CHAPTER 39

420 8 0
                                    

Nang makaahon ako sa pool ay sobrang seryuso ng mukha ni Hugo at isinuot sa'kin ang bathrobe, sa may malapit sa pool kami kumain ng dinner at para pa nga siyang nakikipag-kaibigan sa'kin psh!

" Baby, I'm sorry."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy sa pagkain, napaawang ang aking labi ng pisilin niya ang legs ko kaya inis ko siyang inismiran.

" I will sleep next to you."

Tumigil ako sa pagkain at tinaasan siya ng kilay.Akala mo ha.Kung ikaw puro parusa sa'kin puwes ganon din ang gagawin ko. Ngayon na nga lang makaganti.

Gigil mo ako hubby.

Pagkatapos kumain ay dumeritso narin ako sa taas at dahil may kausap pa siya sa cellphone niya ay ako nauna sa kuwarto, nice din eh no.Kasi kung siya ang nauna baka mahihirapan akong palabasin siya.

Ang ginawa ko nalang is kumuha ng unan at kumot para sa kaniya.Desisyon niya kung matutulog siya sa ibang kuwarto eh ang laki naman ng mansion.

Madami din kuwarto, hindi ko na aasahan na matutulog siya dito sa labas baka hindi naman gawain ng isang MAFIA BOSS iyon right?

Ito ang unang pagkakataon na gagawin ko ito.Para makaseguro nagsulat muna ako ng notes at idinikit sa pintuan para hindi niya bulabugin ang pagtulog ko.

Huhuhu mahirap na baka kapag nagalit siya baka masira ang pintuan makatabi lang siya sa'kin.Mabuti narin na maging aware ako.Ang talino ko talaga huhuhu.

[Dear Hugo:]

[Hoy huwag kang magalit naiinis ako sayo no'ng sinigawan mo ako kaya hindi muna kita tatawaging 'hubby'. Dito ka muna matutulog sa labas face your fvcking punishment huwag kang magalit ginagaya lang kita.Basta  bawal kang tumabi sa'kin ngayong gabi at huwag na huwag mong bulabugin ang pagtulog ko kundi uuwi ako kina Mommy and Daddy at hindi ako magpapakita sayo dahil magtatago ako.Iyon lang.]

Ito ang nakasulat sa pintuan, makikita niya 'to dahil malaki ang pagkakasulat ko.Napangisi na lamang ako at humiga na sa malambot na kama.

Hindi ako nakatulog kaagad dahil naiisip ko ang lalaking iyon, seguro nasanay ako na palagi kaming magkatabi sa kama, nasanay ako na palagi niya akong niayayakap sa pagtulog namin.

Napabuntong hininga ako.

Hindi ko narin namalayan ang oras at tuluyan na akong inantok.

Minsan lang ako magcellphone iyon ang kagawian ko para hindi matulad kay Kuya na halos hindi natutulog pag gabi hehehe.

Nagising ako kinaumagahan at marahan na bumangon sa kama, saglit lang akong natulala sa kawalan at nakalmot sa buhok ko at tumayo para pumunta sa banyo.

Nag-toothbrush muna ako at naghilamos, pagkatapos no'n ay niligpit na ang aking pinaghigaan siyempre nagliligpit din ako no.

Seguro nong hindi pa kami kasal ni Hugo parang wala akong natandaan na niligpit ko ang pinaghigaan ko.Oo tamad kasi ako inaasa ko ang lahat sa mga Yaya hehehe.

" Nagugutom ako."

Kausap ko ang sarili ko.

Naglakad ako patungo sa pintuan at nang mabuksan iyon ay napapitlag ako sa gulat nang makita ang walang emosyong mukha ni Hugo na nasa tapat ng pintuan.Nanatiling blanko ang mukha niya at nakakunot noo ko lamang siyang tiningnan.

" Anong ginagawa mo dyan? " I asked.

" Hindi mo naalala na dito mo ako pinatulog sa labas? Seriously?" Sobrang lamig ng boses niya.

" Siyempre naman naalala ko at ang ibig kong sabihin bakit dito ka ba natulog- " hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita na nakalapag ang unan at kumot, so dito talaga siya natulog?

MY MAFIA'S HUSBANDWhere stories live. Discover now