CHAPTER 46

395 5 0
                                    

" Sweetheart, nandito ang asawa mo hindi mo man lang ba siya haharapin?"

Rinig kong tanong ni Mommy at paulit-ulit na pinag-kakatok ang pintuan ng kuwarto ko.Napabuntong hininga na lamang ako at walang balak na buksan ang pinto ng kuwarto.

Okay naman kami ni hubby kaya lang ayaw ko siyang makita.

" Baby open the door."

Malambing na boses ni hubby sa labas ngunit embes na buksan ang pintuan ay mas lalo kong isinubsob ang mukha ko sa unan.

Not now ayaw ko lang talagang makita siya, marahil namiss niya ako pero hindi ko naman siya namiss eh.

Tatlong araw na akong dito sa mansion nina Mommy and Daddy at sa loob ng tatlong araw ay palaging nandirito si hubby pero di niya ako nakikita.

Eh kasi naman sa kuwarto lang ako nagkukulong.Ang weird diba?

" Baby I want to see you, please open the door."

" Huwag kayong sturbo matutulog ako! " Sigaw ko sa loob at kinuha ang kumot para magtalukbong.

Ilang segundo ang lumipas at finally ay wala narin sila kaya guminhawa ang pakiramdam ko at hindi namalayan ang oras ay nakatulog na pala ako.

Nagising ako at agad na napabalingkuwas ng bangon.Nanghilamos muna ako sa bathroom at nang tumingin sa orasan ay hapon narin.

Tangína nagugutom ako.

Lumabas ako ng kuwarto at diretsong pumunta sa kusina, naabutan ko pa sina Mommy and Daddy na nag-uusap sa malawak na sala at wala dito ang hubby ko marahil umuwi na 'yon.

" Sweetheart?"

Nilingon ko si Mommy sa likuran ko at kasama niya si Manang.

" Nagugutom po ako Mommy."

" Ipinagluto kita ng paborito mo."

Hinaplos ni Mommy ang buhok ko ngunit tumanggi ako sa sinabi niya na ipinagluto ako ng paborito ko kuno, parang nawala ang excitement ko na makakain ko na naman ang paborito ko.

" Kung ganon ano ang gusto mong kainin?" Naitanong ni Mommy.

" Tinulang manok na lang po." Nakangiting suhestiyon ko.

Si Manang na ang nagpresenta para lutuan ako tamang-tama masarap magluto si Manang, si Mommy din naman kaya lang mas gusto niya akong samahan at kausapin ako.

" S-si hubby po?"

" Umuwi na kanina, bakit ba kasi ayaw mong kausapin kung wala naman kayong problemang dalawa." napalunok ako at hindi din malaman kung bakit ganito ang inaakto ko.

" Mommy bakit po ganon dumadating sa punto na ayaw ko siyang makita pero ngayon po gusto ko siyang yakapin."

Kumunot ang noo ni Mommy.

" Namiss mo siya?"

" Hehehe kanina po hindi ko siya namiss.Tawagan ko nalang po mamaya maliligo lang po ako Mommy."

Hinalikan ko pa si Mommy at umakyat sa taas at naiwan si Mommy na naguguluhan sa paiba-ibang kong pag-uugali.

Pagkarating sa kuwarto agad na kinuha ko ang cellphone ko,mabuti na lang nakuha ko ng numero niya do'n kay Balolong eh kasi naman minsan lang mag-cellphone ang isang iyon kaya sana sagutin niya ang tawag ko.

Ilang minuto akong naghintay.Nakakadismaya dahil hindi niya pa sinasagot ang tawag ko.

" Hubby anong bang nangyayari sayo? Sagutin mo ang tawag-"

[" Who the fvck are you?"]

Kinabahan ako sa boses niyang sobrang lalim at ang lamig no'n.Halata talaga na unknown number itong numero ko parang ngayon ko nga lang siya nakausap sa tawag eh.

MY MAFIA'S HUSBANDWhere stories live. Discover now