CHAPTER 31

465 9 0
                                    

Ang bilis ng ikot ng mundo.Ang bilis ng takbo ng oras. Kasing bilis kung papaaano nagbago ang lahat sa'kin.

Iwan ko ba kung ano ang mayroon kay Hugo at biglang may nagbago.Napabago niya ang isang tulad ko.

" Hey baby..."

Napapitlag ako sa gulat nang biglang sumulpot si Hugo sa likuran ko.

" Pfttt! "

" Anong nakakatawa? Ginulat mo ako lalaki ka!" Bulyaw ko at masama siyang tiningnan sa repleksyon sa salamin.Ipinatong niya ang baba niya sa balilat ko.

" Oh, I'm sorry.Fix your self."

" H-huh? "

Gigil niyang hinalikan ang leeg ko na ikinasinghap ko at dahil do'n nakaramdam ako ng matinding kiliti.

Ehh? Sino ba naman ang hindi mahuhulog ang loob sa kaniya kung ganito ka clingy and sweet?

Pero minsan kapag seryuso at gumawa ka ng kalokohan isa lang ang ibig sabihin no'n dapat behave ka kasi kapag naubos ang pasensiya niya nako TIGRE sa sobrang bangis.

" You're not deaf right?"

" Ayy! " Hinampas ko ang kamay niyang nakapulupot sa tyan ko.Siyempre hindi malinaw pa sa tubig ang pandinig ko.G*go.

" Bakit? Saan mo ako dadalhin?" Mahinang bulong ko, nakita ko na bahagyang gumuhit ang ngisi sa labi niya at bumulong...

" In heaven."

" Aba! Ba't sa heaven gusto mo na talaga akong mamatay no? "

" Fvck!" mura niya.

" Ang bad mo! Akala ko ba mahal mo ako pero ba't gusto mong mapunta ako sa heaven?" Lumapad ang aking pag-nguso.

" PFTT! Innocent."

" Iwan ko sayo ginag*go mo ako! "

" Oh, so cute." Tinuro ko ang mukha ko at masama siyang tiningnan kasabay ng pagharap ko sa kaniya.

" Anong cute? Diba nga pinagtawanan mo ako?" Ang labo niya.Ang gulong kausap.Hindi na ako umangal pa at tiningnan siya sa mata.

" Saan mo ba kasi ako dadalhin?"

" Let's go on a date, I want to spend time with you."

Wahhh! Ano daw?

Hindi ko mapigilang matigilan sa sinabi niya, palihim akong ngumiti dahil mabuti na lang naisipan niyang maglaan ng oras sa'kin.

Eh kasi naman noong nakaraang araw naging busy siya sa work at minsan wala akong alam kung saan siya pumupunta kasama ang mga tauhan niya.Palaisipan nga  sa'kin iyon.Parang may problema siya no'ng nakaraang araw.

" So fix your self because I don't want us to take too long, maybe my mind will change."

" S-sandali lang po.I-ikaw ba hindi kana magbibihis? " Umiling siya at humiwalay sa pagkakayakap sa katawan ko.Nakabihis naman na siya, formal tignan at ang guwapo hehehe.

Nagmadali na ako sa pag-aayos kahit hindi naman ako magaling.Pinag-iisipan ko nga kung ano ang susuotin ko pero kasi magpahanggang ngayon hindi pa ako sanay sa mga dress.

Nagsuot lang ako ng slim fit jeans at peasant sleeve tsaka inilugay pababa ang buhok ko.Simple to look at but attractive.

Wehh?

Narealize ko na hindi pala ako guwapo, ang ganda ko.Iyon narealize ko na ang babae ay para sa lalaki kaya nga palihim ko ng nagugustohan ang MAFIA kong asawa.Silent muna ako hehe.

" Done? "

Tanong ni Hugo habang nasa kuwarto siya.Kinuha ko ang shoulder bag ko at lumabas sa walk in closet.Napatitig siya at umawang ang labi nang makita ako.

MY MAFIA'S HUSBANDWhere stories live. Discover now