw ko at mabilis na nakaramdam ng kaba.

“No. This time totoo na. Pumunta kayong **** Funeral” Then he hanged up. Agad akong bumangon upang magbihis. Ginising ko na din si Kuya Earl.

“Sigurado ka ba dyan Clyde?” tanong ni kuya habang iniistart na yung sasakyan.

“I don’t know. Pero hindi naman siguro magbibiro si Eric ng ganun diba? You know him.”

“Yeah. Daanan muna natin sila Ferliza.” Saad nya. Tumango ako. Habang nasa byahe kami tinawagan na naman sila, yung iba hindi sumasagot. Nakarating na kami sa kanila. Nakita namin sya na nasa harap na ng gate nila. Agad syang pumasok sa loob ng kotse at halatang malungkot.

“Totoo ba?” tanong nya samin. Inihinto ni Kuya Earl ang pagmamaneho at niyakap saglit ang girlfriend nya. “We’ll see. Clyde, Ikaw na muna magdrive. Puntahan na din natin si Lorsen. Sila Chris daw ay on the way na kasama sina Kim..” Tumango ako at nagpalit na kami ng pwesto ni Kuya, umupo sila sa may back seat samantalang ako, ay nasa driver seat.

Pagdating naman kina Lorsen e. Ako nalang ako bumaba at nagdoorbell. Tinawagan ko na din ang phone ni Lorsen pero hindi nya sinasagot. Baka tulog pa yun. Doorbell lang ako ng doorbell ng may marinig ako sumigaw parang galit.

“Sino ba yan?!” nakita kong nabukas na ilaw sa loob nila kasabay nun ay pagbukas ng pinto sa bahay nila.

“Manang? Si Lorsen po?” tanong ko ng makilala kung sino. Lumapit sya sa may gate at pinagbuksan ako.

“Ano ka ba namang bata ka! Hindi mo ba alam na madaling araw palang ha?! Bakit ngayon mo naisipang dumalaw?!” sermon nya sakin at pinatuloy ako sa loob.

“Napakaimportanteng bagay lang po. Nasan po ba si Lorsen?” seryosong saad ko. Sinenyasan nya pa ako ng maupo pero tumanggi ako. “Nagmamadali po ako, kasama ko po sina Kuya Earl.”

“Ganun ba? Oh, teka tawagin ko lang sa kwarto nya.” Pagpapaalam nya sakin at umakyat na upang puntahan si Lorsen.

“Manang! Anong ingay yan? narinig kong nagbukas ang pinto ng isa sa mga kwarto sa kanila. Akala ko si lorsen na, si Tita pala.

“Clyde? Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam kung anong oras palang?” saad nya sakin.

Who's the real psycho? (TOBEPUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon