CHAPTER 2

574 11 0
                                    

" Kikay umayos ka nga ng upo." Mahinang bulong ni Mommy pero hindi ko siya pinansin, nakatukod ang isa kong paa sa sofa habang kaharap ko si Mr.Villamonte.

" So kailan magaganap ang kasal?  We are excited Hijo." Si Mommy at malawak na ngumiti sa lalaking kaharap ko.

Umiling-iling si Daddy at napahilot sa sentido niya habang nakatingin sa'kin.

" Hindi ganiyan umupo ang mga babae, Kikay." Si Daddy.

" Mukha ba akong babae?" Dumaan ang inis sa mukha ni Daddy dahil sa naging sagot ko.Si Mr.Villamonte ay napangisi lang bago tumungga ng wine.

" I want to marry her tomorrow."

" Siraulo ka! As in bukas?!" Halos lumuwa ang mata ko at napatayo sa kinauupuan ko.

" Calm down Kikay, huwag mong binibigla si Mr.Villamonte tsk! " Asik ni Kuya peru binilatan ko lang siya at pinang-ikotan ng mata.

Ako nabigla dito, whoah!

" Why, is any problem of that? "

" No Mr.Villamonte and besides mas gusto namin na maikasal kayo agad.That was a nice decision." Ngumingiting wika ni Daddy kaya napasabunot ako sa buhok ko.

" Hindi ba puwedeng next year nalang? Bakit ba nagmamadali kayo? " Naiinis kong tanong kaya walang emosyon akong tiningnan ni Mr.Villamonte.

" You! " Turo ko sa lalaking nasa harapan ko.

" Wala ka bang ka taste-taste sa mga babae seriously pumapatol ka sa lalaki? "

" Kikay! " Napangiwi ako nang kurutin ni Mama ang tagiliran ko.Ang sakit naman.

" Hindi mo ba alam na patok ka sa taste ko so bakit pa ko maghahanap ng iba?" Malamig nitong usal sa'kin at sina Mommy and Daddy ay napangiti sa sagot ni Mr.Villamonte.Anong nakakatuwa don?

" That's final." Masaya ang mukha ni Daddy at nakipag-shakehands  sa lalaking seryuso ang mukha.

" Daddy kayo nalang kaya ang magpakasal total ikaw naman ang may gusto sa lalaking yan." Walang emosyon kong wika at nag-walk out.

" KIKAY COME HERE! " Sigaw ni Daddy peru nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa taas at dumeritso sa kuwarto ko.

Bakit ba gustong-gusto nila ang lalaking iyon? Ayaw ko ngang magpakasal tapos sa MAFIA pa talaga?

" Kikay open the door."

" No Daddy. "

" Open the door or else."

" Sabihin mo munang ikaw ang magpapakasal kay Mr.Villamonte."

" Fvck Kikay! "

Napatawa ako dahil halata na naiinis na talaga si Daddy.Nagtungo ako sa balkonahe ng kuwarto at hinayaan si Daddy na tudo sa pagkatok pintuan.

Nakakalungkot dahil kahit anong pagtanggi ko ay wala parin akong magagawa, buo na ang desisyon nina Daddy at Mommy.Wala na ba talagang chance na umatras?

Malungkot akong napatingin sa kawalan ngunit nang makita ang crush ko doon ako napangiti, inayos ko ang suot kong cap at kumaway, naroon siya sa kabilang mansion.

Hindi ko alam ang pangalan niya but she's very beautiful kahit sinong lalaki magkakagusto sa kaniya, kaya nga ako nagkagusto.

Naglaho bigla ang ngiti ko nang maabutan kong nakatingin pala sa akin si Mr.Villamonte, actually he's handsome kaya lang bet ko iyong maganda, hindi kami talo yay.

" Ang g*go."

Bulong ko habang nakatingin sa kaniya at siya naman ay napangisi, sa likuran niya kasama niya ang mga tauhan niya hindi ba masyadong nakakairita kapag madaming asong sunod ng sunod sa kaniya?Tsk!

Marahil uuwi na siya salamat naman kung ganon, tinaasan ko siya ng kilay at tinaasan ng kamao nang makitang nakangisi parin siya sa'kin.Pinagtawanan niya lamang ako at tumawa bago umiling-iling.

" Bye wifey! "

" Yuck kadiri ka! " Sigaw ko pabalik dahilan kaya nagtawanan ang mga tauhan niya at nag-apiran.

Mga baliw.

" Ahhh nakakainis ka! Umalis kana!" Malakas kong sigaw na alam ko pati ang mga magulang ko ay nakarinig sa sigaw ko.Isang matamis na ngiti at kumindat pa si Mr.Villamonte sa'kin bago umalis.

Nagpapadyak-padyak akong nagtungo sa kuwarto at napamura ng malakas.

" No please ayaw kong maikasal sa kaniya! "

Big yuck!

MY MAFIA'S HUSBANDWhere stories live. Discover now