CHAPTER 25

420 7 1
                                    

Nakauwi din kami ni Hugo nang matapos ang honeymoon namin sa State hindi ko alam sa lalaking iyon ang hilig niya mag-honeymoon ng matagal at sa ibang bansa pa talaga.

" Wahh! Sweetheart."

Nasa main door pa lang ako ng mansion nang marinig ang matinis na boses ni Mommy at sinalubong kaagad ako ng mahigpit na yakap.

" Namiss kita."

" Kikay! " Napsigaw si Kuya at mahigpit din akong niyakap, yumakap lang ako sandali kay Daddy dahil kinausap niya kaagad si Pareng Hugo at dinala labas para doon mag-usap.

" Kumusta ang honeymoon? Ano naging babae kana ba?"

Binatukan ko si Kuya na humalakhak ng tawa. Kakauwi ko lang nang-iinis kaagad.Hinawakan ni Mama ang kamay ko gamit ang isang kamay at ang isang kamay naman ay hinaplos ang buhok ko.

" Sweetheart sana matutunan mo siyang mahalin.Tsaka malapit na ba kaming magkaroon ng apo?"

" Kikay, huwag niyong patagalin tsaka seguro hindi ka astig noong nag ano kayo- Mommy naman."

Hindi na naituloy ni Kuya ang sasabihin niya dahil mismo si Mommy ay kinurot siya sa tagiliran.Binilatan ko si kuya at binigyan ng YOU DESERVED look.

" Hindi mo ba binigyan ng sakit sa ulo ang asawa mo? Naging behave ka ba?"

Naitanong ni Mommy gamit ang malambing na boses.Behave?

Ang natatandaan ko lang ay naging pasaway ako at iyon ang dahilan kaya nasagasaan si junjun ng dambuhalang hotdog.Kaawa-awa ang dinanas ko Mommy huhuhu.

" Yes, Mommy naging behave ako sa kaniya."

" Talaga sweetheart?"

Tumango ako para naman isipin nila na may maganda naman akong nagawa kahit dalawang beses akong naparusahan ni Pareng Hugo.

Masaklap lang talaga sa una dahil napilay ako ng isang linggo,limang araw akong nilagnat.Ayaw kong magkuwento.Naiiyak ako.

Sumapit ang gabi at dito narin kami nagdinner ni Pareng Hugo sa mansion ng mga magulang ko peru kailangan din namin umuwi sa mansion namin.Oo mansion namin ni Pareng Hugo na mas malaki at maganda kaysa sa mansion ng parents ko.

" Anak, palagi kayong bumisita dito." Paalala ni Daddy na tinanguan ko.

" Sweetheart."

Yumakap ako kay Mommy at pinanlakihan si Kuya ng mata dahil kanina pa ito kumikindat-kindat.

" Basta magpakababae ka palagi.BABAE DAPAT." Diniinan pa talaga ni Kuya ang huling kataga.

Natawa sina Mommy and Daddy dahil muntik ko na talagang upakan si Kuya.Nakakinis talaga.

" Wala paring ipinagbago.Kailan ka ba magiging babae anak? "

Ngumuso ako at tumingin kay Hugo sa likuran ko.

" Don't worry ako ang bahala sa kaniya." Napangisi si Pareng Hugo sa'kin.Bakit anong gagawin niya?

" Gawin mo ang lahat para maging babae ang kapatid ko Bro." ngising usal pa ni Kuya at nang-aasar akong tiningnan.

" Walang magbabago, lalaki parin ako." Walang emosyon kong sambit at nauna ng lumabas sa mansion.Wee walang magbabago?

Talaga lang Pareng Kiks?

Seguro naman hindi ako magbabago kung tumigil lang talaga si Hugo sa pagiging clingy niya.Simpleng yakap lang kasi kahit naiinis ako medyo hindi ko maipaliwanag iyong kakaibang feeling.

Kahit minsan binubulyawan ko siya mas lalo lamang siyang nagpapalambing hindi ko alam kung ano ba talaga ang plano niya.

Baka masanay ako sa palagi niyang ginagawa, baka nga kasi mapababago niya ako pshhj.

Habang nasa byahe kami patungo sa mansion namin ni Pareng Hugo ay nakasunod din pala sa likuran namin ang isang van na mga tauhan ng lalaking 'to.Ganito seguro kapag MAFIA maraming alagad.

" H-hoy.."

" Let me do this baby."

Humilig ang ulo niya sa balikat ko habang nakapatong ang isa niyang kamay sa hita ko, gusto ko pa sanang kumontra peru parang pagod na pagod siya kaya hinayaan ko na lamang.

Pumikit ako at suminghot, ang bango niya talaga.Kumakalat sa buong kotse ang pabango niyang hindi nakakasawa.Nakakaadik na pabango ano kaya ang gamit niyang perfume?

Habang bumibyahe ikanamura ko nang biglang pumreno ang kotse muntik din akong mauntog dahil sa biglaan na paghinto.

" What the fvck?! What's your problem b*stard?!"

Sinuri kaagad ni Pareng Hugo ang katawan ko kung hindi ba ako nasaktan sa biglang pagpreno ng kotse, ngayon ko lang din nakita ang aura niya na sobrang manlalamig ka sa takot, his voice was very dangerous.Ako tuloy ang natakot kahit ang driver ang pinapagalitan niya.

" I'm okay."

Sabi ko habang sinusuri niya ang noo ko kung hindi ba ako nauntog kanina.Muntik lang po Pareng Hugo.

" Boss? "

" What?"

" May humarang sa sasakyan natin."

Nang marinig ang sinabi ng driver doon kami napatingin ni Pareng Hugo sa unahan at nanlaki ang mata ko nang makita ang mga armadong lalaki na may hawak na baril.

Gosh! Baril?

" D*mn yuko! "

" *Bang.Bang.Bang.Bang.Bang.*"

Dinaganan ni Pareng Hugo ang katawan ko para protektahan ako.

Hindi naman iyong dinaganan ako para pisain no, bumunot siya ng baril at kinasa iyon.Dumami ang mga putukan at aminadong ngayon lang ako nakaranas ng ganito.

Mamatay na ba kami?

" Anong nangyayari Pareng Hugo? "

" Hindi ba obvious pinagbabaril tayo? "

Aba pilosopo!

" S-so mamatay na t-tayo? "

" Damn fvcking no! AANAKAN PA KITA!"

H-huh?? Jusmeee!

MY MAFIA'S HUSBANDWhere stories live. Discover now